Unilab Run United 2 – June 1, 2014

4447

ulah-run-united-2014-poster

2 months left before Run United 2 which features a 32KM distance in preparation for the Run United Philippine Marathon on October 2014! Adding this event to the calendar to remind everyone that it’s time to start training if you are aiming for this distance!

Save the Date! and Let the discussion begin! Who’s joining the 32K distance?

The theme for Run United 2 is “ALTIVS” meaning, it’s time to go HIGHER.

Unilab Run United 2
June 1, 2014
SM Mall of Asia
500m/10KM/21KM/32KM

Advertisement

Registration Fee:
500m – P350
10KM – P800
21KM – P900
32KM – P1,000

– Inclusive of Singlet, 3pcs Enervon Activ, Race Bib, D-Tag, Raffle and Active Health Sun Visor
– Post Race: Active Health Ventilation Bag and Drinks
– 21K and 32K gets a Finisher’s Medal

Announcement: Online registration via credit card is now closed (4/29/2014) for the 32km and 21km categories. Registration for 500m dash & 10km still open.

RU2 Start List:
32KM Start List
21KM Start List
10KM Start List
500m Start List

Download FAQ:
[wpdm_file id=1725]

Registration Schedule:
regpsched

[polldaddy rating=”7310707″]

Online Registration -> Click Here

Prepaid Card Selling Venues:

You may purchase the prepaid cards at the following stores: from 12:00NN to 8:00PM Monday to Sunday starting April 28, 2014.
1. ROX (Recreational Outdoor Exchange) BGC – B1 Bonifacio High St. The Fort, Taguig City
2. Tobys Sports – (CLOSED for 21K and 32K)
3. Tobys Sports – (CLOSED for 21K and 32K)
4. Tobys Sports – (CLOSED for 21K and 32K)

Note: Additional P200 will be charged for race kit delivery: P150 delivery fee & P50 web admin fee.

For online & pre-paid card registrants: complete race kit will be delivered, sizes will be available online on a first-come, first-served basis. Delivery of race kit will be on or before May 16, 2014 for those who will register from April 21 to April 30 and May 25 for those registering from May 1 to 16, 2014.

For in-store registrants: complete race kit will be given upon registration for actual runners. Singlet sizes will be on a first-come, first-served basis.

Run United 2 Medal Design:
ulah-run-united-2014-medal

Run United 2 Singlet Design:
ulah-run-united-2014-singlet

Run United 2 21K and 32K Finisher’s Shirt Design:
ru2-finishers-shirt

Sling Bag and Visor:
ru2-bag-and-visor

Race Maps:
RU2-2014_32k
RU2-2014_21k
RU2-2014_10k

For More Information:
Visit -> https://www.unilabactivehealth.com/rununited/

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness
https://www.instagram.com/pinoyfitness

PF Online Community -> https://members.pinoyfitness.com
PF Online Shop -> https://shop.pinoyfitness.com

Like this Post!? Share it to your friends!

892 COMMENTS

  1. hay… nagiging volatile na ang environment ng PF…

    Do not put others down in order to build up your own image. Daming insecure.

    • Korek kau dyan @PNut and @agpu…

      kc d mo na kelangang problemahin ang mga “walker” kung talagang elite runner ka.

      Kung mabilis kc ang isang runner malamang ang kasabayan ay mabibilis din.

      Panget naman kc i-build up mo image mo and in the process hamakin mo ang mga “walkers” na nagbayad din naman ng reg. fee.

      Take note, hindi ginawa ang mga event na to exclusively para lang sa mga taong insecure. :)

      (Walker-term na pinauso ni Shield)

    • i agree with you P Nut….
      Malaki na ang community ng mga runners at sa isang community dapat nagtutulungang hindi dina down ang isa’t isa.

    • I agree with you shield. 21K and above is not Fun Run. Okay lang naman mag walk for a short break like 2-3 minutes. Para sa akin yung dapat sumali sa 21K e yung kaya nang tumakbo ng tuloy tuloy for 10K. Di naman kelangan mabilis, you can run slow but not walk. Dapat ganun ang mentality ng runner. Isipin mo yung kakayanan mo bago ka sumali sa longer distance. If you are just aiming for fun, you can join 3k,5k and 10K…Sorry pero yan ang opinyon ko.

  2. I just sending a message. Train or go home. If you registered for the 21 32 42 50 80 100 kilometres have a sense of pride in finishing strong. Bilib pako sa mga runners na binebenta nila bib nila kasi wala sila training. Kasi alam nila preparation is key. Hindi ung mga style nyo na BAHALA NA SI IRONMAN. At lit si batman ngpeprepare.

    • hahaha kakatuwa si shield ngayon pati mga ultramarathoners na naglalakad dinadamay na… mga ultramarathoners na naglalakad ng mahaba mga walkers pala kayo eh.. magtraining daw kayo.. kung di nyo kaya na kaunti lakad wag na kayo tumakbo sa ultra..anu ba para saiyo shield ang cutoff ng 21k 2hrs? 32k 3hrs? 42k 4,5hrs? 50k 6hrs?

  3. Kung runner ka na nagrereklamo sa mga walkers, ibig sabihin nasa bandang likod ka na ng pila before gun start. Kung alam mong runner ka, dun ka sa harap para walang reklamo dahil wala kang masasalubong na walkers sa daan. Ano ba sa tingin mo ang dahilan bakit nakakasalubong mo ang mga walkers?

    Kung sa tingin mo mabilis ka at nag iisip, pipila ka sa bandang harap kasama ang mga elite unless of course mayabang ka lang sa mga taong mas mabagal pa sayo. May mga taong binubuhos sa ibang tao ang frustrations nila dahil wala silang ibang naaachieve sa buhay.

    Wala pa akong naririnig at nakikitang “totoong” elite runner talaga na nagyabang kahit minsan or nang alipusta ng ibang runners na mas mabagal pa sa kanila. Ang bilis mo ngang tumakbo, ang bagal mo naman sa pagpila before gun start, wala din. Minsan dapat din mag isip at hindi magsalita.

