OFW Run 2013 – Results Discussion

1610
ofw run 2013 results and photos

Congratulations to all finishers of the recently concluded OFW Run 2013!! Thanks to all who dropped by the Pinoy Fitness Booth! Time to share your feedback and experiences about this event here!

OFW Run 2013
March 24, 2013
Quirino Grandstand

Race Results:
OFW Run 2013 – Race Results c/o Strider.ph
strider.ph

Photo Links:
OFW RUN 2013 by Pinoy Fitness- [ SET 1 | SET 2 | SET 3 | SET 4]
OFW RUN – [ SET 1 | SET 2]
OFW RUN 2013 by Verticalfinisher – [ SET 1 | SET 2 | SET 3 | SET 4 | SET 5]
OFW Run by John D. – [ SET 1 | SET 2 | SET 3 | SET 4 | SET 5]
OFW Run 2013 by Vampire Runner of Team SCR – [ SET 1 | SET 2 | SET 3 | SET 4]

(Submit your links)

Advertisement

Are you a Photographer? Submit your Photo Links here – Click Here

Photo links will be updated here as they become available! Feel free to share your comments and feedback about the event below.

Visit -> https://shop.pinoyfitness.com

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

169 COMMENTS

  1. Medyo disappointed sa medal. ;( Tapos nagkaubusan ng sizes sa Finishers Shirt. Yung loot bag di ko nagfeel. Pero masaya. Enjoy! :)) First 10k run. :))

  2. walang kwenta po ang takbong ito, poorly organized, naubusan pa ng finisher shirts, puro tubig at yelo lang ang inumin… ang daming bandits, may nagbibike pa. Late pa ang start ng 16km at konti lang difference nila sa 10km start. IMO lang po.

    • SA MGA RUN MAHALAGA ANG TUBIG LALO NA PAG MAY YELO TALAGANG MAGIGINHAWAHAN KA AT DI LANG YUN MAY BUNOS PANG POCARI , ALAK ATA HINAHANAP MO KAYA NASABI MONG WALANG KWENTA SANA TUMAWID KA SA KABILANG KALSADA MARAMING MABIBILHANG ALAK DUN,,,,,,,

  3. Jearnest Sports Corp….Daig ko pa na illegal recruit sa race event na ‘to. Eto pangako niyong hindi mangyayari pero ito rin lahat nangyari, masaklap pa “PLASTIK” medal na pinamigay niyo.

    Jearnest Sports Corporation said on December 29th, 2012 at 7:42 am

    We know the feeling kung paano naubusan ng tubig coz we, ourselves, experienced that. We know the feeling kung paano naubusan ng give-aways coz we, ourselves, naubusan din. We know the feeling na after the end of the run, people would say, “Yun lang?” coz we, ourselves, felt that way. These realizations inspired us to make the OFW RUN. A run that will set the bar to all the other runs!

  4. IMO, maayos naman ang run, hindi ganun ka-crowded (compared to other big fun run events). Medyo may delay nga lng sa hydration (specifically pocari stations) which is not that much of a big deal for us but I’m sure others will complain about it. Ang kinadismaya lang tlga namin eh yung finisher shirt na super laki ng size… we ran 16k pero 5k finisher yung napunta samin eh samantalang doon naman kami nag claim sa 16k booth. *_*

    I hope Jearnest will still respond on this result discussion.

  5. Although I enjoy the run, Ito po napansin ko na kailangan maimproved for the next event:

    1. Naubusan ng tubing un ibang hydration station kaya ice nalang pinamimigay nila, kawawa tuloy makatigil paghingi ng apology ung mga bantay sa station…
    2. As always pag Quirino, di pa din macontrol ung mga sasakyan sa tapat ng Manila Hotel…
    3. Finisher shit, one size fits all… Ung letra Lang yata iba pero Pareho Lang yata lahat ang size… Kasi ung ka sabay ko Small nakuha pero Pareho Lang lami sa medium ko at large ng kasabay din namin kumuha…
    4. Medal, natatanggal na ang pintura

    Aside from the above, ok naman na…mabagal Lang talaga din ako tumakbo kaya tagal ko na tapos…..

  6. Jearnest Sports Corporation said on December 29th, 2012 at 8:19 am

    HYDRATION is a key factor in any fun run. Mawala na ang lahat, wag lang ang hydration. I’m sure all our fellow runners will agree with this. I really appreciate your concern and thenk you for this reminder. Rest assured, that your concern is also our concern. If you could see in our Route Map, we have strategically positioned TEN (10) HYDRATION POINTS for the welfare of all our valued Runners… :)

    ANSABE???

  7. My first 5k. Nice run. Tama ung mga nauna. Crowded sa tapat ng Manila hotel bec of the parked vehicles, dami tumatawid sa path ng runners ( pedestrians and bikers), finishers shirt malaki nga and naubusan ng hydration. Things to improve on for the next run.

  8. i had fun! it was my first 16K, first medal to receive, first finishers shirt! i did it as tribute to my OFW husband and his colleague! but then again, flaws are always there in any kind of event… congrats pa rin po sa organizers kasi alam ko ang hirap ng pag oorganize ng events…

  9. …i run 5k at hindi naman ako kinapos sa tubig at pocari?….baka sa 16k at 10k?…yong finishers T shirt,malaki nga pero pwede naman palitan.Yng medium ko,pinalitan ng XS.

