Unilab Run United Philippine Marathon 2012 – Results Discussion

1735
Unilab Run United Philippine Marathon 2012 race results and photos

Congratulations to everyone that participated and conquered the Unilab Run United Philippine Marathon 2012 at SM Mall of Asia and BGC! Time to share your feedback and experiences about this event here!

Unilab Run United Philippine Marathon 2012
October 28, 2012
SM Mall of Asia and BGC

Race Results:
[download id=”759″]
[download id=”760″]
[download id=”761″]
[download id=”762″]
[download id=”763″]
[download id=”764″]

For complete results visit -> https://unilabactivehealth.com/rununited/

RUPM RunPix Analysis -> Click Here

Advertisement

Photos:
Run United PM 2012 Photos – [SET 1 | SET 2 | SET 3 | SET 4]

Photo links will be updated here as they become available! Feel free to share your comments and feedback about the event below.

Visit -> https://shop.pinoyfitness.com

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

305 COMMENTS

  1. @tere
    oo nga tere “803” mali me! hanap ako ng hanap ng 830,pero nakita kita along roxas blvd una sa bridge ng edsa roxas at sa may ccp complex. Tinatawag kita “tere” 3x kaya lang naka headset ka pero deretcho lakad takbo mo.Ang ganda mo pala, malaking babae at maputi!

    @Mark-runner_ph
    Trainer ask ko lang ilang araw ba ang recovery ng FM?Sa HM kasi 3days,tama ba?

    God bless us all runners!Run safe and avoid injury!

    P.S. LOVE YOU ALL RUNNERS!

  2. sana kinuha mo yung name @kuracha minsan kasi maraming ring bastos sa mga staff and crew. dati may nag reklamo regarding finishirt sizes yung pala tinatago lang nila yung mga maliliit kasi kung may matitira minsan nakakakuha sila. Ako nagreklamo before kasi yung nakuha kong finisher shirt instead na 21K finisher ang nakalagay sa likod, ang nakalagay “staff” so pwede pinapalitan nila yung mga finisher shirt.

  3. @tere 178
    ako nagbubuhos din ng tubig, usually every other aid station… Mas marami pa yung ibinuhos ko sa akin, kaysa sa nainom.

    @francis 184

    2009 ako nagsimulang tumakbo, pero 2011 lang nag-pickup ng pace. Actually october 2011 ko lang na break ang sub 2 sa 21k. Ang usual ko na 21k eh 2:10 to 2:15.

    Hindi ako nag TBR, unang takbo ko ng full sa QCIM 2010, hehe 5:15 ako . Nangako ako na aayusin ko ang sunod na full, kaya yung next ko eh subic 2012, ayun sub 4.

    May 2012 yung sunod ko na full, Kawasan Falls Marathon sa cebu, naka 3:52 ako doon at nagdecide na ako na pwede nang mag-attempt mag milo ng July.

    Nung Milo, yan yung PR ko na 3:43. Tapos ang kasunod na eh yung RUPM na 3:44 (sa relos ko ha).

    Sunod ko na full ko na eh sa Milo sa december, tapos sa tingin ko quota na ako ng 2012.

    Para ma supportahan yun mga full ko, meron akong 2 ultra, isang 80k nung April at isang 50k nung August. Dahil siguro dito, malaki na ang naimbak ko na mileage kaya kinaya ko yung RUPM kahit na walang preparation.

    Malaking bagay na nagconcentrate ako sa FM as my distance of choice. Iba kasi ang training ng 21 at ultra sa 42k. Kaya namimili ako na dapat yung mga events na salihan ko, eh para masupport yung goal ko na mabilis na 42k.

    Dati may kasama ako sa training, pero ngayon mag-isa na lang ako. Wala akong coach sa ngayon at basa lang ng books, internet, at forum (PF) lang ako kumukuha ng pointers at tips. Next year baka kumuha ako ng coach kasi meron pa akong isa pang target na sakto sa Milo July 2013.

  4. @abaca 204

    actually sir, 1 araw lang ang pahinga. Kailangan ng recovery run para makalog ang mga muscles at ma clear yung lactic acid buildup… masakit, pero kailangan. Habang tumatagal yung ngalay o “soreness” mas lalong mahihirapan ka sa recovery.

    takbo lang ng mabagal at maikli, huwag humarurot. Kahit brisk walk ok lang. Stretching lagi para hindi tumigas ang mga muscles. Take time for warmup and cooldowns.