    Isa ako sa mga taong tinatawag nilang runners o yung mga hindi masyadong naglalakad sa mga Runs pero never akong nang alipusta ng mga taong mas mabagal pa sa akin. Madaming paraan para umiwas sa mga nakaharang sa daan, maging mga naglalakad man yan, nag seselfie, or mga magkakabarkadang sabay sabay tumatakbo sa isang linya. Kaya tao may paa, para dalhin tayo sa pupuntahan natin. Kaya tayo may kamay, para maging kaaagapay ng mga taong nagsisimula palang sa pagtakbo at pagbago ng kanilang buhay. Kaya tayo may utak at mata, para alam natin na may iiwasan tayo malayo pa lang. Kaya tayo may puso, para intindihin ang mga taong nasa paligid natin.

    Isa ako sa mga taong tinatawag nilang runners o yung mga hindi masyadong naglalakad sa mga Runs pero kailanman wala akong pakialam sa PR or sa finish time ko. I have already reached the maturity ng aking pagtakbo, beterano na ako kung tatawagin. Sa tingin ko ay malayo na ang aking naabot sa pagtakbo at mga narating ko sa buhay para ipagmayabang ko pa ang PR ko na alam kong wala namang pakialam ang tao unless ikaw mismo ang nakapag podium finish. Walang pakialam ang tao kung gaano ka kabilis tumakbo, ang mahalaga ay natapos mo.

    Lahat tayo nagbabayad, lahat tayo gustong maabot ang distansyang gusto nating maabot pero minsan, hindi lang dapat puro katawan ang gamitin, gamitin din ang UTAK at PUSO. Makalipas ang ilang taon, wala namang taong magtatanong sayo kung gaano mo kabilis natapos ang isang patakbo, wala silang pakialam kung saan ka tumakbo. Babagal ka rin, tatanda, at hihina.

    Yun lang. Wala na akong masabi pa.

    Mabuhay ang mga Runners, Walkers, and Selfiers alike. :-)

    • masyadong mahaba ang sinabi mo Egay Umalon.. Parang gusto na kitang makilala. :)

      Di naman kelangan maging elite para magreklamo. Hindi ako elite pero I agree with Shield. I am slow runner but not walker. Sa ultra lang uso ang lakad. :)

      Peace everyone.. Lahat tayo ay may karapatan magbigay ng opinyon.

      Lets not be bitter but be a better runner.

      • ang point lang naman dun is we don’t have the power to change other people… kahit naman sabihan natin ang mga non competitive na wag maglakad or magtrain, they will still do it on their own will.. pero bakit kelangang idiscriminate sila diba?bakit kelangan labelan ng kung ano2 na parang ang baba naman ng tingin sa kanila kesyo naglalakad sila…. kasi sa pagkakaalam ko sa pagiging atleta nadedevelop ang sportsmanship and respect sa mga co-delegates and other athletes…. it’s just so ironic na you are all saying na respect the distance pero hindi nyo marespeto ang ibang tao… hindi lang nman pagtakbo ang gnagawa natin sa buhay… tska yung sinasabi mo na hindi required maging elite para magreklamo ibabalik ko sayo ang sagot mo…hindi rin required na maging competitive para sumubok at sumali sa mga running events… i respect your opinions i just don’t like how you underdog those you so called “walkers” and jnjudge nyo agad na they are running just for the sake of fb purposes…wag sanang igeneralize

        ohhhhh….by the way… sa mga complains nyo kasi with walkers kayo ang mas lumalabas na bitter so for the better runner part…since hindi nga natin control yung decisions and will ng ibang tao bakit hindi na nga lang naten iimprove ang mga sarili natin? train harder… para hindi tayo maabala ng mga “walkers”, wake up early para makapwesto ng maganda sa harapan.. learn how to overtake… hindi naman porke me walker sa harapan mo ehh dun ka na lang sa likod nila…diskartehan…. kasi nagtataka lang tlga ako bakit ang lalaki ng galit sa walker? dahil hindi kayo makatakbo ng ayos? so before telling anyone else to train harder bakit hindi nten simulan sa mga sarili naten? cheers for running!:)

      • hi dets. I bet you dont know what you are saying. Ask a runner and you will know. You can ask coach Rio about it.

      • of course i know what i’m saying and bakit kelangan pa nating magconsult kay rio? ang mga events ngayon ay may bahid ng negosyo… kaya ni rio controlin ang dami ng participants or even set cut offs para yung mga talagang qualified lang ang makasali… pero hindi…kasi tinatangkilik ng karamihan kahit mahal…

        naiintindihan ko ang pnpoint out nyo…na kelangan magtraining na hindi bara bara ang half or even full marathon… pero bakit kelangang mang discriminate ng mga naglalakad? bakit mo sila pangungunahan kung gusto nilang sumali? ikaw ata ang hindi nakakaintindi sa point namin… kasi kung ang mga organizers nga hndi nila ginagawan ng paraan kahit sila ang me kakayanan… ikaw? do you think bashing and criticizing the walkers like what your doing will help? wala naman problemang mag bigay ng tips with newbies… nauuna kasi yung angas nyo.. hindi na din kasi yung being a walker nagiging issue…sa sobrang passion nyo kasi with running puro distance na lang ang alam nyo irespeto…hindi na kayo marunong rumespeto ng ibang tao….

      • hindi ako walker…i can finish a 21km, 42km, ultra with a decent time… me times na naaabala din ako ng walker ng lower category sa mga turning points pero hindi nman dahilan yon para bargasin ko sila… overtake..tapos..

        pero the way you label those walkers and the way you talk about them… parang hindi kayo nanggaling sa paglalakad… and naglakad lang yung tao jnudge mo na agad? wag nyo na lang igeneralize… siguro yung mga nakikita nyo na nagppicture pa or holding hands while walking pa na mag jowa pwede pa masilip…

    • @Egay Umalon: Two Thumbs Up SIR! Yan ang Runner. Lahat tayo pantay-pantay. Dapat nag-eenjoy sa lahat ng tinatkbuhan. :)

    • Salute to you man!! much respect! egay. very well said.

      ano kayo ngayon?!

