We asked ultra-marathoner Victor Ting some questions about his life and about running and we got some inspiring answers.
“Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.” – Victor Ting
Victor Ting
Birthdate: September 16
70+ years old
Interviewed by: Marie Ville
1. May anak po ba kayo?
– Meron, apat. Dalawang lalaki at dalawang babae.
2. Ano po ang natapos niyo?
– Highschool lang.
3. Sino po ang nag-udyok sa inyong tumakbo?
– Bale yung parents ko kasi namatay, 40+ namatay na kasi may lahi kami ng ano yung high blood. Kaya yun, naisip ko tumakbo na lang para pinaka exercise.
4. Ano po ang una ninyong pagtakbo?
– Ang una tinakbo namin yung mga fun run muna. Tapos ang unang-una kong tinakbong marathon yung sa Johnson & Johnson Marathon Clinic, 42K.
– 1982, Johnson & Johnson Band aid Marathon ang first marathon ko. Ang oras ko na tinakbo ay 3 hours and 26 minutes. Ang edad ko diyan, 37 years.
5. Ano po ang pinakamalayong tinakbo ninyo?
– Ang pinakamalayong tinakbo ko ay 160 Km this year lang. Noong January 29, tinakbo ko BDM – Bataan Death March Ultra marathon.
– Ang marathon ko from 1982 to 2011 is 36 full marathon. Kasi nung araw from 1982 hanggang 1990, bihira ang marathon. Minsan twice a year lang nagkakaroon ng marathon. Hindi gaya ngayon, ngayon halos isang taon ang daming marathon. Iba-ibang lumalabas na marathon pero dati dalawa lang kaya nga kaunti lang tinakbo ko eh kasi mabibilang mo sa isang taon dalawa lang. Pero nahinto ako from 1990 hanggang 1998, hindi ako tumatakbo noon. Nagskip ako sa mountaineer. Pero from 2000 until now, tuluy-tuloy na takbo ko ulit.
– Ngayon yung 2009 hanggang 2012, tinakbo kong ultra marathon labing-anim. Kasama na diyan yung dalawang 102 km tsaka isang 160 Km.
6. Ano po ang ginagawa ninyong pag-eensayo?
– Ang training ko yung every day akong tumatakbo pero every other day medyo maiksi lang naman mga 10K kung walang marathon na tinatarget ko. Kung may malapit na marathon, yan nag-eensayo ako ng mahaba talaga. Usually kung walang competition, every morning tumatakbo ako pero ano lang mga isang oras ganyan. Every other day naman, naglalakad ako pero halos araw-araw akong lumalabas.
7. Sino po ang kasama ninyong mag-ensayo?
– May mga grupo ako eh. Mayroon kaming mga running club. Minsan ako lang mag-isa, minsan may kasama na kasamahan namin sa mga runner ganyan.
8. Para po sa inyo, ano po ang simbolo ng pagtakbo?
– Ang takbo kasi parang adventure din yun eh. Lalong-lalo kung pumunta sa lugar na di mo pa nakarating, makikita mong tanawan yung habang tumatakbo parang pasyal lang. Nakakalibang ba. Nakaka-enjoy at nakaka-meet ka ng mga bagong friends, mga runner friends ganyan. Masaya.
9. May kasama pa din po ba kayong ka-edaran ninyo?
Mas bata sakin meron, meron ding matatanda pero pailan-ilan. Pero mas karamihan mga bata pa.
10. Ano po ang mayroon sa pagtakbo at ito’y mas nagustuhan ninyo kaysa sa ibang isports?
– Eto kasi, isa pa pinakamura na yan. Walang gastos. Bibili ka ng sapatos lang, makakatakbo ka na. hindi gaya nung iba yung mga golf yung mga ano marami talagang gadget na gagamitin, magastos. Tsaka nung araw, ang takbo talaga napakamura. Mga may P100 nakakasali ka na sa running pero ngayong panahon, nako Diyos ko, pinakamababa P500 hanggang libo.
– Pero noon talaga napakamura kaya every week nakasali kami sa mga running pero sa ngayon kung wala kang budget hindi ka pwedeng sumali at tsaka yan ang pinaka ok sa lahat ng sports, nakakaexercise ka, iwas sa mga sakit lalo na mga diabetes, highblood, iba-ibang sakit nakakagaling yan kaya na-engganyo na ako.
11. Ano po ang masasabi ninyo sa mga taong nanghuhusga na bakit pa kayo tumatakbo sa ganyang edad?
– Alam mo yung mga nasasabi ng taong ganyan hindi runner yun. Pero yung mga runner, alam niya kung ano yung katayuan ng isang runner. Saka isa pa ang takbo naman ay sa sarili mo. Parang nilalaban mo sarili mo lang na kaya mo ibreak yung sariling oras mo.