  10. @chris Tindi naman ng comment, “walang kwenta” agad. Kung “walang kwenta” ‘to e bakit hindi naman ganoon ka-negative ang comments ng iba? OA

  11. positive feedback:

    nagustuhan ko ang medal.
    maluwag ang tatakbuhan dahil sarado ang roxas blvd.
    ok na ok si bearwin maghost.

    negative:
    konti ng marshall. walang bantay dun sa u-turn ng 3k. may mga nakita akong 5k runners na lumiko agad.

    kulang sa hydration. may naringgan din ang kapatid ko na nanghihingi ng tubig dun sa marshall pero sabi dun na lang daw sa may finish line at may tubig daw doon. wala rin akong nakuhang tubig sa village.

    ang liit ng village kaya siksikan ang mga tao. wala rin akong nakitang nag-aayos
    .
    ang laki ng finisher’s shirt. xl ang una kong kinuha pero nung nakita ko na sobrang laki pinapalitan ko kaya lang wala nang small.

  12. Nagkaubusan ng finishers shirt. Marami ata kumuha na di naman dapat makakuha. Wala ako natanggap. Yung medal amoy pintura. Plastic pala. Although better to kesa sa Philhealth run. Sana lang mag advise sila agad regarding sa finishers shirt ng 16k runners.. Pati yung ibang 10k di din daw nakakuha kasi ubos na.

  13. The run is good and I am giving it 7 out of 10. Route is ok and my main concern is the hydration especially nung pbalik na mga 10k. pagdating ko ng last 3k nagliligpit na sila. Tapos pagdating sa finish line wla man lang silang pinamigay na tubig sa mga runner. Nagpunta ako sa Pocari pero ubos na daw. Napilitan ako tuloy bumili dun sa isang nsa tent. Next is the medal. Much better kung ibigay nyo to sa runner pagdating sa finish line hindi yung papipilahin nyo pa kami ng mhaba para makuha lang. Dapat both hydration and medal ibigay byo sa runner pagdating sa finish line. Lastly eh bkit nawawala ang mga organizer. Lagi tuloy silang hinahanap ni Bearwin. From the start of the race ng 16k wla sila sa stage hangang sa awarding. Dapat andun sila sa stage. Late tuloy ang start ng 16k. Small ang kinuha kong finisher shirt dahil ang laki.

  14. Ok mn ang run at ang hydration station ang medyo dpat ma improve next yr is yung mga booth magulo sa kuhaan ng medal at f. Shirt.

  15. Maganda yung event to honor OFW’s abroad pero not an organized event at all.

    onte ang marshals, dami naki run na hindi naman kasali sa event halos kasabay mo sila tumakbo. pati mga tambay sa baywalk nakikikuha sa hydration station and ng saging.

    yung finishers kit pwede mo na mkuha kahit d ka tumakbo madami na nagclaim mga freebies and shirts during the run kaya madali naubusan yung iba and yung pocari drink na para sa mga finishers is madali naubos kasi yung iba pwede kumuha ng maramihan at pwede ka pa bumalik balik.

    finisher’s shirt is way a lot bigger than the singlet itself, botchog ata ginawa nilang model dun sa mga shirts eh ultimo small e parang large or XL ang size. sana ginaya dn nila yung sizes ng singlet, para naman nasuot ng mga runners after the race. karamihan na lang tuloy mas pinili na lang isuot ung singlets nila or other shirts instead of the finishers shirt (this is a fact) and sana next time, kung aayusin man nila ung singlets for their next event is magkaron ng sizes based on your size ng singlet, kung ano size ng singlet tulad din ng finishers shirt. (like sana sa Nike we run 2012 yung claiming ng singlets gayahin nila)

    Medal is also not good, mukhang kahoy and tama nga yung isang comment na nabasa ko nababakbak.

    A lot of improvement to be done for their next event if ever.

    I hope they’ll learn from the comments posted here.

  16. Tama ka @ Emil….this was the best run of my month…bakit yong One Bms ba may kwenta.Imposible maubusan ng F Shirt ang 5k eh angnlapit lapit. Baka naman yong 5k na naubusan ng TShirt eh,isang oras mahigit ang tinakbo ng 5k nya. Di naman sa pagpupuna ng naglalakad tuwing Fun Run…Pero sana kung magrehistro kayo sa mga Run,siguraduhin nyo di kayo naglalakad. Give respect to the name,it was a Fun Run.not a Fun Walk…..

  17. It was the best run to for me. i run 5k and my wife 3k,we both have the Medals and the Finishers. may bottle of pocari,energy booe,CD from a religous sect,a bag from St Luke,Chikka id holder. Eh ano naman kung plastic ang medal? Remembrance lang yan fro finishing the run. Bakit gusto nyo ba Ginto,para ano.isangla nyo.Mga mukhang pera pala kayo.dapat sa olympics kayo tumakbo,kung may maibubuga kayo.

  18. 16k
    Nice route along Roxas Blvd but sana mas maaga gun kasi ang init na nung bumalik from Coastal=/

    Things to improve on:
    1. There are a lot of 16k runners but they cramped the baggage in only one small tent. Parang naging smokey mountain of bags yung baggage counter nung 16k bags. Ang tagal pa nung mga marshalls dun sa baggage counter. Ang haba nung pila, nadelay tuloy start ng medyo maraming 16k runners.

    2. Medyo disaster ang hydration on the last 8k, yung pabalik na. Andaming hydration stations na wala namang hydration:( Btw, nde naman ako masyadong mabagal at 6:50+/km. Wala lang talaga silang supply ng tubig. Lol

    3. The shirt was too large. Hahahahaha para siyang lab gown. Lol and nagkaubusan pa. I have a friend who ran 16km but got a 10k finisher’s shirt na sobrang laki pa.