      Mabuhay ang mga runners, walkers and selfiers!..one love!

      if ayaw nyo maistorbo sa takbo e di sumali kayo sa track running!
      dun wala ka mababanga at baka ikaw mabanga dun hahaha.

      wag ka sa fun run!. hindi mo naiintindihan yun salitang FUN RUN!

      .
      Pauso ko kaya PAMPAM RUN.. para sa aming mga simpleng runner, walker, selfier, or even crawler. toddler..watever! hahha

      tapos pag my tumakbo ng parang sila kwan yun mabibilis na ayaw maistorbo. papahabol ko sa marshal para tangalin sa run! haha
      or my waiver na nakasulat! wag kang echosero! at epal! we just want to have fun while running.

      hey dude! remember dun ka din nangaling..hnd ka pinanganak na mabilis. wag mo sirain un mga nagsisimula at nagsusumikap na matuto tumakbo tulad mo sa pagsali sali sa fun run. be a model not hater! mas masarap maging modelo kesa maging si echosero. kasi wika nga ni kaEGAY
      “dadating ka din sa panahon na babagal ka”. .
      gusto mo ba gawin sau un gngawa mo?!

      pero hnd kmi ganun bahala ka sa buhay mo. haha FUN RUN pa din kami.oh picture muna. hehehe

      peace!

      • simple lang naman ang punto namin nila shield, maldita at iba pang reklamador!!

        kung alam mo sa sarili nyo na pang 5k palang kayo wag nyo ipilit ang 21k or 32k tapos mag kakalat kayo sa race

        sumasali tayo sa isang running event upang masubukan ang atin kapasidad sa ganun kategorya hindi hindi upang pilitin ang isang bagay hindi namin natin pinaghandaan..

        sumali ka sa kategorya na pinaghandaan mo! hindi ung suntok sa buwan para lang masabi…

        alam ko marami jan ganun tumakbo lang ng ilang lingo 21k agad.

        oo lahat tayo nag simula sa lakad takbo..

        dun sa mga kritiko namin bakit sa ganun ba ginawa nyo
        practice ng kaunti tapos 21k agad???

        ung mga elite runner o kahit professional coach jan kahit sila ang sasagot dapat ay tama ang ganun ilang lingo palang tumakbo 21k or 32 agad dadaanin nalang sa lakaran??

        mag pakatotoo nga kayo.. oo hindi ganun kabibilis hindi rin ganun kagagaling. pero kami sumasali kami sa alam namin na tama lang sa kakayanan namin hindi kami si ironman…

        peace!! see yah in june 1

  4. This will be my first 32km.. After running several 21km at 3 hours mstly, any tips po if ok n to run on 32km… Or tips on preparation.
    Thanx and goodluck to all

  5. Karamihan ng mga against sakin balak pumasok sa politics. Nakapeprepare na mga speech. Haba ng sinabi un din ang punto. Hay naku. Para sa inyo, sige, isa din na akong Walker. Opo walker na ko. Nagconvert nako. Paghahandaan kona po ang 32k ng naglalakad. Tsk.

    • tHE SHILED, TUTAL, SUMIKAT KANA sa pang-mamaliit ng mga runners that you tagged as walking dead, why dont you post your PRs and full name to support you cockiness and pride. Instead of hiding on an alias para matigil na ang usapin about you. Ako kilala kita and you were not on the top 10 nor top 20 sa Sub 10k kahit nga top 50. I dont want the disclosure of your identity to come from me. Kaya ipagyabang mo na rin kung sino ka para magka alaman na

    • paghahandaan mo ang 32k??? ibig sabihin sasali ka na naman kahit alam mong may mga walkers na haharang sayo?!?!?

      uy the shield na ge gets ko naman point mo. hindi mo na mapipigilan yan. part na yan ng running community yang mga naglalakad. pero kung puro ka naman reklamo sa mga na naglalakad… wag ka na sumali para wala ka na po problemahin…

      reklamo ng reklamo… sali naman ng sali… tapus rereklamo ulit…

  6. AYAN NA NAMAN!!!!!!COACH RIO AYUSIN ANG REGISTRATION , TANGGALIN ANG PREPAID PLEASE, BAKA IBENTA SA IBA !!!!!,IBALIK ANG INSTORE REGISTRATION PARA MAMONITOR AND LIMIT ANG GROUP REGISTRATION, PARA HINDI MAULIT ANG RU1 3 DAY UBOS ANG 21K, PLEASE AT TANGALIN NA YUNG RACE KIT CLAIMING, KAWAWA YUNG MALALAYO ANG PINANGALING ANG GASTOS SA PAMASAHE AT PAGOD, PLEASE COACH RIO AYUN NA RU2!!!!!!

    • i agree katulad ko galing pa sa malayong lugar to claim ang race kit diba pwede thru LBC nalang ako naman magbabayad kasi ang registration online naman kelan po ba talaga ang registration baka maubusan ako ng slot please please….

  7. Amen to that @Egay Umalon
    To new runners:
    Don’t get intimidated by those FEW who downgrade new runners. Most of us here encourage newbies and we know someday sooner or later new peeps will improve on their PR.
    God bless u all and keep on running

  8. In running, it doesn’t matter whether you come in first, in the middle of the pack, or last.
    You can say, “I have finished.”
    There is a lot of satisfaction in that.

    Fred Lebow
    New York City Marathon co-founder

  9. Alam m0 kung an0ng pr0b sau THE SHIELD pur0 ka YABANG… pur0 ka respect sa distance, magtay0 ka kaya ng sch0ol m0 ng maturuan m0 mga walkers, Kayabangan m0, dami m0ng wangwang ip0st m0 rank at pr m0 dit0 t0tal mayabang k naman!! Parang d k nag umpisa s pggng walker… s lhat ng mananakb0 ikaw ung mananakb0ng narerec0gnize dahil siksik at nag uumapaw ka s yabang.. ang tunay n mananakb0 my pus0, humble at higit s lahat marun0ng mang enc0urage sa mga beginners…..ip0st m0 PR m0 dit0!!