12. Ano po ang pinagkaaabalahan ninyo noon?
– Dati photographer ako. May studio ako, kumukuha ako ng video hanggang ngayon ganun pa din ginagawa ko kaya lang retire nako pero tumatanggap pa din.
13. Ano po ang pinakapangarap ninyo sa buhay?
– Yung takbo-takbo lang kasi kung hindi ako nakatakbo ng isang araw hindi ako. Masaya eh so dapat talaga nakakatakbo ako. Parang nagiging habit na yan kaya sa edad kong ito maaga akong natutulog mga alas otso tulog nako tapos mga alas quarto gising nako tumatakbo ganyan.
14. Ano pa po ang pangarap ninyong marating sa pagtakbo ninyo?
– So para sa birthday run ko, pupunta kami sa laguna at tatakbo kami papunta sa Quezon City na mga 70 Km. Kaya ginawa ko ito kasi may pinakahahandaan ako sa November 1-4, tatakbuhin ko yung western 200 Km. yung 200 Km every day kaya 3 days na pagtakbo yun. At kapag natapos ko yan, mayroon pang susunod yung Norface next year 100 sprint yan na yung pinaka final at hindi na ako tatakbo ng ganyan kahaba kasi may edad na din ako. Pero tuloy pa rin ang pagtakbo ko sa mga marathon pero yung ultra, 50 Km na lang.
15. Ano po ang mensahe ninyo sa mga kaedad ninyong gusto pang tumakbo?
– Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and can actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.
– Don’t limit your challenges. Challenge your limits.
– Huwag ninyong isipin yung hirap tumakbo lalo na yung mga first timer na sasali ng marathon o ultramarathon. Basta isipin mo kaya mo yan, tatapusin mo yan, huwag kang susuko. Running is a mind game.
lupet 160 km tska 200km.hahaha halimaw nmn si lolo :D
astig!habang bata pa takbo lang ng takbo mga katakbuhan! :)
“Ang takbo kasi parang adventure din yun eh. Lalong-lalo kung pumunta sa lugar na di mo pa nakarating, makikita mong tanawan yung habang tumatakbo parang pasyal lang.”
You rock, Sir!
galing naman ni sir! ako kasi, half-marathon lang ang tinatakbo ko. pinakamalayo na siguro na susubukan ko eh itong 32k sa ru2. siguro kasi pakiramdam ng katawan ko hanggang dun lang, saka hindi na ako enjoy tumakbo na lalagpas ng 4 na oras. nakakatuwa lang magbasa ng mga ganitong kwento. hope to see you po in one of the races here, although i don’t expect it to be in a full marathon and beyond. siguro sa finish line na lang. astig ang istorya mo sir! :)
Lupet mo mr ting. IDOL NA KITA. Ako tatakbo pa lang ng aking first 21 kms this saturday at before end of the year mag 32 or 50 kms din. sana ma meet ko kayo
IDOL!! GALING NAMAN NI SIR!!
galing…. sa tingin ko magiging ganyan din ako in the future pero mukhang malabo ng ma beat ko yung 3hrs 26mins nya at 160km nya… kontento na ako hanggang 42km lang :-)
congrats po…
Ikaw na master vic,,,
very well said, salute to you sir!
– Runners don’t race other runners. They race against themselves to conquer their wills, to transcend their weaknesses, to beat back their nightmares and can actually beat themselves. He can beat his time even years into running he can get better.
– Don’t limit your challenges. Challenge your limits.
– Huwag ninyong isipin yung hirap tumakbo lalo na yung mga first timer na sasali ng marathon o ultramarathon. Basta isipin mo kaya mo yan, tatapusin mo yan, huwag kang susuko. Running is a mind game.
my salute to you sir.. nakaka inspire! in running there is no age limit; the only requirement is the “will”. Keep it up sir.. more km to you.
Respect! Inspiring article :)
This man is the true Ironman. I met him about 500 meters from the turn-around point at TNF100, with about 4 or 5 runners with him. To my surprise, he was power-walking uphill to the tower of Mt. Sto. Tomas! I greeted him with a loud “Go Mang Victor” as an encouragement.
Salute!
To Sir Victor Ting. . . . . my SNAPPY SALUTE!!! . . . IDOL . . .
sana mameetko po kau Sir Vic..
Kuya Vic yan ang veteran runner,
Salute
nice to meet you sir vic in the rice terraces marathon
Yeah!!!!
My idol sir vic ting….
