Congratulations to everyone that participated and finished the Run for Juan 2013 @ EDSA!! Time to share your feedback and experiences about this event here!
Run for Juan 2013
February 24, 2013
EDSA, People’s Power Shrine
Race Results:
Run for Juan 2013 – Race Results
Photo Links:
(Submit your links)
Are you a Photographer? Submit your Photo Links here – Click Here
Photo links will be updated here as they become available! Feel free to share your comments and feedback about the event below.
Visit -> https://shop.pinoyfitness.com
For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness
FIRST!!!
proud to be part of it!
ang panalo si kuya runner na naka jose rizal outfit!
hahahaha
im done 21k
Sobrang challenging ng ruta, ang daming uphill. Congratulations! Buti nag-iba ng organizer. Mas maayos na kumpara noong 2011.
Very good run. Kumpletos rekados tayo : Hydration, egg, banana, marshall, medic, bumberos, and pulis ang dami. Wala ka kay ate naka full fatigue uniform.
Congrats greentennial!
Well organized, complete with hydration, banana and madaming loots. Sana lang next time lahat ng 21k may finishers shirt. It was my 1st 21K but sad to say di ko na hit target ko na 2hrs 10mins.
great job centennial…New route..New PR..well organized event.
very organized event. very good job greentenial! congratulations and more successful races to come!
Done with 21K, nice ng route uphill medyo madami, hydration is good ang dami, mga marshall at ungsafety very good, nicw ng organizer greentinial, nice ng loote bag, sana next time may finisher shirt ang 21K. Over all good
Well Organized. Definitely Im gonna again next year…
asan po results nung tiem chip i ned to see po pang ilan ako
It was indeed a great and very well organized run , this was my best 5km run so far with a time of 15 mins and 35secs, di kaya sobrang bilis ko naman dito? o baka maiksi lang ang talaga yung run para sa 5k?
Kudos to the PNP, To the organizers, sunday early morning commuters and participants. A very organized race.. Great route.. The 21k medal wasn’t really that nice.:) but hey, we are here to run and that was a great experience. Congrats!
My first race! And my 13 year old daughter as well! We really had a great time and we look forward to the next. Hope we could see race results soon. We’re really interested to know how we did in our first ever (3k) run. Kudos to a great job from the organizers and volunteers! God bless you all. +:-)
made the right decision na dito tumakbo na feeling ko kasi mas maganda ung nite run base on feedbacks dissapointing daw im happy i finished my 5k sa edsa woohh ery organize pat on the back organizers
Great job, indeed Greentennial! Daming hydration, may saging pa, lootbag! Galeng nyo :-). Salamat din for the medal! May T-shirt pa!
wala pa pics at results? excited ako eh! hihihi. anyone has a link where i can see the pictures? thanks
Curious lang, ilang kilometers umabot ang 21K route sa GPS watches niyo? Sa akin kasi umabot ng 21.6km. Medyo naiba rin ‘yung ruta doon sa malapit sa finish line. Imbis na kumaliwa na papuntang finish line e dumiretso pa ang 21K runners tapos may U-turn ulit bago bumalik sa lilikuan papuntang finish line. Not complaning though, mas okay na ang sobra kaysa kulang haha.
Pros
1. Nice Route – first time to run EDSA
2. lots of hydration station and water.
3. nice race to recognize Barefoot runners
(-)
1. no/ Not enough KM markers.
2. cars along the route (may nakakalusot pa ring mga sasakyan lalo na sa EDSA, Julia Vargas and Green Meadow drive)
3. i think di ata nagamit ung timing chip; wala akong nadaanang timing maps even at start/ finishline.
4. di masyado kita ang clock pagdating sa finishline.
I don’t know if you noticed na hindi tugma yung 21K route map sa actual route on the way back. The map indicated a left turn upon reaching Temple Drive, pero pinaderecho ang mga runners sa Greenmeadows Ave. Note there’s no 2nd 21K U-Turn along Greenmeadows indicated in the map. Pero ang actual route may 2nd U-Turn which was about half-way sa 1st 21K U-Turn. Ibig bang sabihin nito mas mahaba sa 21K ang actual route? Nahirapan tuloy sa pacing.
mas maayos ngayon kumpara nung 2011. kudos sa mga organizer :)
@SBS_SoloRunner,
My garmin recorded the distance at 21.3 kms. Negligible naman ang difference kaya lng ok lng. :)
it was indeed a very organized event.
