Condura Skyway Marathon 2013 – Results Discussion

3306
Condura Skyway Marathon 2013 race results and photos
pf-condura-2013 (Medium)

Congratulations to everyone that participated and conquered the Condura Skyway Marathon 2013 at Skyway, Filinvest City in Alabang! Thanks to everyone who dropped by the Pinoy Fitness Booth! Time to share your feedback and experiences about this event here!

Condura Skyway Marathon 2013
February 03, 2013
Skyway, Filinvest City in Alabang

Race Results:
[download id=”805″]
[download id=”806″]
[download id=”807″]
[download id=”808″]
[download id=”809″]

Full Results -> Click Here

Photo Links:
Official Condura Skyway Marathon 2013 Photos – c/o ActiveMoments.net

Advertisement

Condura Skyway Marathon 2013 by Vampire Runner of Team SCR – [ SET 1 | SET 2]
CONDURA Skyway Marathon 2013 by manghusi PhotoShop – [ SET 1 | SET 2 | SET 3]

(Submit Your Album)

Are you a Photographer? Submit your Photo Links here – Click Here

Photo links will be updated here as they become available! Feel free to share your comments and feedback about the event below.

Visit -> https://shop.pinoyfitness.com

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

171 COMMENTS

  1. @ Jules28,

    Parehong accurate, depende sa usage.

    Gun time refers to the ‘tip-off’ ng run, whether Wave A ka or Wave F. (Pag Wave F ka, start na ang time mo kaagad pag simula ng Wave A.)

    Chip time refers to your ‘physical’ start, meaning pag-apak or pagdaan mo sa sensor platform, dun pa lang simula ng timer mo hanggang matapos ka sa finish line.

    Kaya mapapansin mo na palagi mas mataas/matagal ang gun time kesa chip time ng isang runner. =)

  2. To: Bugsy10kRunner

    wala naman akong sinabing hindi kayo napapagod. Sabihin nating tama naman may kanya kanya tayong kakayahan… pero ang kakayahan ay napaghahandaan. Kaya nga may tinatawag na trainings prior to the main event para alam mo na what are you are capable of doing. Kung madali ka namang mauhaw eh di sana nagdala ka ng sarili mong hydration bottle. Isa sa mga rules sa running na wag basta umasa sa hydration stations.

    Pero in fairness sa organizers ng Condura, wala silang pagkakamali sa hydration stations kaya nga napapailing na lang ako kung bakit may ilan akong nababasa na reklamo regarding hydration stations.

    Saka even before the event ang daming tips ni Sir Ton Concepcion regarding bring your own water bottles for safety. Ngayon kung hindi kayo nagdala at umasa lang kayo sa hydration station. ito lang masasabi hindi lang kayo ang nauuhaw. first come first serve, hindi lang kayo ang runners. Sa sobrang dami ng runners may posibilidad talaga na magkaubusan ng tubig. pero sa 42km na tinakbo ko na daanan ko na halos 1.5-2km my hydration station.

  3. Fantastic, for a first-timer, just finishing the run is a big achievement.A very Helpful first aider by the name of andrew gave me a stretching even if I did not ask for it. Thanks Andrew.Met my Friends Spongebob and Val, made some new friends like Kent also a first timer like me in the 42 K category. Thanks and Good Job for the organizers of Condura Run.

  4. By the Way, where are the Kenyans? While running I overheard this guy talking out loud. A kenyan was trying to buy his ticket for 3,000 K plus a mizuno shoes. Guess they had other engagement abroad and where late in registering.

  5. Nakakainis lang talaga yung ang ganda na ng race event ang dami pa ding reklamo ultimo yung red shirt ng organizer… ANO BA GUSTO NIYONG TAKBO???? KAINIS LANG!! Mag training na lang kayo kung ganyan!

  6. Re chip time and gun time, hindi daw magiging ‘race’ ang event, kundi magiging ‘time trial’ kung chip time ang gagamitin as official ranking. ;)

    Siguro puwede ko explain ng ganito, assuming chip time ang official time:

    Meron Wave A hanggang Wave F. Nasa Wave F ako dahil late registration ako. Sa raceday, tumakbo na lahat mula Wave A hanggang Wave E. Nung kami ng Wave F, hindi muna ako tumakbo. Hinayaan ko muna lahat ang mga kasama ko sa Wave na mauna na. Nang maluwag na, tsaka lang ako tumakbo. Ang sarap diba? Wala akong kasabay, walang siksikan, walang taong hinahabol para maunahan – ang bilis ko! Ayun, ako ang nanalo dahil ang bilis ng chip time ko!