    4. I can’t even describe that medal they gave us. Hahaha when I was approaching the finish line, I saw some finishers wearing this big plasticky-looking circle. Haha i thought it was a medal case and that the medal is inside. Ayun na pala. Matigas na plastic na ewan ko ba dun. Hahaha

    :) just my 2 cents. Hahaha
    I really liked the route

  19. Nagkaubusan nga ng finisher shirt konti lng tshirt nila dami p nkapila kanina.ang gulo kc ng kuhaan ng tshirt.cguro ang bilang lng ng finisher shirt ng 5k ung early registered eh dami p nagpa register on site!

  20. Sagwa ng hydration pblik pra s mga 16k runners.. alang saging.. ung pocari prng hanggang pang loop lng ng 10k kulang na kulang pra s mga pabalik na 16 runners. nagkaubusan ng fshirts ung ntira prng hiphop dting mo s sobrang laki and medal quality d pwedeng pangdisplay.. loot bags pra lng s mga nkabalik kgad s finish line.. I rate this as 5/10..

  21. @Rhai tama lahat ng sinabi mu…ehehehe kakalungkot lang talaga na naubusan ng 5K finisher shirt kahit di naman more than 1 hour ang tinakbo..hussle pa tuloy ngaun kung paano macclaim yung mga finisher shirt… may mga nakita kami mga hindi naman tumakbo kaso kumpleto ultimo loot bag… hayssss sana ayusin nyo na next time

  22. 1.Umpisa sa Hydration at 10km mark wala na tubig, meron pang mga runners than nagliligpit na sila ng mga plastic caps sa mga ibang hydration dahil wala ng tubig, dapat mga hindi kasali sa running event(bandit runners) hindi nila binibigyan ng tubig kasi ang nauubusan ang mga nagbayad na runners even sa Finish line wala narin akong naabutang tubig –
    2.Sa Side din ng Manila Hotel congested, marami ng ngang nakapark na sasakyan madami pang naglalakad na hindi runner at me nag pumulit pa kaninang Fortuner – ayaw papigil..
    3. HipHop/pang jejejemon na FS hehehe

  23. #17
    Not necessarily. May mga iba naman who join these events to run and walk. Baka pagod na din, and I think others are family or groups who do it to socialize, you know, have a Sunday to be out and spend a pleasant morning. I don’t think there is anything wrong with people walking in running events.

  24. @chris — dahil poorly organized wala na agad kwenta??? hindi lang tubig at yelo nasa hydration, may pocari sweat din — kung di ka nakakuha baka hindi mo alam… tsaka na-late nga start ng 16k…late ng 2 minutes! big difference na ba syo yun?!?!?!

    @SandoMan — mukha ngang tama ka, madami kumuha na hindi dapat… kasi nauuna kuha ng finisher shirt bago bigay ng stub… syempre pag may stub ka pa, makakakuha ka ulit :(

    @vash8888 — ehehehehe… finisher shirt 1 size bigger tapos yung singlet 1 size smaller……

    @Rhai — yung mga naki-takbo po e mga regular na tumatakbo talaga sa may roxas boulevard… hindi naman po siguro pwede pagbawalan mga tao to run sa area dahil may event, diba (maliban na lang kung naka-bike..yun siguro pwede kasi baka magkadisgrasya)???

    @Pilosopong Tasyo — hindi naman po masama maglakad sa fun run… in the first place, alam ba natin reason kung bakit sila naglalakad??? kaya nga FUN run e… you are there to have fun whether you RUN or WALK…

  25. race route was very nice — flat road with uphill and downhill…magandang pang-training :)

    oo nga, sana mas maaga nag-start… kasi sobrang init na nung nagbibigay ng awards :( hydration nga nagkaubusan na sa last 4-5 km… tapos bakit kasi yung route e dadaanan sa parking lot??? di ko gets :( papunta na ko finish line, may kasalubong akong starex!!! at mabilis takbo nya!!! balak pa ata sumagasa ng runners… :(

  26. Ang point ni Tasyo eh,kung di maubusan ng Mga Freebies.Siguro bilis bilsan naman ang Takbo nila.Minsan kasi 3k lang at 5k,nadaananan mo.Picturan lang at tawanan ang ginagawa. Ok nag bayad sila pero how about the Runners that want to improve their run time. Minsan nahaharang esp yong grupo na nag lalandian lang sa race route.

  27. Running Ood FUN RUN AND FUN WALK HAVE A BIG DIFFERENCES. ONE IT SPELLING TWO ITS MEANING AND THREE IF U CAN STILL GET IT….GO BACK TO STARTING LINE….GRADE ONE

  28. Congratulations to the organizer for their first running event.

    Here are my comments and suggestions:

    1. Medyo late na yung mga gunstarts. Inabutan na kasi ng araw yung mga runners. Sana maimove ito 15mins to 30mins earlier next time. Summer na kasi so mainit na talaga.

    2. Hydration Stations are okay. I ran 10K so hindi ko alam yung nangyari sa mga nasa ibang categories and yung mga medyo nahuli. Masarap yung water na may ice. Yung pocari sweat hindi na masyadong malamig. Kung may mga naubusan man gaya ng mga comments sa taas, pakiayos na lang din po ito sa next event nyo kung meron man. Mabuti nang sobra ang hydration kesa kulang.

    3. Mababait ang mga marshalls at mga nagmamando sa hydration stations. “Go Runners!” :)

    4. Kilometer markers are okay. Well placed. Every 2 kilometers yata meron at kung ilang kilometers na lang before the Finishline. Good job on this.

    5. No banana and sponges. Sana meron na next year. Kahit señorita pa yang saging na yan, basta meron. Hehehe. About the sponges, dapat required na ito sa mga nagpapatakbo during summer season eh. Iba na kasi yung init.

    6. Ang daming bandits. Im not against them naman kasi madami talagang nagjajogging and namamasyal along Roxas Boulevard, kaso may mga nakita kasi akong nakikihingi pa ng tubig at pocari which is sobra na. Kawawa naman yung mga runners na naubusan.