runners in costume: kakatuwa. hehehehehe. kahit ung mga pasahero na nasa bus at mrt, natutuwa. :)
route: challenging, uphill then downhill. not congested, medyo katakot lang dahil kasabay mo ang mga sasakyan sa greenmeadows, valle verde at sa mga intersections.
hydration : sufficient at ung mga staff pa ang mag-aabot with a smile
marshalls: may ibang marshalls na nakaupo lang na parang wala lang, pero ung ibang marshalls sa mga intersections talagang bantay sila (greenmeadows-ortigas-lanuza, lanuza-vargas at vargas-meralco)
traffic management: well-manage naman :)
security: well-secured ang mga runners sa dami sa pulis at sundalo
freebies: sulit! :)
overall: 9/10
@Louie & SBS_SoloRunner
21.4km din sa garmin ko.
++++ Hydration, support/traffic crew and loots were excellent! Route was good too, lots of ups and down, and lalo na sa last km which was uphill..
my only peeve was lack of visible timer at the finish line, heard other runners complaning they didnt know their time..I didnt mind naman coz I was looking at my watch when i crossed the finishline…
di po ako umasa na maganda ang run na to, kaya lang ako tumakbo kasi gusto ko ma try pero it is indeed beyond expectation… it was a great run.
notice ko lang parang walang km marker
“ma try ang edsa”
Yes theres no Km marker and I’m basing on my nike+ application but the 21K run registered 21.5k on my nike+ apps.. Indeed its an well organized running event. daming hydration w/ firetrucks hehehe…
R4J 2013 was a success! The race was well organized and gained a lot of support from people coming from different sectors.We had a blast jogging along EDSA avenue.I also enjoyed the hosts’ enthusiasm to keep the racers pumped up, great sponsors too who provided good hydration. Keep up the good work R4J organizers! More power!=D
panget nung medal! haha
SANA LAHAT MAY FINISHER SHIRT FOR 21K AT DI LANG MEDAL…..ARE YOU SURE FIRST 25 FINISHER LANG ANG MAY SHIRT…? GREENTENIAL ?
@SBS_SoloRunner,
I was surprised to see all the runners going straight instead of making a left turn. I even asked one of the marshals kung diretso ba talaga, and he said yes. Ang alam ko talaga mag-left na dapat.
Pero overall, maganda naman yung pagkakaorganize ng event. Lots of hydration, friendly marshals/support crew. At ang laki ng saging nila. LOL Medyo hindi lang maganda yung medal nila, pero I don’t care at all. Gusto ko lang tumakbo sa EDSA. Hehe
Good:
– Hydration
– Route
Not Good:
– Km markers
– Discipline: Smokers sa race area, 3k runners starting with the 5k runners
eto na race results.. kaya lang bat wala name ko?!?! huhu..sana naman di pa tapos pag update nila..hahaha.. dapat nakalagay race bib #..
https://www.results.runningmate.ph/index.php/event/result/102
Masarap tumakbo sa EDSA kahit mausok, kasi d natin nagagawa ito during regular days! kaya iba ang pakiramdam ko nung tumatakbo ako dito… kung laging hari sa daan ang mga bus araw araw, kahit sandali lang kaming mga runners naman ang hari sa edsa nung mga sandaling yun! ang masabi ko lang well organized naman ang race event! more power sa organizer! next year ulit!
Masaya tumakbo sa EDSA kahit mausok, at madaming uphill and downhill sa julia vargas, b=valle verde,greanmeadows part, at paakyat sa temple drive before finishline…kung laging hari ang bus sa edsa araw araw, well masaya ang mga runners nung araw na to dahil kahit papano kami naman ang naging hari sa mga sandaling yun, more power to organizer, God bless! next year po uilt!
nasa top 25 ako ng 5k. Bakit wala akong nakuha medal and f.s.? Huhu sayang first time sana yun. Anyway, congratulations sa organizer. Magandang experience ang tumakbo sa edsa. Sana maulit :)
i look at my watch right after i crossed the finish line.. my time is around 1 hour sa 10k. pero wala sa result ang name ko.. :(
It was fun! Kala ko puro straight run puro uphill pala…well organize… Mas ok sana kung may finisher shirt
nice one greentennial! hope everybody had a great run
meron na bang result??
@bagito #35 — https://www.results.runningmate.ph/index.php/event/result/102
Bakit po ganun ang result parang di accurate, lahat ng time s 21k nag tatpos s 40secs, nung nangyari s RFID o manual timing ang ginawa?