  10. Uy THE SHIELD d k n nag iisa dalawa na kau hahaha! Aj palitan m0 kaya name m0 THE SHIELD 2.. bgay n bgayjkelangan ny0 yan.. bat d m0 kaya irequest magkar0n o kau n mism0 ni The shield mag 0rganize ng ULTRAMARATH0N.. ng kay0ng dalawa @AJ and THE SHIELD ang mag angasan at pabilisan s pagtakb0..

  11. Guys, Bakit nyo pinapatulan yung batang isip at egoistic (The Shield).

    For Shield (just a suggestion), KEEP YOUR MOUTH SHUT. You are not encouraging and motivating beginners to be a runner. Isipin mo nag umpisa ka din as a WALKER. All running events are for fun, this is not a competitive event.

    Be positive, walk tall, smile often, don’t complain or procrastinate. Remember – Sports is a game and meant to be enjoyable

  12. Message to THE SHIELD: Ang lata pag walang laman ay maingay… at IKAW IYON! Kung wala kang masasabi na maganda to motivate those walkers or slow runners.. just keep your mouth shut! Why don’t you join the ULTRAMARATHONERS who run 80KM, 100kM, 160km & above… outside Manila… I can give to you the conntact details of Jonel Mendoza, Adrian Aquino at iba pa.. pero itong mga tao na eto ay never na nag-alipusta sa mga slow runners or walkers… never na nagyabang sila sa mga kakayahan nila. I will endorse you to these people and i am willing to pay your registration in all events but in one condition – YOU HAVE TO PROVE YOUR WORTH AS AN ULTRAMARATHONEER!! But of course we need your real identify..no falsification of document otherwise you will go to jail… I AM SERIOUS … I WILL PAY YOUR REGISTRATION FEES as long as you can beat these ultramarathoneers..

      • PF deleted my comment to THE SHIELD :-( PF favor pls don’t delete my reply to The Shield para makita niya hanap niya :-)

        To The Shield: my offer to shoulder your registration fee is for ultramarathoneers who ran 80K and above…32 & 42K are not the distance for ultramarathoneers. You are talking too much – balik ka na lang sa palda ng Nanay mo at di gawain ng lalaki ang sobra mong ingay :-)

  13. guys, hayaan nyo na si THE SHIELD sa trip nya… @ THE SHIELD: practice these words baka makatulong “… (I’M) ON YOUR LEFT…”

    • I guess hindi alam ni the shield yung phrase na “on your left” average runner lang yan averaging 6 min/km kaya inaabutan ng mga walkers.

  14. from the heart pa daw… wahahaha… yabang kasi ginagamit mo… ipost mo na daw kasi real name mo.. ang mga PR at ranking mo na pinagmamayabang mo…… oh eto na naman ang RU 2 aga agahan mo ang pag punta parekoy, wag kukupad kupad…. hahaha ng wala ka ng mawang wang s mga tinatwag mong walker… bka pag nkita ka namin.. twagin ka naming the Wang wang runner..

  15. Keep running guys… compete with yourselves :) Train and keep running!

    I wish that there will be no race in Manila Bay on this date so I can go back to running! And hopefully, registration will be back to the old one wherein you will be able to get your singlet and bib on the same date… hassle free!

  16. wala pa bang updates? lakad na lakad na ko eh!! the shield turuan mo nga ako tumakbo baka matuwa pa ko sayo..!! bilis!bagal eh!

  17. IP ni Shield hahaha!!!

    nagttimed out.. okey paba connection mo shield?

    Reply from 119.94.250.142: bytes=32 time=98ms TTL=51
    Request timed out.
    Reply from 119.94.250.142: bytes=32 time=98ms TTL=51
    Request timed out.
    Reply from 119.94.250.142: bytes=32 time=100ms TTL=51
    Reply from 119.94.250.142: bytes=32 time=102ms TTL=51
    Request timed out.

  18. Sige kayo na. Kayo na magagaling. Kayo na magaling sa takbuhan. My advocacy is to give importance to training. From 5k to 21k agad agad, you call that Training? What if may mangyari sa runner na sa kagustuhang magkamedalya eh kahit wala siya training sabak agad sa 21k? Diba kawawa naman? Hindi ba ang advocacy ng ngayong Run United is Faster, Stronger, Higher? Kaya nga meron sila 21, 32, 42 para mabigyan ng chance ang runner na makapagtrain. Hindi ung susubukan lang. Hindi ung bahala na.

    • Masyado nang mainit ang usapan dito. Basta ang masasabi ko lang trained well para hindi ka maglakad sa actual race. :) Try niyo mag attend ng mga running clinics. maraming libre. sa bgc, sa ayala, at marami pang iba. sinasabi ko talaga sa inyo lalakas kayo at mapapagod na kayo pagnaglakad kayo. :)

      • Huwag mo na turuan yang mga yan. Hayaan na lang natin sila sa nakagisnang paraan para sa pag sali sa mga Marathon. Saka mga sanay na kumain nga alikabok yang mga yan. Ini- enjoy naman nila

    • THE SHIELD ; Let me jog your shallow brain…..Nagkamedal ka lang sa sub 1 10k eh binigyan mo na ng right ang sarili mo na i-label ang mga naglalakad na WALKING DEAD EH WALA KA NAMAN SA TOP 50 FINISHERS OF THE 3 WAVES HA HA HA!!!!. naisip mo ba sa sinabi mo na makaka offend ka ng ibang runners or ur just really tactless and filled with callous from head to foot??? Tapos ngayon magpapa image ka na concern and may puso heller!!!!! Nagyabang ka naman panindigan mo na at biglang good person image ka or apologize and bawiin mo mga panlalait na pinagsasabi mo dito at sa iba pang forum, BOY NOBODY BELIEVES IN YOU anymore at kahit magpalit palit ka pa ng alias mo masabi lang na may nakikiayon sayo, it will not change anything, Kaya THE SHIELD ang alias mo coz u protect ur identity from people that you trashtalk, WEAK WEAK WEAK ……….