    Pero kung injured, problema talaga. Kaso ma-injure ka lang naman kung nabigla ka at hindi prepared. Kaya sa experience ko lang, importante talaga ang training. Hindi yung results, time o distance ng natakbo… yung focus talaga sa training.

    Mas maagang magrecover, mas maagang makapag train para sa sunod na takbo!

    sana makatulong.

  5. RUPM will be one of the memorable races I had kasi comeback run ko ito sa halos isang taon kong hindi pag sali sa mga races. Medyo dyahe lang kasi medyo hindi maganda yung time ko.

    Namiss ko yung kalayaan flyover, namiss ko yung Ayala route at syempre Roxas Blvd. Medyo malayo din kasi ang Manila sa Laguna kaya yung early morning race medyo hassle para sa akin. dati kasi 21km usually start ng 5:00am if my memory serves me well. Kasi may araw na pag natatapos ako.

    Hindi ko rin masyadong gusto yung iba yung start at finish line kasi syempre additional stress din yun mahilig pa naman akong magisip, papano kung matrapik ako, papano kung maiwan ako ng shuttle bus, papano kung trapik na, or papano kung na injured ako tapos yung kotse nasa ibang location. Pero though hindi naman ganun yung nangyari syempre napaisip pa rin ako. hindi na nga ako nakatulog ng kasi sabi ko kailangang maaga ako sa MOA para maabutan ko pa yung shuttle.

    Na-amaze ako sa medal, 1 year akong walang race, so wala akong mga finishers medal for a year tapos yung na hahaha para naging pinagsama-sama syang medal sa laki. problema ko ngayon yung frame. pineframe ko yung mga medals ko para mas magandang pang display hindi pa maalikabukan.

    The hydration stations, ok naman plenty naman pero yung mga energy may halong tubig, tinitipid ba nila? naiisip ko siguro tinitipid nila para yung matira maiuuwi nila… i think isa sa mga reason na nakita ko, though hindi ko naman naranasan maubusan ng tubig or energy drink, eh yung mga bandits at mga bystanders nakikiinom din dun sa hydration tulad na lang dun sa kahabaan ng Roxas bdlg.

    Meron pang nagsusunog ng goma sa along Roxas bldv. Ang galing ng mga marshalls at traffic aide kasi kahit ako lang magisa yung tumatakbo hindi nila ako pinatigil para paunahin yung mga kotse kaya automatic direretso lang ang takbo ko.

    Masasabi ko na ITS NICE TO BE BACK, i hope to join more running events at sana mag mura, habang tumatagal pamahal na sila ng pamahal.

    Sa mga tatakbo sa TBR Dream Team Run sa Nuvali sa 11/17 see you. and train well hehehe. ;)

  6. @mark

    ganun ba dapat? palage ko kc gngwa pag HM, 2-3days rest taz kaen madami carbo & protein plus vitamins. nabasa ko kc mas bumababa daw immune system after a race. so sa pang 3rd or 4th day nko nagstart ule ng easy runs.
    question ko pla, ayos lng ba every week ang HM? gngwa ko kc ngaun combination ng 10k & HM every month.

  7. @alexis tama ka, kaya naubos ng mabilis yung water kasi madaming tao sa roxas mga bata mga nag exercise and tambay dun they get water sa mga hydration that time, hindi rin naman mapigilan ng mga naka asign kasi nagagalit yung mga tao inaaway sila pinabayaan na lang nila,

    nice to be back po.

    new runner lang po this my 1st HM 3months running 3rd event :)

  8. @abaca

    Joke ka sino maganda??? Kung sa roxas blvd. mo ako nakita, kahit di ako naka head set di na kita maririnig kasi wala na ako sa sarili ko (Actually start palang wala na ako sa sarili ko haha yung isang friend ko nag hi! ako walang masabi nag wave nalang sa sobra nerbyos) haha

    What time ka pala na tapos? Surprisingly kahit madami ako walk 7:10 hrs parin ako natapos. Akala ko mag 8 hrs ako sa sobra dami ko walk!