Bakit po ganun ang result parang di accurate, lahat ng time s 21k nag tatapos s 40secs, nung nangyari s RFID o manual timing ang ginawa?
@Louie #22, @suveraxxx #24, @jcdelmundo #29
Since I don’t have a garmin I rely on the route map provided by the organizer to estimate distances of sections along the route and set proper pacing. Lalo na at walang kilometer markers. Organizers should make it a point to give the runners info that is accurate. Anyway, I think the organizer made last minute changes to the route because what was indicated in the map was probably short by about 1Km.
It was a well organized run though. Plenty of hydration. No problem with claiming of lootbags and freebies. A somewhat challenging route with the 7 or so uphill sections. Maluwag ang daan, kaya walang crowding ng runners (at least for the 21K). Medyo mausok lang sa section between Megamall and the foot of the Ortigas flyover dahil sa mga buses. Relatively safe din yung route dahil maraming marshalls & police. Tsaka maganda yung isa sa nagsasabit ng 21K finisher’s medal. Hindi nga lang siya nagsabit ng medal ko. :)
Mukhang hindi nga accruate ang mga finish times. Ang time ko na nakarecord sa runningmate is more than 2 minutes faster than my actual finish time. Tsaka sa record ng runningmate, 6 kami na pare-pareho ang FT. Kaso 2 lang kami na magkalapit nung mag-cross ng finish line.
sana pati photos i-publish na rin :)
bat ganun ang resulta? dapat nilagay man lang yung mga running number para ma Identify yung mga pangalan na ang nakalagay lang e “NO NAME”….
maaayos pa kaya ito?
OK yung hydration
pero wlang km signage
pgdating ko sa finish line hndi umaandar yung time ng 10k… sana sakto result sa time
waaaaaa wala akong name, anung nangyari sa result? kahit bib number manlang sana
I know my approximate time dahil inorasan ko ang takbo ko at nakakuha ako ng medal, so dapat nasa top 100 ako, pero bakit andaming no name? greentenial you must fix this error sa results.
Ok ang hydration,Ok ang Ruta kaya lang walang walang km singnage at ang pinaka palpak ay hindi gumagana ang RFID kaya manual ang pag kuha na time sa finish line,kaya palpak ang result ng runningmate at wala ring naka lagay na bib number.
what! dami walang name sa Race Result :(
Me link ba kung san mkikita mga pics?? Thanx!!:)
Walang Timer sa Finishlne tapos wala pang name nmin at ni walang bib# indicate sa result.. panu nalanag namin malalaman ung officail time nmin..
Greentennial.. please check your result.
ung time sa 21km “40” ang seconds ng lahat..haha
sa orasan ko more or less 1hr ako sa 10km at may medal ako ha, pero wag ka ang oras ko sa results halos 2hrs? pano nangyari yun?
hawak kamay papunta sa finish line kasi daw people power kaya pare pareho ng finish
time, hehehe
maganda ang route.kaya lang walang finisher t-shirt.Sana puro t-shirt na lang instead og sando as singlet.kahit wal ng medal,mas oks ang finisher t-shirt.Nice hydration,plenty of drinks,distance is fine.
kudos to the organizer.Kailan ang next run?
natapos ko rin ung 5k kahit na puyat pa galing ng 2weeks na puyatan kakaexam. buti na lang maraming hydration station! good job sa mga organizers, lalo na kay Bea Figueroa, PLM College of Medicine. ang galing mo schoolmate!
first time ko ring naranasan sa isang run, na kailangang kunin ang RFID mo, para po saan? napunit tuloy yun bib# ko…
Just wanna know kung pwede ko mkuha ung shirt ko at medal pra sa first 25 n mkktpos. My bib no 0293 22nd place ako
Nagulat ako at no 19 ako sa 10k. Bakit wala ako medal? Nagtataka nga ako at medyo mabagal ang time ko. Around 10.5km ang na measure ng gps ko.
How long is that portion under sm mega mall? there is no gps signal, run as fast as i can on that portion.
shocking ung result, bat rank 155 ako pero i got medal, and i feel i run fast. parang d yata tugma sa oras!!! anyway twas my best 10k run. Congrats to greentennial!!!!
Sana sa susunod Strider na kunin nilang timer :s
kahit ako wala sa list ng 21k finishers. anyare? saka ipost nyo na ang mga photos.
ito na yung nakita ko na magiging problema kung binibigay agad yung FS kung 1st 50 lang ang bibigyan…..di ibig sabihin pag nauna ka sa finish line mas mabilis ka na sa iba.. kung ganito yung basehan dapat wala ng oras na susundin…. next time kung ganito yung system na limited lang yung meron FS o Commemorative shirt dapat for pick up yung shirt after na mailabas yung race results.
