Lorna Vejano started running at 50, now she’s running distances twice her age.

6815

Lorna_Medal_1_v2

Lorna Vejano, or Mamita as people fondly call her, is the first-ever Queen of the Rock of the Corregidor Marathon, 1st runner-up in the 2014 Baler Marathon, finisher of the 2014 Bataan Death March 102K Ultramarathon and of more than 100 other races.

She’s also a member of the National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines and competes at the World and Asia Masters Athletics Championships.

Lorna, a 55-year-old mother of two, successful business woman, dancer, tennis player, and runner extraordinaire shares her story and proves that it’s never too late to start running, and even actually excel in it.

How and When did you get into running?
Before ako mag 50, pajog-jog lang ako, kami ni husband. Tapos si Tatay Rodrigo Coronado, siya yung nag-encourage sa akin na mag run talaga. Kinukulit niya ako na mag join sa The Fort Striders. Nung una ayaw ko. Pero ang daming beses siya lumapit, hindi siya nagsasawa. Kaya pinagbigyan ko na.

Advertisement

Tapos dyan sa BGC, ang daming nagpapa run. Ayaw ko pa sumali dati. Tapos nakita ko, ang daming freebies. Pipila ka lang bibigyan ka. Kahit di mag-entry bibigyan ka. Tapos naisip ko, siguro mas madaming freebies kapag sumali ka. Parang ang babaw, pero yun, dun na ako nag umpisa mag-entry.

Nung nag 50 na ako, sineryoso ko na ang running. Tapos pagtagal napansin ko, parang ang dami ko ng medals, naisip ko, ano kaya kung mag target ako ng 100. So back to back sumali na ako. Sabado at Linggo. Meron ngang race minsan sa McKinley, in-nannounce nung emcee, “For your information, siya po yung winner kagabi. Tapos ngayong umaga, winner po ulit.” Laman talaga ako ng McKinley noon dahil naghahabol ako ng 100 medals.

Taposa sobrang saya ko nun na naka 100 medals na ako, ni-treat ko ang The Fort Striders. Nagpa-cater talaga ako. Way of thanking the club. Kasi dati ayaw ko talaga, ayaw ko pagurin ang sarili ko, pero eto, pang 100 medal ko na. Within 3 years nakuha ko yun. Sa ngayon, 55 years old na ako, 154 na medals ko.

Why did you decide to take up running seriously at your age?
Laki kasi ako sa hirap. Self-supporting ako para makatapos ng pag-aaral. Kaya na-miss ko yung mga ganitong kasiyahan o mag laan ng panahon mag ensayo nung nagdadalaga ako, hindi ko naranasan yung mga ganito kasi nagtatrabaho ako. Ngayon, parang kinukumpleto ko lang yung buhay ko.

Lorna_Vejano_3_v2

Which of your running achievements are you most proud of?
Of course, yung Corregidor International Marathon. Grabe ang nagawa sa running history ko ng Corregidor. I am the first Queen of the Rock.

Actually, ang nagtulak sa akin na sumali dun, yung trophy. Nung nakita ko yung picture nung trophy sa Facebook sabi ko, “Wow, ang ganda naman ng trophy! Gusto ko magkaroon niyan”. Di ko na inisip yung magbabarko, wala akong kasama, wala akong kakilala, hindi ako nakapag reserve ng hotel, basta gusto kong sumali.

Yun lang ang takbo na pinulikat ako. 3 beses ako pinulikat. Pero sabi ko tatakbo ako kahit isang paa, kasi alam kong may pag-asa akong maka podium.

What does your typical training look like?
I train 2-3x a week. Kunyari, Tuesday ko 10K. Thursday, 15 to 20K, then 30K. Basta dapat pag Saturday or Sunday laging may long run. Regardless of kilometers basta ang target mo yung time.

What are the struggles that you usually face when running? How do you manage it?
Siyempre may edad na ako, meron ng mga nararamdaman. Kaya masasabi ko talaga, listen to your body. Kelangan basahin mo yung sarili mo. Pag medyo pagod, hinay-hinay lang ako. Pag nakaka recover, bilis na ulit. Pero pag alam kong kaya ko pa, di ko ini-spoil ang sarili ko. Pag nakita ko na may pag-asa ako sa podium, pinag-iigi ko na. Di ko na pinapansin yung sakit ng katawan.

Where do you draw your inspiration from? How do you stay motivated?
My inspiration of course is my family, The Fort striders Running Club, at ang extended family ko, ang Team Soleus.

Inspiration ko din yung aking mga targets. Kasi lagi akong may target. Dati ang target ko is 100 medals. Nakuha ko nay un. This year naman, ang target ko 12 marathons. Gusto kong nag e-excel sa running para maging inspirasyon din sa ibang runners na kahit may edad na ay kaya paring mag podium.

Lorna_Vejano_2

What’s next for you — what are your goals for 2015 and beyond?
This year, ang target ko 12 marathons. Tapos pag na-check ko na lahat ng mga places na gusto kong marating through running, babalik ako sa pagte-tennis with my husband. And syempre yung dancing, di ko yan iiwan.

What do you think are the keys to your success, both in life and in running?
Parehas yan, success sa buhay at sa running. Sobrang tiyaga. Sobrang sipag. And syempre kasama dapat lagi si Lord. Dapat matiisin ka. Handang magsakripisyo. At tsaka dapat may target ka talaga. Aalamin mo ang gagawin mo. Meron kang goal. At yun, gagawan mo ng paraan para ma-reach.

Lorna Vejano during the 2014 Bataan Death March 102K Ultramarathon

What are the best pieces of advice anyone has given you?
May ka-partner ako sa tennis, si Col. Magdangal. Sabi niya, “You know Lorna, the secret to being young is sports”. For me, it’s true. Hindi ko na kasi iniisip ang edad ko e. Kahit nakikipagratratan ang lola sa apo, deadma na lang, kasi noon ang purpose ko e maka 100. Nagmamadali akong maka 100 medals.

What advice would you have for other runners or for those who want to start running?
Aba, GO! Wag magpatumpik tumpik. Wag mo sabihing walang time. Pag gusto, may paraan. Pag ayaw, may dahilan. Pag gusto mo, go ka lang. Also, practice, train hard, and enjoy every run. At gaya ng motto ko, “IT’S NEVER TOO LATE TO PURSUE YOUR DREAMS”. – END

Want to Share your Story? – Click Here

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness
https://www.instagram.com/pinoyfitness

PF Online Community -> https://members.pinoyfitness.com
PF Online Shop -> https://shop.pinoyfitness.com

Like this Post!? Share it to your friends!

35 COMMENTS

  1. So inspiring! I started running at 60.. Nakakaapat na run na ako in 8 mos.. 4 medals.. My first run was 5k, second run 10k, third run 16k and recently last june 7.. 10k.. Looking forward again for my next run..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here