    Ngayon, assuming uli na ganun lahat ang gagawing tactic ng bawat runner, ano kaya ang manyayari?

    Kayo na po ang bahalang mag-conclude. =)

    Point is, ‘race’ nga siya. Unahan diba. Parang pilahan sa sinehan. Sino ang mauna siya ang makakakuha ng best seats in the house, ika nga. Ergo sa race registration, it also applies na ‘daig ng maagap ang masipag.’ Pero it is also assumed na elite ka dahil ikaw yung unang nag-register, na equivalent na ikaw ang unang pumila sa starting line.

    Basta isipin niyo na lang na kahit sa anong sitwasyon, yung nauuna ang nagagantimpalaan. Walang gender, walang kulay, mayaman o mahirap… patas lang ang laban. Basta unahan.

    Huwag po kayo magalit sa akin. Ine-explain ko lang yung mga nakuha kong impormasyon sa web at gusto ko lang ipamahagi sa inyo. Parang ganyan na po ang general explanation kung bakit gun time ang official time kasi.

    I placed 166th overall out of 3442 runners in the pikermi event. Top 5%! But I am not exactly very happy kasi I know na Wave A kasi ako kaya lang mataas ang ranking ko. Pero actually, I’m not a fast runner to worry about it (gun time). Kaya chip time lang is all I care about. But just the same, I always aim to become faster every race na sinasalihan ko.

    No further comment na po ako tungkol dito.

    CONGRATULATIONS to all who participated in this event. I had a blast. The best ang atmosphere! See you all next year!

  7. great race! though i was hoping they placed 100 plus on an earlier mark or alternate siya bawat water station.. sa mga naka experience ng kakaibang feeling sa 100plus, tip lang.. try researching sa future events what sports drink they will offer then try drinking it sa practice run so you can adjust =) gun time = podium/ranking chip time = your personal record. =)

  8. Sufficient hydration, if you felt like they’re few and far in between…there’s something wrong with your expectations and probably training. I k kw there’s clamor for finisher’s shirts, but this is a run for a good cause…yung pambili ng tshirt ok na sa Mangroves mapunta.

  9. I agree with Angel.d.saint, but to satisfy your urges, export the PDF file as XLS and sort based on Gun time. Un lng po, peace!

  10. From Condura Skyway Marathon FB page:

    “Good morning, Runners! Are you all recovered? We will be posting the race results by chip time within the day. Please bear with us and thank you for your understanding.”

  11. ang lalaki naman ng problema ng mga nagrereklamo kung bakit guntime ang ginamit sa overall ranking.

    ipagmamalaki pa ata yung ranking kaya gusto chiptime.

    kahit saan namang race guntime ang ginagamit. ako hindi ko pinapansin ung ranking ang mahalaga sa akin ung oras ko lng kung nabeat ko ba ung PR ko.

    and kada race hindi pareparehas ang sumasali

  12. actually guys nung ni-release nila ung results sinabi din nmn nila agad na mag rerelease sila ng by chip time ang ayos. kung nagbabasa lang ba kayo eh :-)

  13. downed by flu,on the am of feb 2,thnx paracetamol,recovered on time,konting rest pa b4 midnight,then go,glad finisher p rin and still conquered the skyway despite those body pains, well organized event,congrats..

  14. @vicoy (comment#91)

    Sumakit kasi bigla tiyan ko at nahihilo sa last 10kms, wala naman akong naranasan na ganun sa 2 previous marathons ko(gatorade at pocarri yung pinamimigay nun una at pangalawa)

    wala naman akong problema sa distance ng every hydration station at pamimigay ng banana since pinaghahandaan ko naman talaga na ganun. Yung lasa at ang acidity ng 100plus ang problema ko.

    Dami ko nareklamo nabasa with regards sa 100plus sa previous editions, and I hope next year mapalitan na yun ng iba.