    7. The traffic was okay. Wala naman masyadong sasakyan and bike sa route compared sa notorious na run na i wont mention na din. Makikipag patintero ka pa sa mga sasakyan at nag aantay si kamatayan sa kabilang side ng kalsada. Ang bibilis ng mga sasakyan and walang traffic cones. Grabe talaga yun.

    8. Walang straw or plastic bracelet man lang to determine kung nag-U Turn yung runner or hindi sa tamang U-turn location. May mga nakita akong nag U-turn na wala sa tamang lugar. Pasimpleng kuha daw ng tubig sa kabilang side ng road tapos sabay takbo na rin pabalik. Saya. Hahaha. Anyway, sarili lang naman nila yung dinadaya nila. Sa organizers, sana naman meron na nito sa next event nyo. Mura lang naman yung mga yun. Hahaha.

    9. Ang daming photographers. Saya! Hahaha :D

    10. The best yung malaking signage na “Walkers – right side of the lane, Runners – left side of the lane”. Di yun yung exact na nakalagay pero ganun na din yung idea nun. :)

    11. Congested na masyado dun sa parking area tapat ng Manila Hotel. Ang daming sasakyan at tao.

    12. Worst part of this run is yung pagclaim ng medal. Very disorganized. Tumakbo ka na nga at pagod ka na, pati ba naman sa medal pipila ka pa. Hahaha. My suggestion, ilabas sa plastic ang mga medals kasi hindi naman kelangan nun. Isabit ang mga medals sa mga runners na magccross sa Finish Line at yung backdrop nyo na for picture taking is ilagay somewhere else. Hindi naman kasi lahat ng runners eh magpapapicture dun at kung gagawin man nila yun eh hindi naman agad agad pagtapos magcross sa finishline. Nagcomment pa kasi si Bearwin na bakit daw maraming nakaharang sa Finishline. Kasalanan naman din yun ng organizer kasi naglagay sila ng backdrop dun for picture taking kasabay ng pagkuha ng medal. Not a very good idea. Ulitin natin, ihiwalay po natin ang Picture Taking Area sa Medal Claiming Area. Hindi sila pwedeng pagsabayin.

    12. Medyo magulo ang layout ng Activity Area. May mga naliligaw na booth na hindi naman dapat dun sa lugar na yun. Walang space planning. Pag aralan po natin ang mga placements ng sponsors booths, food booths, freebies booths, portalets, photobooths, hydration booths, etc. May mga factors pong dapat iconsider dun like yung kung may pila ba yun or kung madami bang tao yung pupunta dun, etc. May mga booths pong hindi pwedeng pagtabihin dahil magcacause ito ng human traffic. Congested kasi masyado yung lugar at ang hirap mag-ikot.

    13. Medal is quite cheap in quality. Painted plastic. Pero okay na din kasi hindi kakalawangin. Hehehe.

    14. Finisher’s Shirt quality is cheap din. Matigas yung tela. And i do think na isang size lang talaga yun. I compared 3 sizes of Fshirt na nakuha ng mga co-runners ko and guess what, Small Medium XL pero MAGKAKASINGLAKI. Hahaha. Kung hindi naman ganun yung case sa iba, masyadong pa ring malaki yung sizes. Filipinos po ang mga tumatakbo sa event nyo sir. Hope you can consider using Filipino Sizes sa mga shirts and singlets nyo next time. And please, palitan po natin kung sino man po yung supplier natin ng Shirts and Singlets. :)

    15. Kawawa naman si Bearwin kanina at yung co-host nya. Sensya na si Bearwin lang kilala ko. Nabilad sa araw. Wala man lang tent sa stage. Halatang nagmamadali na sya sa init eh. Wala pa silang tubig. Hahaha :D Sana next time meron na. Kawawa yung mga hosts pati yung mga winners na aakyat sa stage.

    16. Runners’ experiences during and after the run make or break the running event. Kung mahal ang patakbo, pero maganda ang experience (Like Condura and Runrio races), positive pa rin. Kung mahal ang patakbo pero pangit ang experience (like Natgeo Run 2012), doubtful ang mga runners sumali ulit. Kung mura or libre ang patakbo at maganda ang experience (like Milo and Hyundai Fun Runs), tatangkilikin ng mga runners ito mapa casual, recreational or elite, kahit yung mga students. Kung mura or libre ang patakbo, pero pangit ang experience, magiging doubtful pa rin sila sumali ulit unless maganda yung advocacy or magbebenifit ang charitable institutions.

    Anyway, eto na po lahat. If i have offended anyone, please accept my apologies. Theses are just my opinions. These are based on my experiences during this run so the organizers can improve their events in the future and so that we runners can choose what events we should join and what we should avoid.

    Brad’s Rating for OFW Run 2013: B

    Thanks and Happy Running. :)

  29. Ang iinit nyo.Parang panahon ngayon. Basta kami ni Wifey,satisfied with the results. medals,Finishers T shirt at freebies.Ambilis namin tumakbo eh ah ha ha…

  30. @running nimrod, yes given na un na may mga regular runners pero not to the extent na sumasabay din sila along with the runners or sana man lang yung mga organizers or marshals e naglagay ng route for event runners and common runners sa area. and may mga bikes and sasakyan din pala minsan kasalubong at kasabay lalo na nung start and pabalik.

    Sana lang talaga maimprove na mga lapses nila next time kasi good cause naman ung run to honor OFW’s naman talaga.