Victor Ting master!! U0001f605U0001f44c
ay, nainspire ako kay Mr. Ting..Iris, ShielaMarie, Melissa and Dawn..tara, 21K..hehe
inspiring
Hello po.sino po kasali s Milo marathon s 26?ilang kms kau?pwd pa po kya mg pa register?thanks
ilan taon na si lolo?
Inspiring!! U0001f618U0001f618U0001f618 Ryan Boy Valiente U0001f60aU0001f60aU0001f60a
RunBisyoSo Salute you Mr. Victor Ting
We Salute you Mr Victor Ting From Philippine Runner’s
Ginno Ocena Ginno Ocena Ginno Paculob Oceña nahilo ako andami mong account
legendary master vic!
Arw arw ko po sya nakikita tumatakbo.CONGRATS PO
Lakas pa rin n tatay..congrats p0.
Everything has a limit. Amazing fitness of a 70 yo. :)
long live sir Vic..
Saludo po ako sa inyo Victor Ting!
Nakasabay ko sya kanina. 21km lang ako. Si tatay 42km. Naunahan pa ako.
Yan ang tunay na idol.
Master Vic the legendary idol
Saludo po Mr Victor Ting!U0001f389
Congrats po idol!
Naunahan pa ko nyan e.
Nkita q xa..nasa kabilang lane plng aq kc 16K aq
huaww! Saludo! ^^
ran with him knina 21km lng dn ako heheh lakas tlga nya U0001f44fU0001f44fU0001f44fU0001f4aaU0001f4aaU0001f4aaU0001f3c3U0001f3c3U0001f3c3
Idol ko na toh…
Wow train takbo padyak rest repeat pa more tlg aq lalu neto
Hands down! Kakabilib! Do we have any excuse for not running?! U0001f600
very inspiring.salamat po. godbless po. :)
See u tatay in Condura Marathon…
Take note, 33 lang ako, 70 na si tatay! Nahiya talaga ako. U0001f602U0001f602U0001f602
Sya pla yun Smiley Foods U0001f604
yan ang master
Want to see you in personal idol.:)
Pagdating niya ng finish line, lahat masaya! U0001f604U0001f604U0001f604
Congrats po sir! U0001f604U0001f604U0001f604
Master Vic… Mamaw Runner Spotted!
nkaka inspire nmn tong istorya ni tatay sana mkaabot din ako sa ganyang eded….
Inspired! Jov Ven Valenzuela
Master Victor Ting
Salute Sir. Galing… :) U0001f3c3U0001f4aa
Wow ang tatag mo tatay idol.
congratulations po sir master idol Victor Ting god bless!
Galing ni tatay hehe congrats po.
Congrats po tatay Vic!U0001f44d
Isa kang alamat at inspirasyon. Kya ndi p pla ako huli , ng umpisa akong tumkbo last year lng at 59 .
Congrats Master Victor / Vic! :)
He’s in his early 30’s or 20’s when he started running. The thing is he kept running til now.
Nakita ko din siya kanina. Gulat ako 42k tinatakbo ni lolo, ako 16k. Napalingon ako talaga e
Idol talaga kita :)
congrats maestro! :-)
Tatay Victor Ting! Congratulations once more for finishing strong.. Master po talaga kayo U0001f60a
I salute you Sir Ting
Tumatakbo din po ako kaya lng hanggang 5K lng Kayla ko ha ha ha
I miss your words of wisdom Kuya Victor Ting ..keep on,running strong ..continue to inspire us ..
thanks Dorothy sa picture in action
Good Morning po Sir Victor Ting :-)
maraming marami pong salamat sa inyong lahat bumati sakin at na
gusto sakin. God Bless you all!!!
Sana makagawa din aq ng gnung break…nkaakabilib..immune na po tlga sa pgod sa pgtkbo
yeeeyyy idol master vic !!! Victor im honored to have a pic of u po
Si sir vic na di ko nasbayan ang lupet talaga
Following master vic’s pace till 26k.. Naiwan na ko after. Hahaha lupet tlga, consistent lang pagtakbo nya.
Bev Ryle :) papa ko
kasabay namin sa 42k kahapon si mr ting
WOW! NICE!
CHIENG BI MERON PA BA UNG CARL STUDIO NIYO? D KO C NAPANSIN kUNG MERON PA NUNG NAGPUNTA ME SA JIL.
Hope one of those marathon event makasbay ko po kayo tumakbo..kung maiwan po aq..papicture nlng po.hehe.planning to join my first half marathon on RunUnited sana andon din po kyo sir Victor Ting.
Maraming marami po salamat sa inyong lahat ngayon ko lang nabasa mga comments nyo GOD BLESS YOU ALL!