  15. for 42km route, bananas and 100plus were given after 21km mark. these should be given earlier. ubos na ung gatorade ko sa hyrdation belt, tubig parin ung binibigay. well, those are just in my opinion and only my negative points.. overall, a very good race. this will be my annual marathon event. just a suggestion, replace 100plus with other non carbonated sports drinks (i know 100plus is a major sponsor of condura). Have heard a lot of runners burping a few meters after the hydration station =D

  16. overall maayos ang 42k condura marathon except doon sa finish line ..tasting the sweetness of the hard eaned endorphins..ng bigla sitahin ng babae na maikli ang buhok na bawal daw mag stop doon..parang nag nagtataboy ng sidewalk vendors..very abbrasive ang vocal tone..bakit ganun..nakaka badtrip..pwede naman sabihihin in a nice way di ba… yun ba talaga ang pag orient sa kanila?

  17. well kung gusto nyo finisher’s shirt sana 42k tinakbuhan nyo..h’wag na kayong mag expect kasi alam nyo naman na walang finisher’s shirt nung nagbayad kayo ng 21K..di pare-pareho binayad natin, kasama sa binayad yung finisher’s shirt sa 42k that’s why expensive…kaya iba-iba din size ng medal kasi iba-iba ang entry fee….mahirap bang intindihin mga ka-runners?

  18. puro kayo reklamo. maayos ang patakbo. masyado kc puro asa sa mga power drinks. nxt tym saging at tubig lang inumin nyo para mas lumakas kyo. pag nag ultra trail at road kyo di uubra yang mga reklamo nyo. disiplina at respeto ang lulunukin nyo 4 sure.

  19. bakit ba kau nagtatalo-talo jan??? e pare-pareho lang nmn taung nag-enjoy sa CSM… kung may mga reklamo kau sa hydration ng CSM, sana next tym magdala kau ng sarili nyung tubig/energy drink, hydration belt solusyon jan… ang hirap maghanap ng sponsor mga pre! kaya magkasya tau kung anung meron… sa totoo lang, hnd nmn magbabago ang bilis ng takbo nyu ke energy drink o 100plus o tubig ang nakahain sa race… kahit SHELL V-POWER pa ihain nila jan ganun parin speed natin… ang solusyon jan,,, TRAINING!!! buti nga may tubig at 100plus eh!!! wag po taung maxadong maselan!!!

  20. Huwag niyo namang tirahin personally ang reklamo ng iba. Opinyon nila ‘yun, at entitled sila doon. Learning experience din ‘yun para sa kanila pati na rin sa organizers (at pati na rin sa atin) para mas mapaganda pa next year ang patakbo nila.

  21. A lot of “FIRST” happened on this date: Feb 03, 2013….

    It is my first Skyway Run..ever!
    It’s my first 42K Run!
    It’s my first marathon that I almost entirely pray to God to finish the whole marathon without getting injured.
    And I even tagged this marathon as “42 at 32″… Next year, it would be “42 at 33” na!

    Very organized event. Di nagkulang sa hydration station at portalest which is two of the most important necessities.

    OK lang kahit medyo ‘pricey’ yung fee… kasi nakikita naman natin na effort talaga patakbuhin ang event at nakikita naming mga runners na sulit ung binayad namin. KUDOS to the whole team! HINDI NASAYANG ANG BINAYAD KO.

    Until my Second Full Mary… I’ll see you all!

  22. @Jules28 no worries.. basta kung masaya ka sa time mo ok na yun.. Gun Time talaga ang official time. Pero kasi ako chip time lang pinapakialam ko kasi yun yung personal time ko nga. :)

    Live.Love.Run.. Peace po sa inyong lahat!

    Picture pleeeeease! :)

  23. konting antay lang sa mga litrato guys. di ganung kadali ang pag aupload at pag tatag ng mga libo libong litrato natin. chill lang :-) pati sa mga atatur sa chip time based ranking.. wait ka lang din. nakuu at sa mga nagtatalo tungkol sa hydration…tama na yan. ibaiba naman tayo. sana lang marinig ng mga organizers ang mga hinaing at saloobin ninyo

    peace tayo kapwa mananalbo!

  24. getting better each year! i ran my first half mary and it felt great kahit na masakit pa rin up to last night ang thighs ko, hehehe. small price to pay.

    mas ok than last year. my gripe last year (10K) was maraming excited sa gun start, then pag dating sa ramp biglang puro naglalakad wala kang madaanan. this year lahat ng kasabay ko tumatakbo paakyat ng ramp.

    God willing i’ll do my first marathon with condura next year. No excuses, 1 year to prepare.