  31. @Pilosopong Tasyo:

    Kindly include me in your so-called “Fun Walkers”. Mukhang kinain ka na yata ng pride mo sa pagiging Runner mo at wala ng lugar sa running events para sayo ang mga WALKERS na tulad ko. Wala akong pakialam sa mga taong mabibilis tumakbo kesa sakin mapa babae man or lalake or kung maglakad man ako instead of tumakbo so wag naman tayong mang alipusta ng mga Walkers. Walkers lang kami sa mga Running Events pero after the Fun Runs, we are people din na may kanya kanyang profession and skills na you dont have. We should promote camaraderie. If you cant stand seeing WALKERS WALKING IN FUN RUNS, mag BLINDFOLD ka na lang. You will be the first Blindfold Runner pa. Saya diba.

    I have never encountered an event na being promoted as FUN WALK. Ang alam ko lang is Fun Runs are for recreational runners and elite runners alike. Kung lahat ng mga runners ay tulad mo na mabibilis, eh di sana wala ng mga Fun Runs and gawin na ding New York and Boston Marathon standard yung mga events dito sa Pilipinas.

    The number of finishers shirt and wether a finisher will be able to get one after crossing the finishline is the responsibility of the Organizers alone. Kung sumobra man yan or kapusin, kasalanan nila and never itong magiging kasalanan ng mga runners kahit mahuli man sila ng dating sa Finish Line dahil BINAYARAN nila yun and they deserve to get one. Una, the organizers have the masterlist of the number of runners who will be joining. Pangalawa, nagpa on-site registration sila which is a NO-NO dahil wala naman itong mabubungang mabuti instead of being an additional income for the organizer. May mauubusan at mauubusan kasi pag ganun. So wag naman nating sisihin ang mga fellow runners natin if ever man na wala silang nakuhang medals, or shirts, or freebies dahil never nilang naging kasalanan yun.

    “Running Ood FUN RUN AND FUN WALK HAVE A BIG DIFFERENCES. ONE IT SPELLING TWO ITS MEANING AND THREE IF U CAN STILL GET IT….GO BACK TO STARTING LINE….GRADE ONE”

    By the way you wrote your comment above, i think you should be the one to go back to the Starting Line and not Running Nimrod. Hahaha :D

  32. #24
    para sakin ba yan??? :) running nimrod po, hindi running ood… BIG DIFFERENCE — SPELLING!!! :) grade one???? uhm, balik ka din po grade one kasi dami mali sa grammar mo — (1) have a big differences; if you’ll use “a” pang-singular po yan (2) one it spelling; baka po what you mean is “one its spelling” (3) three if u can still get it; yes po i CAN still get it… AHAHAHAHAHAHA!!!! ^_^ (laugh trip lang…)

    moving on… runners walk in fun run due to the following reasons: (1) the runner got hurt — God knows why and how; (2) the runner got tired — probably due to lack of training or runner is sick during race day but still pushed through with running; (3) the runner just got back from an injury and doesn’t want to push himself/herself too hard — just to test and get back in the groove of running. these are just some of the reasons i can think of for the moment. you’re free to add if you can think of anything else. needless to say, there are a lot of reasons why runners walk during a fun run — reason or reasons only known to them.

    just to add, i read this article giving some helpful tips in running a marathon. tip number 11 reads, “Maintain your pace. If you must walk, then walk! There’s no shame in walking in a marathon.” so, if there is no shame in walking in a marathon then why is it such a big deal for you if runners walk in a fun run??? of course, you will argue that a marathon is very different from a fun run because of the distance and whatever reasons you can think of. but it will just bring us back to my point above (read 2nd paragraph).

    you can proofread this all you want but i’m telling you, you will not find a single grammatical error ;op enough said….. ^_^

  33. @Rhai
    good point you’ve raised :) actually, dapat lahat ng organizers tignan yan…although mahirap ma-control nga lang :)

  34. @ Brader
    ahahahahahaha!!!! kwela yun ah :) blindfold runner ^_^ tsaka hindi tyo sure kung mabilis nga tumakbo yang si Pilosopong Tasyo….baka poser lang yan na mabilis..ehehehehehehe :)

  35. @Rhai:

    So you want to separate the “Elites” from the “Common” Runners? I have never encountered an event na ginawa yung suggestion mo. That will never happen. EVER. Ang alam ko lang eh the Elites are on the front and the common runners are on the back. If a certain runner had problems with the Common Walking Runners, mukhang hindi nya yata nagawang unahan sila in the first place and he/she never followed the instruction na palaging binabanggit during Assembly Time na dapat yung mga Elites ay nasa harap. If you are a Fast Runner na nakapwesto sa harap pero nagkaproblema with the Common Runners along the way, malamang napagod ka rin at nagslowdown at naglakad, therefore, being a Common Runner yourself, therefore having no reason to complain. If you are a Fast Runner pero nasa middle ka ng pack pumwesto or na-late ng dating, you already violated the instruction na dapat nasa harap kayo and you will definitely have problems with the Common Runners, therefore, also having no reason to complain. Kung sa tingin mo mabilis ka, pumwesto ka sa harap ng pack yun lang naman yung idea dun. Problem solved.

  36. Is it time for a government agency (Sports commission [whatever it is called now], DOH, or any other pertinent agency) or at least the approving local government to regulate (NOT control) running events with all these problems we are all encountering? Running is getting too big of a commercial event na that organizers hold it solely for profit, at the expense of the runners.

  37. @Brader, di mo po ata nagets ung point ko eh. What i mean is, maglagay ng separations sa mga event runners sa common runners ng area. wag HB ha. hehe.