      • BOT… di naman weak si THE SHIELD! WEAK NA WEAK LANG!!hahahaha… YARE SYA SAKIN AKO SI RICK ng THE WALKING DEAD! wahahahaha..

    • eh anu nman kung from 5k to 21k agad.. eh panu kung ung individual na un eh malakas pala ang resistensya kesa sayo mr shield? nde mo nman kilala ang mga tao sa paligid mo kung anung meron sila diba? isip isip pg may time.. use your coconut narrow head!!!

      • hindi ganun yun burnik. Di tama yun na from 5K to 21K agad. Kahit sinong tanungin mo na runner, di sila agree. Dapat pag isipan bago sumabak sa ganung karera. Tama si Shiled kaya lang the way he delivers his comment mali. :)

        You need to train talaga that’s the reality. Di pwede yung nakikiuso lang.

  19. agree ako kay shield.kung di mo kaya tumakbo sa distance na sinalihan mo wag mo pilitin.pinag hahandaan po ito.kung walker ka sa iglesia ni cristo walk or alay lakad sumali..at topic to sa run united sana sa forum nalng niyo open ito?mas maganda pa pag usapan niyo yung registration process bka mag kaubusan na namn sa slot

    • @Road Runner, korek ka jan . Dapat registration ang pinag uusapan baka maubusan na naman. :)

      @Shield be nice nalang sa kanila. Tama ka naman eh kaya lang medyo hinay hinay lang sa pagsasalita kasi may mga tao talagang sensitive and you need to respect that.

      See you all in the race. Tama na away. Dapat magkakaibigan tayo dito lahat dito kasi we have the same passion.

      We all love running so we must love each other. :)

      God Bless you!

      • Sa lahat ng nabasa ko na comment eto lang ang nagustuhan ko… Hay love love na lang tayo and tama na ang fight fight… Lol

  20. If you run, you are a runner. It doesn’t matter how fast or how far. It doesn’t matter if today is your first day or if you’ve been running for twenty years. There is no test to pass, no license to earn, no membership card to get. You just run.

  21. Tsk tsk tsk, too late for redemption @Shield…
    I have been noticing how callous ur comments are since last year.
    Bastos kang mag iwan ng reply lalo na’t salungat sa paniniwala mo.
    I have noticed though that u might have some valid point of views, but u presented it in an arrogant way.
    At this point in time marami nang nakakakilala sau which might have been ur goal, but sadly most of them are ur haters.

    No one to blame but urself. Tsk

    God bless na lang sau.

  22. It is plain and simple. Those who haven’t sin among you, let him be the first to cast a stone. Life is full of surprises and the SHIELD is one of them. Let him cover his own tracks. Why bother asking of his PR? To compare yours and shout it loud how slow he is. You’re no different then. Keep reading on his comments and maybe, just maybe one day, he then realize that no matter how slow or fast a “walker”. It is the step that counts.

    Nag-level up na pala dito..medyo personalan na ang batuhan :-)

    Paulo T.
    Marathoner
    Badge# 001003

  23. I don’t care about the shield or to whatsoever. I care about sa registration ngayon sa RU2 sana po lahat ng nakatakbo ng 21k sa RU1 may priority date ng registration :) at sana wala na pong bultuhan yung registration, sigruo gawin 2 yung maximum per registrant.

    • Let’s all agree to what @kalokohan said.

      1. Dapat may priority date ng reg. ang naka RU1.
      2. Walang bultuhan, max of 2 entries per registrant.

      Coach Rio, what is presented above are valid suggestions to prevent scalping. Please have time to think about it.

      Mga runners, push natin to ;)

    • talaga naming bibigyan ng priority registration ang mga tumakbo ng RU1 mga 1 or 2 weeks just like last year, problema ng lang kung scalper o nabili bib sa RU1 hindi mo alam name.

  24. I have no problem with those who walk during fun runs, nakaka inspire din na nakaka overtake ako… kung puro strong runners baka nasa dulo lagi ako… there is always a positive in everything that happens, kailangan lang respeto sa isat-isa at no “NAME CALLING”… nobody’s perfect… and please put a stop on negative comments, di na tayo naka inspire sa mga bagong runners…. the more the merrier… peace everybody…

  25. Respect the distance. Kahit ano pang distance yan, mapa 3, 5, 10, 16, 21, 32, 42, at pataas. Hindi dapat laging suntok sa buwan ang pagtakbo lalo na pag hindi prepared. Lahat ng distansya dapat pinagpapraktisan kahit newbie yan, saktong runner lang, o elite. Okay lang maglakad, pero mas maganda kung hindi kasi ibig sabihin non nag ensayo ka ng mabuti at alam mong tamang tama ang ginawa mong ensayo para sa distansyang yon. Mahirap sumabak sa alam mong onti lang ang ensayo mo, alam niyo ang kakalabasan? Injury po yan, sankatutak na cramps. Based on experience po yan. Para kang gumera sa isang laban ng walang baril. Yun lang po.

    Happy Training guys!

  26. Respeto lng mga tsong, yang mga walkers ok lng yan tama si steve feeling nyo lng malakas kayo kc naovertake nyo nglalakad. Actually may point din si shield na kailangan mg train pero respeto naman sa mga walkers ngbayad din naman sila.

  27. oookkkaaaayyy… mukhang may giyera dito ah.. simpleng runner lang po ako, 3k at 5k pa lang ang madalas kong salihan… wala po akong maipagmamalaki..

  28. ang problema lang sa mga walkers hindi marunong gumilid! dapat ata along the route may paalala na ‘walkers, keep right –>’ o kaya mas maganda kung i-print sa likod ng event singlet ahehe

    • mayabang ka pala eh… dapat sau sa olympics sumali… by the way im not one of the walkers.. but i respect them because they are one of us as a runners…. bawas bawas ng kayabangan habng may time pa…. baka sa sunod maging walker ka na din.. kc bka bigla kng madapa at mapilayan habng tumatakbo.. hahaha.. grow up!!!!