  25. enjoy the RUN.. CHIP TIME at GUN TIME.. figures lang yan… ang mahalaga natapos natin ng maayos at safe ang RUN na ito….. My 1st Half Mary….. nameet ko yung target ko… official time base on chip time 2:01:16 ata…. tnx sa CONDURA

  26. The best! and to my idol,, Runner 52113,alternated tailed and overtook her for 5km,, but she was way too fast for me.. maybe next time. :) Till next race

  27. The Official winner in any race is the one who crosses the finish Line first –whether you start at the beginning or back of the pack( as in running)/peloton(as in cycling)/grid (as in F1). So If you are targeting to win or a podium finish, you should position yourself at the very front of the starting line. In this case, you also have to register early so you get positioned in Wave A. Unless the race official (on race day) will willingly honor your claim when you state that Im competing/elite & they just put you in front willingly.

    If you review results of other reputable races (well at least those Ive seen previously), the ranking is based on Chip time. This is published post race. Thousands of runners running the SAME course, the SAME experiment. That is just it afterall. Chip time is therefore used to rank everyone as it is more meaningful in the overall picture.

    As such, it is possible for you to register the fastest chip time but not be the winner. On the contrary, you cannot be the Winner if you dont cross the finish line first among others — because the Official Winner is just the one that crosses the line the first.

    Takenote: I did not even have to explain gun time because it has no meaning other than to the person who won 1st place (& got the money & accolade).

    Good day to all.

  28. I sorted the 21K and 42K race results according to Chip Time. If you want a copy of the Excel file text your email address to 0917-5023149. Or maybe PF can upload it. Thanks and CONGRATULATIONS to all finishers.

  29. Sa mga kapwa ko 42k finshers, saan daw po nka upload yung finisher’s solo pics n kinuha ng mga lady photographers right before claiming the 42 k finsher’s kit? katabi lang po ng 42k finsher’s kit tent yung pinagkuhanan ng solo pics.. anybody knows po? pa share nman po link kung meron na.. thanks in advance..

  30. dahil sa Chiptime na yan. Bumaba ako from rank 25th sa Guntime to rank 27th sa Chip Time. Bwahahaha. Pero buti na lang sa Age Category nasa Top 10 pa rin ako. :-) Tagal lang nung official pictures.

  31. Conquered CSM 21k with PR. It pays talaga pag may regular training. Comment ko lang sa medal eh dapat sinasabit sa finish line at hindi kini claim sa booth. Understandable sa 10k down kase libo libo ang tumakbo and they have limited manpower. Sosyal ng saging! Dole pa. Ok lang tubig sa hydration basta malamig na malamig hindi fresh from the box.

  32. Sa Lahat:

    Mga sa tingin ko ay dahilan bakit konti or wala kang picture:

    1. Mailap ka. Sa sobrang bilis mong tumakbo eh kahit camera ay sumuko na sayo. The Flash ika nga.

    2. Masyado kayong marami. Di ka nahagip ng camera.

    3. Nagcocooldown pa yung flash devices ng camera ng mga Photogs kaya di makapagpicture agad. Madilim din kasi kaya need din ng flash ng iba nating kaibigang Photogs.

    4. Camera-shy ka.

    5. Hindi nakalagay sa TAMANG LUGAR ang Bib mo kaya hindi ka na-tag sa mga pictures. Tandaan. Ang bib dapat nasa harap at nasa may bandang tiyan. Hindi yan pantakip sa kung saan mang nakaumbok, harap man or likod.

    6. Di ka man lang nag abala na pumila sa mga photo booths.

    Mga Tips para may picture ka na sa susunod na takbo mo:

    1. Maghanap ng cameraman at ngumiti. Panget naman tingnan kung may picture ka nga pero nahagip lang ang kalahati ng katawan mo. Huminto ka. Mag pose at ngumiti. Wala pang 3 seconds yan. Kung may hinahabol kang PR at wala ng time para mag picture picture, wag ka ng mag expect ng picture. Para lang yun sa mga nagmumuni muni sa daan, mga recreational runners kumbaga. Ngumiti. Alam nating pagod ka na. Pero ngumiti ka pa rin. Wala namang mawawala kung ngingiti ka. Panget tingnan sa picture ang taong nakasimangot. Pagod na nga, nakasimangot pa. :)

    2. Ilagay ang Bib sa TAMANG LUGAR.

    3. Magtyagang pumila sa mga photobooths.

    4. Magdala ng sariling camera.

    5. Kaibiganin ang mga Photogs para makapag Jump Shot paminsan minsan. :)

    Yun lang mga kapatid. Mabuhay ang mga Pilipinong Mananakbo. :)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here