  38. @ Brader
    uhm, hindi po yun tinutukoy ni Rhai sa comment nya… ang ibig po nyang sabihin e “event runners” and “common runners”… event runners yung mga kasali sa event — elites, serious runners, average runners, “walkers” :) tapos yung common runners yung mga nag-jojogging lang sa area na may event :) pero tama po yung point mo sa comment mo ^_^

  39. Okay ang run. nakakuha ako ng finisher shirt. ung ibang freebies wala. siguro tatakbo na lang ako ng 3k 0 5k. kasi nagkakaubusan ng eco bags, freebies, at kung anu ano pa. sana isama na lang sa finishers loot bag. saka sana sa mas maluwag na venue. daming nakapila para sa photo booth. nakaharang na nga sa finish line eh. Tsk. Talagang may magcocompare talaga ng event na ito sa Run United.

  40. Rhai claruhin mo kasi. I think what you mean is sa route ng running events, the marshals should make sure na ang mga non-event runners (those na hindi nag register) are not in the way of the event runners, whether nasa gutter sila, or may section sila, whatever it is na fair and respectful naman to all concerned. Afterall, public place naman ang kalsada.

  41. @Rhai: i think the more appropriate term would have been “local runners or regular runners in the area”. but you have a point because i believe organizers pay the local govt to use these routes. :)

  42. wow bawal na ba maglakad sa mga fun runs… It’s our prerogative to walk especially since it’s OUR MONEY that we spent during the registration…wala naman siguro masama maglakad especially sa mga newbie runners na katulad ko… TSK!

  43. Kung gusto nyo maging elite runner, sa SAFEGUARD 2XU HALF MARATHON KAYO tumakbo, for the serious runner daw un.
    Kung gusto ng mag walk, OPPA GANGNAM STYLE at naghaHARLEM SHAKE pa, sa fun run dun kayo.
    Kung gusto nyo ng Running Event na perfect sa panlasa nyo, …… walang ganun. Lahat naman nagkakaroon ng problema, di maiiwasan yan.

  44. 2nd 10k run/walk ko ito. Beginner pa lang ako sa pagtakbo kaya may mga oras na naglalakad talaga ako. Pero very fulfilling ang event na ito para sa akin dahil 1) nakatakbo ako para sa brother kong OFW and 2) i made a new personal best for 10K category (na pinilit ko talaga para sa kuya ko). Kasama ko pala dito ang mom and dad ko who became emotional after finishing their runs din kasi sabi nga nila, sumali talaga sila para kay kuya. So may mga unfavorable issues man, ok lang, masaya pa din kaming lahat umuwi. Ang mahalaga ay nakatakbo kami para sa mga OFW, most especially sa brother ko. :)

  45. “do what you want…Hindi naman kami nagbayad ng Reg fee ng walkers. Ok lang yan medyo sumaisang tabi lang para hassle free sa aming Runners. Peace! Yun lang pagdating ng mga nasa High Cat wala ng freebies..Wala ng pakonsuelo tho’ mas mataas ang bayad namen huhuhu Paano kaya maiiwasan yung ganun? Anyways, Okay naman basta Happy, Walang masama sa mga naglalakad at Nagwewentuhan sa Runners lane. Just give way..

  46. Dapat Sigurd ung mga mabibilis na Ayaw makakuha ng walkers wag na Sumali sa Fun Run, doon nalang sila sa mga running event na pang elites… Naisip ko Lang bka pwede suggestion ko…..hehehe….

  47. @pilosopong tasyo

    you speak too high for your own good? bakit? ganyan ka ba kagaling? ganyan ka ba ka professional runner? ganyan ka ba katalino?

    eh bakit hnd ka pa rin nakakakuha ng award mo?

    alam mo tol,,, sana pulikatin ka sa daan, magka-injury ka, at kainin mo yang pride mo at kagalingan mo HABANG NAG LALAKAD KA OR BITBIT NG AMBULANSYA!

    syempre joke lang ^_^

    pero wag ka naman sana masyadong “cool” mag project na akala mo eh ubod ka ng talino at galing sa pag takbo

    peace out (sa iba) pero kung gusto mo ako awayin, ikain mo na lang yan >_<

  48. ako talaga naglakad… wala eh bagong opera… malaki yung finisher shirt na binigay skin… ok lang…. basta para sa mga bagong bayani!

  49. 1 thing I notice, sa U Turn slot wala man lang binibigay na yard or kahit anong proof na umikot nga sa tamang U turn yung mga runner,(Tama po ba ako?) ayan tuloy may MGA NANGDADAYA NG SARILI NILA, nag sisipag short cut wala pa man sa U Turn slot nag sisibalikan na sa finish line..

  50. Walang masamang mag-walk just ensure you are not becoming an obstacle along the route by walking on the right side of the road. Those runners who trained to have a good run or improve their PR are the biggest losers when they have to make all those patintero moves just to get a clear path..

  51. makikicomment lang po ha
    as far as i can remember…
    same lang nmn po ung binayaran ntin sa event na to per category
    wala nmn po sanang pakelamanan kung pano natin sisimulan o tatapusin ang FUN RUN na ito. kung runner ka at aspiring for the award, go ahead make your day wala lang basagan ng trip. ndi nmn magiging successful ang event pag kayo lang na mga RunNeRS ang naatend—edi sana sa marathon na lng kayo sumali ndi sa fuN Run—parang kasalanan pa naming mga WAlKerS ang pagSali dito sa Event na to ah!

  52. Nice Event naman maayos ang Route, OK ang Hydration Station during the RUN sa Finish Line lang ang hindi naubusan na kasi ako ng tubig hehe. Satisfied naman ako sa event maliban sa malalaking Finishing Shirt but its OK kungbaga parang Bonus ko na lang un pati un ibang freebies. Sana guys magkaroon tau ng respeto sa isat isa siguro iba iba man ang layunin natin sa pag sali sa mga ganito some of us para patunayan na magaling, malakas o mabilis sila some of us naman para makatulong pero sana kung anu man ang reason natin magkaroon tau ng respeto sa isat isa at mag enjoy tayong lahat. Medyo nagtagal ang awarding kanina kasi may mga nag protesta ata eto mahirap pag may mga award o cash prize na involve sana sa mga event organizer you have to make sure na maayos ang facility pag may premyo pansin ko kasi kanina pwede akong mag short cut hahaha parang walang nag rerecord ng time sa gitna ….