      • @burnik anong problema mo sa buhay? lolz
        paki-google nalang ‘running/race etiquette’. basa-basa rin, wag puro dada :p

      • A sheet of paper in the kit containing ‘running/race etiquette’ will help to discipline runners. Coach Rio, please consider this suggestion. Maybe a sponsor will be willing to shoulder this.

      • Actually, oo ginoogle ko ‘yan at nasa etiquette talaga ang “keep right if you’re going slow to give way to faster runners”. Ganun naman talaga dapat, hindi ‘yun isyu ng yabangan o ano.

      • Brod,nag susugest lang yong Tao,ikaw ang ma anghang magsalita. Easy ka lang. Dapat pag napost kayo ng matatapang na comment nyo. Ilagay nyo ang tunay na name nyo.hindi mga alias. Mga runners ba kayo o gangster?

    • wow ako sayo brad pag na continuous mo ng tumatakbo ng walang lakarang ang BDM102 and 160 pati na rin ang 200k and 250k, talunin mo muna ang mga power walkers sa ultra bago ka sumatsat, pang short distance ka lang kasi ata.

  29. Enjoy the run, respect other people and do your best. Mabilis man o mabagal, seryoso man o nagseselfie e may kani-kaniyang goals. Just focus on your own goal and you will reach great heights. Kita-kits sa RU2…wag lang maubusan ng slots..hehehe ;)

  30. ung mga mayayabang na tinitira ang mga walkers.. baket sila ba nung una palang nagsisimula.. d ba din ba sila naging walkers muna din? kung nde man.. superhero sila… respeto lang.. wag masyadong mayabang bka madisgrasya kau sa event.. d n kayo makatakbo.. baka maunahan pa kau ng mga walkers na yan…

  31. Runners. Walkers. PR-oriented. Selfie Selfie. Elite. Beginners. Recreational Runners.
    Lahat welcome, kaya nga Run United ang tawag dito.
    Run Happy ;-)

  32. I really don’t care about walkers. They actually strengthen your ankles…kaka zigzag. Hehe we all started from 0 so ok lang yan.
    My concern is the registration procedure…I hope they can accommodate evryone and sana bawal na yun madami ang register ng is ang person. Hanggang 10 max lang Siguro per person.

    • @AR ; the guy in your link is not THE SHIELD. That gentleman is mr Raul Concepcion the Chairman and Chief Executive Officer of Concepcion Industries, Inc., CCAC and CDI.

  33. Walkers/Runners, wala naman tayong magiging problema if we observe proper running etiquette during events. As long as we maintain respect towards each other on and off the road, the running community will be very healthy.

    Friendly Tip: Once may nakita tayong negative comments, wag na nating patulan. And instead na mag-criticize tayo ng kapwa natin, why not give advices na lang. Sayang yung thread. Pwede natin ‘tong gawing meaningful and helpful. :)

    I think this should apply to all aspects of life.

  34. makapag suggest na rin..bka lang pwede…sna nxt year pede ng magreg.ng trilogy..isang byaran na lng para sa RU1/2/3 pra indi na ganon krami ang mgreg.dhil ung iba nkareg.na (SANA!)

  35. Ano po ba ideal time to finish 32km race? 1st time ko (kung di ako maubusan hehe) … and mejo malusog ako. Gusto ko I-challenge sarili ko for that distance

  36. Sana may maabutan na ako this time, in-store registration, wag na sanang prepaid.
    Training and aiming for 32K, after 21K in 7-11.
    I want to challenge myself.

  37. average runner: 228 minutes or 3.8 hours to complete a 32k based on milo’s 150 mins or 2.5 hours to complete a 21k.

    try to finish it 4-4.5 hours. ang importante dyan, proper training, running etiquette and the realization that this is your race, no one else.

    bow.

  38. Curfew Time dependent finisher medals would eliminate the wannabe runners. Otherwise expect selfies, walkers and pretenders to invade RU2! Sad but true!

    • You are BITTER RUNNER . . . .compete to yourself not to others. . . . .I will salute you if you are among the top 3 finishers. . . . . . . For the truth . . . . you are just a FRUSTRATED PODIUM RUNNER . . . Pity on you !

  39. what’s wrong being a walker? mygoodness. anong respect the distance ang pinagsasabi nyan? you respect the people not the distance. ang mga mahilig ngumawa, halatang poser. kaya wag nyo ng patulan yan. poser yan. baka kahit 3k hindi nyan kayang tapusin.

  40. i do the Galloway run/walk method… what Shield said doesn’t bother me at all… what he is just emphasizing is that we train and prepare early for this race … maybe we can just mind what he said and not how he said it… i don’t see myself being in the top 3,000 out of 10,000 runners… what matters is that i keep a comfortable pace, finish strong and avoid any injury so that I can stay motivated and join more races until I’m 80 years old,..

  41. Ang hirap sundan ng buong thread kasi mahaba na so my response will be purely based on what I read from the comments sa bandang taas… I’m not sure ano pinagmulan ng reklamo about “walkers”. If you love running and you understand the whole idea behind it, you will never put people down because they are walking during a race. Some years back, ang dami nating sinasabi about how people should learn to live healthier lives and try running as a way to become healthier; now that we see more people on the streets having the courage to sign up for a 21k, we suddenly complain kasi mabagal sila? The fact that they signed up for a 21k is actually a commendable act; it implies that they want to overcome the distance. Sure, the world would be a much better place if everyone runs fast but that’s not the case. Instead of hoping that everyone runs fast, or that everyone who signs up for a race trains enough to be fast, let’s just be happy that people have the courage to conquer distance whether it’s through running, walking, or crawling. Love running at its deepest and purest form and you will be happy for everyone who showed up on the finish line, not bitter that they blocked you from getting a PR. Besides, if you truly want to PR, you’ll have more sense to line up at the front and be more creative when you encounter the crowd on your way back. Tsaka makinig din; if you are really fast, you will appreciate how the walkers are actually cheering you when you run back. That’s one of the best feelings you’ll ever feel in a race.