    P.S. Yung recovery depende yan sa pakiramdam mo, minsan kasi kahit 21k lang hirap magrecover kasi me na dali sa legs mo (ibig ko sabihin more than just muscle fatigue ang problem) Ako okay na legs ko, massage lang, and speed walking for the last couple of days. Pwede na ako tumakbo pero very slow lang. Usually (sa experience ko last 32k ru3) 1 week recovery, speed walking, then recovery run on the weekend, solid na!

    @Mark – runner_ph

    Malakas ako mag buhos kasi mabilis magheat up core ko, (mataba kasi) hehe pero pareho tayo last 5 km siguro pa sip- sip nalang ng water, (siguro dahil nasobrahan ako sa salt)

    Ngayun ko lang nabasa sa back issue ng FRONTRUNNER about Hypernatremia, yung too much salt in the body. Haha kaya pala pag cross ko ng finish para ako bloated na whale (nagulat yung family ko, pati ako nung nakita ko pics ko). Buti medyo nagsusubside na yung bloat, pero meron parin. Kaya pala at 22k parang nanghina na ako kaagad.

    Mahirap kasi estimate proper salt and potassium ratio pag mga long run, dapat mag experiement pa ako tungkol duon.

    Mark naka pag ultra ka na diba? Anu na races nasalihan mo?

  9. agree to some sentiments here regarding the fitting nung shirts… ung small sa loyalty shirt, maliit masyado sa shoulders, ung small naman sa finisher shirt, bitin ung length ng shirt… kakaiba ung fitting for the past unilab events… anyway, for donation na naman to for sure.. :)

  10. @ mark-runner
    ay oo nga pala si sir JONEL medoza, astig yun bilis kasi nya. hahhaa
    saan ko pwedeng makita mga pg organize nyang mga ultra races?

  11. tagal naman ng official result:-( bakit sa Milo, meron agad sa hapon. Kasama dapat sa process of organizing a race at part na rin sa “customer service” nila sa mga runners.

  12. @jerry

    Tumama kasi ako sa oras ng 8am-10am which can be very hot pag nasa roxas blvd. ka (ilang beses na ako nadali ng roxas blvd.) meron pa nga ako nakitang mga nanghina (even though buti medyo cloudy at that time, pero mainit parin) it’s protection against dehydration (kukulangin yung salt na nasa power drink, tapos madalas ubus pa yung power drinks)

    Tapos 7 hrs yung takbo ko, okay lang siguro wag mag additional salt pag 4-5hrs ka lang. Pero pag masyado kana matagal sa road, dyan na bumibigay yung body kasi abnormal na yung usage mo sa energy. hence the salt.

    Pero I think konti lang gumagamit ng salt sa 42k? Parang mostly mga ultra ang gumagamit ng salt sa road.

    Kung tama rin kasi ang gamit sa salt, it will prevent muscle fatigue, and stiffness. (first time ko din gumamit ng salt sa race, kasi 2 weeks na ako nahihilo before the event, salt and sugar lang pang contra ko.)

    haha ngayun palang ako magpapacheck up… kasi tulad ng iba natatakot ako na masabihan ng doctor “Eneng, wag ka muna mag marathon, magpahinga ka nalang muna” hehe

  13. @tere tnx sa info.

    ako bubble gum lng pangontra sa dehydration haha, ewan ko kung epektib senyo. nung nag sosoccer pa kc ako, un turo ng coach ko eh, pra mejo matagal mauhaw :)

  14. mga ate at kuya, ano kaya ang dapat gawin sa right knee ko, sumasakit kasi pag long run na, lalo na pag mashado ko nabe-bend yung right leg ko, parang may pilay sa may tuhod. pati na rin pag umaakyat ako ng hagdanan after run. kaya alalay lang lagi sa takbo para hindi kaagad bumigay. gusto ko pa kasi tumakbo ng 42k, im afraid baka hindi ko kayanin. so far, 15k pa lang ang pinaka malayo kong natatakbo. soccer player kasi ako dati nung highschool pa ako. baka nagkalamat na nung tumanda na ako. T_T

    • @ buknoy
      please rehab or ortho doctor. Wag mo pabayaan. Based on what happened to me, after running I thought ngalay LNG the usual feeling after we run. Binabayaan ko lng. it get worse. Meron na pa akong stress fracture. 2 mos akong bed rest as in, pag punta LNG sa banyo ang pag Tayo ko with crutches pa yun. No weight bearing kasi ang whole right leg ko. Pag wala naman diprensya bone mo, your rehab doctor will give you some exercises as theraphy