    Bilib ako sa mga naka costume kanina ang titibay nyo ako nga naka siglet init na init ehh hehe pati un nag bubuhat ng krus hehe sigaw ng sigaw from start to finish ikaw na … haha

    Sa mga sumali sa event we must be proud kahit papaano nakatulong tau sa mga kapatid natin OFW hindi naman lahat sila ay successful sa ibang bansa :)

    See u next RUN guys ….. just enjoy and keep safe every RUN ..

  53. 15.85k ang naregister sa gps watch ko.. So i think acceptable parin..

    I’m not against walkers, lalo na sa mga ganitong events kasi obviously ang pinopromote ng organizers dito e yung bonding with family and friends, elite o non elite or whatever. Siguro nga nilagyan na lang ng papremyo para lang maengganyo lalo ang mga runners na mag push ng limits nila. Again, etong run na to e not in the COMPETITIVE category. Sa milo marathon kayo sumali at try nyo mag qualify sa finals, yan ang competitive run, hindi ito.

    Chill lang everyone, mga runners tayo na nandito sa thread na to, at ang mga runners e disiplinado, tama ba? Relaks lang.

  54. “Walang masamang mag-walk just ensure you are not becoming an obstacle along the route by walking on the right side of the road” — well in reality, hindi ‘yan nangyayari. Uso rin ‘yung biglang titigil tapos kapag nabangga mo e sila pa galit

  55. Ako rin Walang result… Luckily my GF had a time result….Her 1st 16K pa naman…..

    1. Finisher Shirt – ang laki
    2. Ano ang Freebies?
    3. Plastic Medal
    4. Hydration Station – naubusan, buti may hydration belt ako

    We had fun, thanks

  56. sa pre race discussions sipag sumagot ng Jearnest Sports Corp. at wagas kung makapangako ng hassle free race lalo na sa hydration, ngayon post race discussions nanahimik na, busy na pagbibilang sa kinita nila at the expense of the runners and sadly ng mga ofw na laging nagagamit para kumita.

  57. PR for 16k.. 5 mins faster from ENVIRO RUN but hindi ito yung issue para sa akin.. daming promise ng nag organizes pa lang…

    1. Finisher Shirt – Small na nga kinuha ko parang si BOY PICK UP pa din ako kaya pala ayaw nila mag post ng actual pix.
    2. Medal – pwede pamato sa PIKO o sa POOL… di rin nila post yung actual pix.
    3. Sana pinaaga yung sa 16k kaya talagang siksikan,
    4. Nagkaubusan ng hydration.. kawawa ang mga longer distance runner at sa finish line wala din.
    5. Banana mukhang isang loc lang ang meron, at wala akong inabutan.
    6. LOOT BAG– wala akong nakita kung meron man.

    sa organizer akala ng marami runner din kayo kaya pala ganun na lang ang nangyari sa event… meron lang ako napansin sa ibang run na mukhang magkakamukhang.. JEARNEST, yung organizer ng ENVIRO RUN ay iisa??? isama din ninyo yung RUN KUYANG RUN…

  58. Tama si bagito.. Di nila pinost yung actual pic kasi cheap ang quality. Nakita ko na lang mga balat ng saging pero di rin ako nakakuha. Nag check ako sa strider pero wala din yung para sa bib number ko. Wala din ako inabot na freebies kasi nga 16k tinakbo ko, last batch pa. All in all dun na lang tayo sa organizers na trusted at subok na, di pa lolokohin ang runners. Eto yung feeling na LUGI ka sa 750 pesos mo.

  59. mas gusto ko ung route dito dhil dretso lang unlike s iba daming liko tpos my 2nd loop p n pdeng dayain ng ibang tumtakbo..okei din ang host ng event n si bearwin…bonus p n nakita ko si angelica dela cruz n tumtakbo..hehehehe

    ang negative n napnsin ko is wala ng hydration nung pag u-turn ko s 10k…hnggang mkarating s finish line wala n tpos wala man lng ngbbgay ng tubig kailngan pang bumili…

    wala akong nkuhang loot bag…ndi ko nga alm kung ano b hitsura nung bnbgay nila…at puro mlalaking sizes n ang finisher’ shirt…tingin ko tuloy parang lugi ung malayo ung tinakbo ksi huli silang nkakarating at nauubusan n…

    sapul nman ako dun s mga nglalakad during the run…pero it’s a fun run so ndi bawal kung walk/run ang gagawin, eh s ndi mo n kya at kailngan mong mglakad, bt mo pipilitin srili mo…wag mxdong myabng teh…daig mo p ung mabibilis n runners kung mkacomment…

  60. Magulo ang run maraming obstruction sa daan. Sa Start hanggang finish line di mauubusan ng abala. Bakit naman kasi itinapat sa parking lot ang starting and finish line. Malaki ang finisher shirt, kailangan ko pang mag pataba para masuot ang shirt nila. Bakit kulang ang hydration sa finish line.