Maraming salamat sa organizers sa isang matagumpay na race.
Mga Fellow Runners – Tama naman po ang pamimigay ng medals at give-away shirts. Konting understanding na lamang po.
Kung mababatid po ninyo ay dalawa po ang partners sa race na ito, ang mga estudyante na medical students at ang government sa pamamagitang ng Edsa People Power Commission.
Ang nag-shoulder po ng expenses dito sa race na ito ay ang mga estudyante bilang original and main organizer, ang EPPC po ay tumulong ng malaki sa pamamagitan ng resources tulad ng ambulances, security, firetrucks etc.
Ngayon, dahil maraming government agencies ang nais makipagkaisa sa anibersaryo ng People Power ngunit ay wala pong ‘ agency budget’ para iRegister ang bawat participant sa standard race registration fee ay nagmagandang loob po ang EPPC na magprint ng sariling race number WITHOUT the pricey timing chip and singlet para ipamahagi sa govt personnel. This way, hindi na po naipasan sa mga estudyante ang additional expenses.
Dahil dito, marami pong government runners ang nakatakbo at nakipag-kaisa sa diwa ng patakbong ito. Marami rin sa govt runners ang mabibilis at nag-Cross ng finishline ahead of others. Therefore, maaring sa listahan ng race results ay pasok ka sa first 25 o first 50 ngunit sa actual ay marami pang nauna sa iyo na govt personnel.
At dahil sa diwa ng PAGKAKAISA, no distinction ang pamimigay ng medals for the first 50 male and first 50 female. at give away shirts for first 35 male and 35 female, whether estudyante o govt employee, bata o senior citizen o may kapansanan o strong finisher ng running community.
Sa Run For Juan last sunday, nagkaroon po muli ng PAGKAKAISA. I hope nakatulong po ang pagpapaliwanag kong ito. Kudos to Greentennial for a very organized and creative race. Sincere apologies for the inconvenience caused.
Mabuhay ang Edsa People Power. Mabuhay ang Pilipinas.
okay naman sa pangkalahatan ang race, yong hydration perfect ang hindi lang maganda yong timer hindi sya automatic pag dating sa finish line may kumukuha ng time chip tapos saka i-punch, 2nd yong pinangako nila na medal para sa first 50 male and female hindi natupad pili lang ang binigyan pati yong top 25 daw na finisher shirt all category pili lang din ang binigyan, nasabi ko yan kasi pang anim ako sa race 10k pero kahit isa walang binigay sa akin, nag tanong ako kung bakit wala akong medal sagot sa akin hindi daw ako umabot awts…
ayusin nyo naman yung race result… bakit naging 2:05 ako sa 21k samantalang ang kasabay ko ay 2:03 nauna pa ko sa kanya. bakit nagkaganun…bakit nagkaganun….
ang lungkot naman ng race results natin, perfect na sana ang run event na to, sa result lang sumablay.
Hay nako.. pangit na nga ung medal.. wala pa ung name sa race result.. FYI, madami pong runners na wala sa race result..bat kinuha yung timing chip sa finishline.. parang wala kasi atang timer detector dun..
haba pa explanation kesyo nagprint daw ng sarisariling bib nung mga govt employees..
ang best na gawin nyo nalang ayusin nyo Race result!
An honor to run with the armed forces and the police force
sablay nga po race result..4 kming magkakaibigan n tumakbo ng 3k..nag podium ako..pero sa result nauna pa ung fren ko na pinakahuling nkafinish sming apat!..haistz! bkit po gnun?!..eto pa! pagdating ko sa finish line nung kinuha name ko pangalawa ako pero nung mag-award naging first ako sa barefoot ni di nman ako nag-barefoot tpos nilapitan ako at sinabi na di daw ako ung nag second ako daw ang 3rd!..nu ba un?!..ei..kitang kita ko ung nag first sa unahan ko at wla nman ng iba! haaaaayz tlga!..;(
Greentennial Run again has trumped the competition, it is no joke to close a major portion of EDSA for a fun run (the EDSA Extension inside the Mall of Asia does not count). Expect the team to repeat this fun run next year with the same concept.
https://servssports.wordpress.com/2013/02/25/juan-finally-runs/
It is not everyday an ordinary Juan can run on EDSA without the fear of getting caught for jaywalking or getting hit by a bus.