    • I love your comment. I think people just need to be more optimistic. I personally get irritated when there are walkers in a 21k race at the same time, they taught me something. COURAGE and DETERMINATION. I am inspired by those who are walking during the race at least, they don’t ride jeepneys, cabs or cars. They try their best to make sure they finish the race. Running a half marathon or a full marathon is challenging both physically and mentally. But, these walkers that everyone has been referring to are strong enough from the inside to overcome the distance. I have been running for a few years now and have been training with a personal coach just so I get better but I am still afraid of running a full marathon. I admire those runners whom others call walkers who really have the courage to finish a full marathon. I think that no matter what your intentions are in joining a race respect each and everyone because, we don’t know what their stories are. Just do your thing and don’t mess up.

  42. Super late ata registration for RU2?
    Last year:

    2013 Run United 2will be held on June 2, 2013 with Ceelin 500m dash, 10k, 21k and 32k race categories. All categories will have a start and finishline at the SM Mall of Asia.

    REGISTRATION VENUES:

    Online Registration: April 1 to May 12, 2013

    In-Store Registration: April 15 to May 19, 2013

  43. Whats more disappointing is Run United became a sorry excuse for people who wants to brag that they have something even if they didnt do any training at all. So sad.

    • The Shield. If you have been training for marathons. I think you need to set an example. Yes, I agree with you. People just register just for the heck of getting the medal without preparation then, they end up getting injuries. Well, I have been training for a few years now and maybe I am just lucky to be training with a very good coach. At the same time, we may get upset about those who don’t seem to understand what is running really all about. However, we need to just probably educate them and just let them do their thing. As long as they don’t put you on a bat situation I think that there is no big problem really. Just leave them alone. It’s not good for an athlete to mind the negativity during the race because, it will just ruin your race and your finish time. Keep it cool The Shield.

  44. Last March, Run United1 2014
    As im about to go home i saw these runners (walkers as per SHIELD) struggling, yes they were walking but i admire there determination.. I appreciate there effort..
    I saw my self when i was still starting in this sport. Much respect to those begginers who are dying just to get to the finish line. Yes, you can say its becoz they lack training.. Just give them time. Marerealizee din nila na they need proper training. If in case hnd so let it be sila nmn ung nahihirapan at sila nmn ung inaabut ng init ng araw ehh.at sa totoo lang medyo nkakahiya din. If you want to help them please say it in a professional way.
    Hnd mo sila anak para pagalitan..
    Nasasaktan ako sa mga nangmamaliit sa kanila kase dun din ako galing.
    Please respect our fellow runners.

    We are here to enjoy these events.

  45. @The Shield. . ahhh ok. . just hoping na hindi ikaw yung isa sa mga idol ka na si mr concepcion aka the running shield, kundi mawawala respeto ko sa csm. .

    btw, nothing you could say and do can change the fact na not all people are created the same, eh sa malakas ka tumakbo at yung iba hindi eh. . and how can you say na hindi nagprepare yung mga tumatakbo sa 21 32 42 and so on? si madam auring ka ba? not all people have the luxury of time for a proper training, not all people have a strong body to train as hard as you do. . tumatakbo sila/tayo dahil we all love running, d ba meron mga disabled/blind runners, d ba may mga obese(excuse me) runners, d ba may mga matatanda na runners? mabagal man o mabilis they join these events dahil they/we all love running. . sino bang tanga ang sasali ng hindi naman nila gusto ang pagtakbo at alam nila na mapapagod at masasaktan lang sila, edi matulog na lng sila, running these distances is no joke. respect these slow runnners respect the walkers. . dahil hindi man sila kasing galing at kasing bilis nyo at least they have accomplish something for themselves. . remember they are challenging/competing against themselves not you.

  46. Sana may cut off time para mas maganda. More incentive to train harder and weed out the slackers. I’m not talking about the walkers ah… Ang tinutukoy ko yun mga di man lang nag train Tapos sasali sa category na madami freebies Tapos kumuha lang ng singlet, medal, at tatakbo lang sa start Tapos pag Naka layo na maglalakad na. Tapos pag malapit na sa finish line tatakbo ulit para di naman nakakahiya. Hahaha. Tapos magpopost sa fb na Kesyo nahirapan daw sila…

    Kung May mag rereact ditto sa comment na Ito eh malamang is aka sa mga ganito.

    Cut off times are incentives…

    Or iba yun medal ng pasok sa cut off time tapos yun hinde eh big yan na lang ng certificate o mas maliit na medal.

    Train hard for the medal yun lang naman sana.

    • I agree with this, I am not against walkers but having a cut off time will help everyone to be better. Extra motivation aside from the fact that you are losing calories and getting more fit but beating your previous best nothing is better than that.

  47. Just a suggestion para pag tumakbo ng longer distance eh you will not suffer but feel stronger at the finish line….Try to target following time/per distance bago umakyat ng distansya..
    5k-sub25-30minutes
    10k-sub 1-1:05
    15k- sub1:30 to 1:40
    21k-sub 2hr-2;10
    32k sub 3hr-3;20
    you are then fully ready and could even be sub 4 in full marathon..

    opinyon ko lang po ang isinulat ko sa itaas base sa aking experience.

    pag sinunod mu ang above target times bago umakyat ng distansya siguradong ang lakad mo lang eh pag dampot ng tubig sa hydration station..

    kung talagang inabot ka ng bonk, or nanghina ka along the way, just remember na keep right pag naglakad or pag bumagal ng takbo para di ka makaabala sa mga tumatakbo..

    Ang nakikita kong balitaktakan sa taas eh mukhang nalilihis. Ang pagtakbo eh hindi naman dapat walkers against runners. lahat tayo masaya sa pagtakbo or paglakad kaya nga tayo nag join ng mga fun runs..kailang lang nating sundin ang mga etiketa sa pagtakbo para lahat masaya..

    • Sir thank you for your understanding. Actually ang pinupunto ko dito is Running Etiquttes, which these people who love posting here don’t understand. Naghahang ang mga memory kasi nila. Simple lang naman eh. Fast Runners on the left. Slow walk…I mean runners on the right. Bakit zigzag pa takbo mo? Hindi ka naman lasing para gawin un. Wala lang kasing disiplina. Anu ba yan. Mga motorista walang disiplina pati ba naman sa takbo wala din? Single file po pagtakbo, hindi magkakasabay lahat, na nakaharang na sa dadaanan. Marami na kong naencounter na ganito, sarap na nga sagasaan eh. Kahit sabihan mo ng “Excuse Me”, or ” On your Left”, balewala. Galit pa.