  61. parang puro hype lang yung event umabot pa ata sa 600 yung comments/reactions leading to the run. buti na lang ng-pass ako! bakit yung JEARNEST naka-silent mode ata? Bago yung event sipag mg-reply sa comment/s ngayun pipi na (pipi na agad agad!) heheh

  62. Mukhang tahimik si Jearnest Corporation ngayon ah. Parang kelan lang napakadaling kausap. Hahaha.

    Tips kung pano malalaman kung ang event na sasalihan nyo eh Pure Concept, Team Phoenix, or Jearnest Corp. ang organizer. Nagpapalit palit ng pangalan pero parang iisa lang naman:

    1. Kung super active sa pagpost. Tipong mabilis magreply sa mga comment ng runners sa PF. Syempre accomodating para makahatak ng runners. Kung ano ano pang mga pangako at mababangong mga salita ang binabato.

    2. Iisa lang ang design ng poster nila. Syempre irarason nila na outsourced ek ek yun para di maghinala ang mga runners na tao nila talaga yung gumawa nun. hahaha

    3. HINDI NAGPAPAKITA sa mga runners. Imagine, hinanap pa sila ni Bearwin sa stage. Ni hindi man lang natin sila nakita sa stage. Hahaha. Mga professional rong mga to.

    4. Gaya nga ng sabi ni Bearwin regarding sa OFW Run, “Now you know!” Halatang badtrip na sya eh.

    5. Mahal pero wala kang makukuhang value sa binayad mo. Php750 pero parang wala pang Php250 yung nagastos nila. Plastic na medal, panget na quality ng singlet, IISANG size lang ng Finishers Shirt (kunwari may sizes, pero iisa lang talaga sizes nun kung mapapansin nyo), walang freebies, walang hydration pagkatapos magcross sa Finishline. Halos lahat yata gastos ng sponsors. Yung mga binayad natin, naibulsa lang nila. Mga sindikato talaga. Hahaha.

    6. Hindi mo na macocontact pagkatapos ng event. Saya diba!

    I dare you Jearnest Corporation to give the names of your President or kung sino man yung head nyo dyan.

    • maraming picture na naka post makikita mo mga kasama ni Bearwin sa stage na nagbibigay ng award sa mga winners mga organizer yun, 750 binayad mo gusto mo malaman expenses ito , finisher shirt 120 , medal china ball clay 65 , singlet 95 , timing chit/system 60 , venue Quirino G rent w vip room 500k for 4 hrs , tent ,table, barricade ,start finish arc, sound system ,tarpaulens, directional frames ,permits mmda,police,tmo, c,hall marshals, staff, etc lahat yun may bayad ,,,,asan na 750 mo madali lang magsalita ,,,,,

  63. Mga runners.. Pacompare naman yung MEDAL na nakuha natin sa MEDAL na nakalagay sa poster nila sa taas. Parehas ba? Hahahaha.

  64. I had a feeling these problems would happen when I saw no actual pictures were posted sa event thread. Buti na lang selective na ako sa sinasalihan.

    Runner we really should get organized.

  65. To all our dear Runners and Running enthusiasts, Running Teams/Clubs, Company Teams, Running Groups, the Philippine Coastguard Team, the Philippine Navy Team, The PNP SOCO Team, friends, co-employees, Celebrity Runners and Sponsors, our heartfelt thanks to all of you for our OFW RUN 2013.
    We cannot thank you enough for all trust and support to our memorable undertaking. :)

  66. Our heartfelt thanks and appreciation also to our respected and untiring Photographers… the UST FOTOMASINO, the Vertical Finisher, the John D. Photography, and to all the various photographers who covered our event..
    Hats off to all of you! Mabuhay po kayo! :)

  67. DEADMA sa mga COMMENT nagpasalamat lang oh.. kumita lang ginamit pa ang mga kababayan nating nasa ibayong dagat na naghihirap para sa family nila.. sagutin nyo yung mga concerns…

  68. ok nman yung patakbo (takbo lng) kasi not crowded sa roxas blvd yung organizer mukhang bago lang tlga accomodating naman yung mga marshall pero kulang na kulang tapos si Bearwin pa nagmando pra mag stretching n yung mga runners/walkers pra makapagsimula na agad kasi nga mainit na ngayon…gun start ok lng kasi yun nman tlga nakalagay sa guidelines nila tapos sa hydration ok lng sa una kaso yung pabalik nagkaubusan na pati b naman sa finish line wala ng nakuha yung mga kasali the one thing na sablay dito is yung first aid nila wala tlga totally yung mga kenyan lang ata binantayan ng nag-iisa nilang ambulance tapos nawala na nakaka-awa yung mga pinulikat yung mga beterano na sa mga takbuhan alam na nila gagawin nila pero yung karamihan ngayon ng tumatakbo beginner pa lng kaya kung may nangyari man masama wala reresponde sa knila

  69. uhm, bakit iba spelling ng pangalan ko sa race results tapos iba yung nakalagay na pangalan ng girlfriend ko????? 0_o

  70. Most disappointing run. Kurtina yung finisher’s shirt, ginaya yung design ng medal sa isang gold chocolate coin ng Tater’s. Nagkaubusan ng hydration sa village, at siksikan pa. Congrats!

  71. tama ka dyn bagito…tuwang tuwa pa namn asawa ko dhil ofw cya at may gntong event para sa kanila den gnto ginawa nio..mxdo kmeng na disspoint pinaasa nio kme sa mga dpt marwerecv namin..para sa mga relatives namin OFW …makuncenxa namn kau sana…..dhil khit mura event nia pinaghirpan namn nila ung pingreg sa inyo…hindi masaya ang event n2…nagpaasa kau sa mga OFW runners….saklap nio….!!! spercially MR. alexis todo pa nag invite palpal namn pala !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. iBa tlaga Run united kaya dinudumog …sana ausin nio namn ….TATAK OFW pa namn ginamit nio…grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!! laht kme kasamahn n\ko walng nakuhang giveaways and ung iba wala f-shirt masklap may nakuha nga small nging XL!!!!!! badtirp tlaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here