Nakakainis talaga ang runningmate timing system. pag runningmate ang daming sablay.
guys, remember na ang race organizer at ang timing system provider ay MAGKA-IBA. Subcontractor ang timing system. Hindi kasalanan ng race organizer ang kapalpakan ng timing system. Kung may concerns, sa http://www.runningmate.ph tayo magreklamo.
Nakita nyo ba website ng runningmate? TATLO ang event nila last Sunday. VitaPlus at Plaid Run, meaning spread thinly ang resources nila specially ang sensors. Kapag isang event lang hawakan ng runningmate ay maraming sensors nakalatag sa starting/finishline, may first wave of sensors sa harap at may second sensors sa likod. Pag dumaan ang runners at hind nahagip ng first sensor ang timing chip sa bib ay mahahagip naman ng 2nd sensor. Kaso dahil tatlo-tatlo ang races ng runningmate timing chip provider, isang wave lang ng sensor ang dala nila. At since isang wave lang ng sensors ang dala ng runningmate, daming inconsistencies sa result. Imagine, almost all 21K runners ang ending ng result say .40 seconds? Ano ba naman ang kinalaman pa ng race organizers sa technicality na yun ng timing system subcontractor.
Runningmate, sana paisa-isa lang accept nyo ng trabaho para maayos timing system nyo, ang nasisisi tuloy ay ang race organizers. Buti pa ang Strider Itemhound timing system, mas reliable.
remember also na ang RESCHEDULED lang itong event na ito, dapat last January 6 ito diba? Meaning na ang kumuha sa runningmate ay hindi ang Greentennial kundi ang previous na race organizer na palpak nga, kaya ang Greentennial ay inabutan na lang nila na ang runningmate incorporated na sa bib. Ang alam ko hindi na nga kinukuha ng Greentennial ang runningmate kasi nga palpak. Sa United Colors of 88 ng Greentennial ay Strider Itemhound na ang subcontractor nila sa timing system, mas maayos naman di hamak.
Nakakatawa nga yun result, yun 2 na kasama namin na tumakbo sa 10k pareho ang time samantalang 20 minutes ahead yun 1 ng dumating sa finish line. Ako naman sa 21k 2hrs50mins ang time ko pero sa polar gps ko 2hrs26mins lang.
pwede po yung mga picture naman ang topic natin?? sana po may maglabas na ng pics…thanks!!!..
great race. My review on it:
https://runningfatboy.blogspot.com/2013/02/run-for-juan-aka-run-on-edsa-21km.html
Marami ng pictures ang naglalabasan. Check nyo sa Greentennial Run Full o kaya sa Running Photographers page sa Facebook.
@JDV #78 As organizer, it is Greentennial’s responsibility to ensure that everything is in order. Kasama na dito ang timing system. Ika nga, command responsibility! Bakit hindi sinigurado ng Greentennial na kumpleto at sapat ang resources na ibibigay ng runningmate for the event?! Ang lagay ba e lahat ng magaganda sa Run for Juan dahil sa Greentennial, pero yung palpak abswelto sila?! Hindi tama yon!
Masyado kayong perfectionist. Huwag nang magreklamo kung naorasan niyo naman ang sarili niyo at alam niyo ang finish time niyo. Hindi naman siguro kayo concerned sa finish time niyo sa official results para lang ipagyabang na ambibilis niyo. Kung na-reach niyo naman ang goals niyo sa takbo noong Linggo e palipasin niyo na. Sh*t happens, kahit sa most experienced organizers at sa runs nila.
@Jessa #83 Siguro ikaw hindi concerned sa finish time. Pero marami dito interested sa FT nila. Karapatan ng mga nagbayad na runners na punahin ang mali-maling race results. Lalo na at kasama sa binayaran ng runners ang timing chip. True, sh*t happens pero hindi ito excuse. Maiiwasan ito kung mas pagbutihan pa ang paghahanda.
For the record, hindi ko masyadong pinoproblema ang aking official FT lalo na at mas mabilis pa nga ito ng mahigit 2 minutes compared sa actual. But it doesn’t change the fact na mali-mali ang race results. At nirerespeto ko ang karapatan ng mga runners na magreklamo.
In the first place, nag-expect ba talaga kayo na magiging okay ang official results kung Runningmate ang ginamit? Ako hindi. Ilang beses ko na ring naranasan na may palpak sa kanila (usually hindi naire-record ang finish time ko). Opinion lang pero ‘yung previous organizer (APMC?) nga siguro ang kumuha sa Runningmate para mag-time sa runners at hindi ang Greentennial. At dahil under contract na siguro ang Runningmate e hindi na magawang palitan ng Greentennial.