  48. The real problem is yun mga runners that enter categories na di pa sila handa. Kumuha lang ng mga freebies and di naman tatakbo. Maka pag selfie lang at maka pag post ng medal sa Instagram o fb. Evrey category is limited and of course because of these slackers di na sila am accomodate.

    Cut off times will prevent this… Pag di pasok sa cutoff time wag big yan ng medal at finishers shirt to control the registrants at mag dalawang isip sila.
    This will also force us to train hard to get that medal…
    Yun di maka pasok sa cutoff bigyan na lang ng certificate… o kaya kamayan na lang. Hahaha

  49. I have to agree with The Shield on the runners/walkers thing.

    I remember last year, niyaya ako ng friend ko na sumali ng RU3 with him for the 21k category. He even offered to pay for my registration fee. But I passed up the offer knowing that the farthest I’ve ever ran in an event back then was 5k. Sure, I can walk and then get the medal but there’s no dignity in that if I walked half the race.

    And so I trained hard and built mileage, and finally got to ran my finished my ever 21k in December, 2 months after RU3. Yes, I waited two months. I ran a 10k then a 16k and made it a point to run three times a week. I’m not a fast runner, and I do take walk breaks (and stay on the right side) when needed (I have asthma). But I train consistently and push myself to minimize my walk breaks and break my PR. Because 21k races and longer distances are not a joke. They’re not fun runs (even though I generally have fun when I’m running). So the point is, you should take long distances seriously and train properly. Wag yung sasali ka lang just to get the medal. Sige, fine, nakuha mo nga yung medal but where’s the pride in that if you walked most of the race? Diba?

    So yun lang. If you’re gonna join a 21k, 32k run, or higher, train, train, train. Respect the distance.

  50. “mind your own business” tapos!!!ung ayaw makaencounter ng nglalakad..etc..wag mgreg.sa ptakbo na may 5/10k(FUN RUN)gaya ng RU trilogy/MILO..etc..nagreg.sila just for fun(hindi lahat)alam nyo nman na hindi mawawala yan khit na ano pa sbihin nyo..at parehas lang tau ngbayad lahat kya wla pakialamanan..sa madaling salita..sa ultramarathon na kyo magreg..dyan sure na sure wala na kyo reklamo sa walker kse ssakyan ksabay nyo dyan..un lang.PEACE everyone!!

  51. Wow, trending pala etong discussion na ito sa FB. For those who understand my POV, thank you. To those who don’t, wala ako magagawa kung MAKIKITID mga utak nyo. Eto hirap sa mga taong sarado ang pagiisip sa opinyon ng iba. Sarili lang nila ang pinakikinggan nila. ituloy nyo lang yan. tapos pagdating ng takbo, mainjured kayo. tapos sisihin nyo organizer kasi wala kayo medalya at shirt, tapos marereklamo kayo dito sa thread na binayaran nyo naman yung registration, bakit ayaw ibigay ng organizer Etc,etc,etc . Tsk. Yan ang problema pag nakikiuso lang sa takbo. Nun nauso badminton sumasali kayo. Ngayon uso 21k sasali kayo kahit walang training. Kasi ang prinsipyo ng iba basta bayad ang takbo, sulitin daw. Tsktsktsk.

  52. Ok sana mga punt0 m0 shield, kaya lang bast0s ka magpaliwanag ng 0piny0n m0, kaya ka kinukuy0g ng c0mment0. Rumespet0 k nman s kapwa m0 mananakb0… kung gust0 m0ng mapakinggan ka at sundin mga adv. M0 magpakatin0 ka s mga binibitiwan m0ng salita…

    • @evon : pacencya ka na sa kakulangan sa good manners and writing etiquette si THE SHIELD. Absent yata palagi or drop out cya sa subject na yan sa paaralan nya LOL!!!!!!

    • Tsong, natawa ako sa yo. Di ko na masyadong inintindi yung sinasabi mo pero nalibang ako kabibilang ng zero “0” sa buong message. Isang malupit na tanong, Walang bang letter “o” ang keyboard mo?

      Pakiexplain… Lab u.

  53. Yung mga taong kung magsalita akala mo kung sino..Yung kung humusga sa kapwa akala mo perpekto..Malamang eto yung mga PROBLEMADO..Ginagawa na lang libangan ang manlait ng tao.

  54. Opinions that promote wellness and harmony unto a community are greatly appreciated.

    Valid point of views will be hard to swallow if presented in an opinionated and arrogant manner.

    Sayang!

    Maging humble naman sana tayo sa ating pamamahayag coz’ almost all of the runners here are open minded, educated and DO want to hear a good advice.

  55. Dapat pag nagparegister individual nl wala ng group and bigay agad ng singlet at bib no. Mahirap pag i claim again hassle po and magastos

  56. Parang nagiging forum Itong pinoy fitness for bragging and papansin. Daming mayayabang. Nakatakbo Lang ng ilang buwan expert na because of their “experience” . You guys are so pathetic. Takbo na Lang for the joy of running. You don’t need a funrun to prove yourself to anyone. After all its you alone who will know and feel the exhilaration of what you have gotten yourself into.

  57. I respect Runners. Runners who train everyday. With or without a race, Whether it’s a 5k or an Ultramarathon. I respect runners who is passionate about running. I respect runners who joins races and enjoys their runs, because this is the most imporant thing. Not the redundant medals or shirts, or lootbags. Lastly, I respect and admire Runners who practices The Running Etiquettes, which I believe was posted here in this site. Etiquettes that I know some people in this thread lack, so don’t you question me about Respect. I may sound arrogant and rude, but I know this is a good thing. Kung idadaan ko sa mahahabang speeches eh nonsense lang. I like it IN YOUR FACE.
    Always Believe in The Shield.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here