Para bawas problema e orasan na lang din ang sarili kung gustong malaman ang finish time. Kahit sa Runrio nagkakaproblema ang timing system kahit pa D-tag ang gamit.
Govt- runner, sir, tama ka na walang budget ang bawat agency for certain runs like the RUN FOR JUAN.. even yung CIVIL SERVICE RUN eh walang budget..sana nasabi ng organizer na pwede pa lang tumakbo na walang chip ang goverment personnel o even singlet para lang makamura. kasi ako i work in the goverment but i try to make a point na meron akong budget sa run na sasalihan ko. Wala din atang ginawa ang EDSA Commission para maipromote ito sa mga agency.. I personally ask an govt employee ng isang agency na tinayo para sa corruption ng mga marcoses di sila aware sa run na ito…malapit ang opis nila sa venue at halos parehas sila ng anniversary ng EDSA….. Sana lang nabigyan ng halaga yung mga nagbayad ng tama lumalabas na naman kasi yung tingin ng ibang tao ng ang GOVT EMPLOYEE eh meron special na linya. SA DFA pwede ang priority line pero sa run na ito taong bayan sana ang inuna ng ORGANIZER.. Sa EDSA COMMISSION, sana na gastos ng tama ang budget.. maraming agencies ang di aware dito na willing mag join.. kung nasabihan lang at nabigyan ng discount gaya ng mga men in uniform.
Photos po:
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.310344975754380.68011.273540879434790&type=1 and https://www.facebook.com/media/set/?set=a.311915985597279.1073741825.273540879434790&type=3
@Jessa You are missing the point. Kahit na inorasan pa ng runner ang sarili niya it still doesn’t change the fact na may mali sa runningmate. Kung may mali dapat punahin kahit paulit-ulit na na nangyayari ito para mabago. Kung ikaw ba may nakita na nagnanakaw hindi mo na sisitahin dahil dati na naman siyang nagnanakaw? Paano mababago ang mali kung mananahimik na lang tayo lahat?!
@SoloRunner
Since you complain a lot, what solutions can you offer and actually implement?
@Jessa. Again you missed the mark. I’m only complaining a lot about YOU because you are hitting on runners who are expressing valid complaints. Para kasing pinapagalitan mo pa ang mga runners sa pagrereklamo nila, hindi naman sila ang pumalpak.
Since you are asking for solutions, here’s one. Make sure timing devices are working perfectly before the race. Claiming a malfunction during the event is nothing but a lame excuse. If they can’t guarantee the performance of the devices come race day then might as well do away with the timing chips and reduce registration fees. Making runners pay for something that cannot be delivered is a rip-off.
Now, let’s hear your wise recommendation besides asking runners to just time themselves.
@SoloRunner
Your arrogance is off the roof. Okay, you win. I hope it does something good for your bloated ego.
daming fanatic ng greentenial… good job pa rin kahit may mga aberya… kuhang kuha nila kiliti ng mga runner. from freebies, photobooth, medals, jacket at kung ano ano pa… pero ung mismo basic like timing sablay…
Nung subic marathon, pumalya ang timing system nila, but they were prepared for it. Nag base sila sa video recording sa finish line sa pagkuha ng result. Dapat laging may backup plan kung magfail ang timing system.
bat ganun ung result nakakainis naman wala man lang pangalan o number ng runner i wanna know kng ano na progress ko antay antay ko pa naman nakakakasar naman!
Pang, Thanks for the Race kit and the Singlet! My first barefoot race and to win first place in the 21k Barefoot Category.
Thanks to WGR Coaches – Coach Mherlz Nava Lumagbas, Coach Bob Tolete, Coach Ryan Moral and Coach Ryan Maranan.
Congratulations to the following Podium Finishers:
Ron Nills – 2nd Place, 21k Barefoot Category Male
Mommy Ems Nills – 1st Place, 21k Barefoot Category Female
Ces of Team Soleus – 2nd Place, 21k Barefoot Category Female
Icar Hiponia – 3rd Place, 21k Barefoot Category Female
Rhina – 1st Place, 10k Female
Iris – 2nd Place, 10k Female
Ryan Maranan – 2nd Place, 10k Male
Mommy Cleo – 1st Place, 5k Female
Kaiks: It’s great seeing you! XOXO
Pinoyfitness Rocked the Run for Juan 2013!