  15. @jerry 209

    depende kasi sa iyo yan eh. Kasi ako kung walang ginawa ng 3 days, 3 days din masakit at mabigat ang katawan ko. So usually 1 restday lang binibigay ko pagkatapos ng race.

    yes sir, after race talagang hihina immunity mo… ako usually nagkakasipon pagkatapos ng full… ngayon meron akong ubo :-O

    weekly HM, depende sa iyo yan. Sa akin ok lang sya lalo na kung pa peak ako ng training sa isang event… Depende talaga yan. Kung nagsisimula pa lang mag 21k, ok na ang once a month… eventually kung lumalakas ka na, pwede yung sabi mo ng alternate na 10k / 21k na meron 1 weekend rest sa gitna.

    Pero kasi hindi rin talaga ako nag rest sa weekend, tuloy pa rin ang takbo, wala lang event. At hindi pwedeng mas mababa ang intensity ng takbo kahit training run lang yon.

    @tere 212
    3 ultra na po nasalihan ko, 2 road at 1 trail… kaso hindi ko talaga forte ang ultra, conflict kasi ang training sa ultra sa pinili kong category (42k)

    ganito kasi, sa ultra usually 6 to 7min/km ang takbo. Kung mag training pa, talagang long run, eto yung mga napansin ko

    1. wala talaga akong oras mag train ng ganoong katagal. Pwedeng mag cascade yung mga races at gamitin yung previous races for future races, kaso ibig sabihin noon lahat sasalihan ko :-O

    2. Nung nag training ako sa 80k na ultra, ang peak namin nasa 65k na mabagal ang pace. Ang lumalabas, tinuturuan ko ang katawan ko tumakbo sa mas mabagal na pace. Yan tuloy nung bumalik ako sa pace na 4:30, kahit 10k hindi ko na magawa.

    mahirap talaga magka imbalance ng electrolyte sa katawan. Kaya ako inaalagaan ko yon dahil ospital talaga ang bagsak eh… BTW, gross pero tinitikman ko pawis ko… Kung masyadong maalat ibig sabihin dehydrated ako.

    Kaya ako, iwas na sa supplements. Rely na lang ako sa Gu at powerade para ma supplyan ako ng tamang dami ng electrolytes. BTW, kahit tubig inumin mo, basta balanced ang dami at timing ng paginom, kahit hindi ka na mag additional na electrolytes.

    Nawawalan lang tayo ng electrolytes kung pumasok na ang dehydration. Sobrang nagiging concentrated na yung nasa dugo, kaya ang response ng katawan eh ilabas sa pawis. Ang problema, kung uminom ka bigla, magiging diluted na sya masyado ayun trobol na… cramps. Kaya ang solusyon ng iba, kumakain ng asin.

    Ako parang ok na sa akin yung isang gulp ng powerade kada water stop. Hindi ko inuubos kung marami, kung ano lang ang kaya ko sa isang lagok.

    @Team.BenEds 213

    hehehehe sorry pre, ako na lang siguro ang mangilan ngilan na walang account sa FB. :-P

    @titanium 216
    eto po blog ng frontrunner

    https://frontrunnermagph.wordpress.com/

    andyan yung mga upcoming races nila

  16. Dati, pag nalaman mong RunRio organizer, relax lang ang run. Venue ang runrio event para makaPR, magenjoy, magPR, magenjoy at magPR pa.

    For some reason, sa 1st RUPM, nagfail ang logistics.

    Route: 7/10

    Sa 42k, ang dilim nung ibang parts ng route. Worse, hindi pa tinakpan ng kahit buhangin yung mga lubak. dati naman kaya nilang ilawan yun. Eto ako ngayon, nagnunurse ng sprained right ankle. After ng 2nd U-turn pa lang injured na, dahil sa lubak na daan, pero kailangan tapusin at deadmahin kasi may kasamang umaasang itawid sya sa finish line.

    Challenging route. Yun lang yung maganda dun. Bonus na yung naexperience mo yung pollution ng 3 cities. :)

    Sobra rin ng mga 1.2-1.4km ang route.

    Marshall: Meh/10

    The same u-turn area na may hydration, andami na agad nagswitch ng lanes. Smooth. Aga-aga niloloko na ang sarili. Well, nung nasa Roxas Blvd na at saka nasa Asean na, ,ayun, kunwari nakikipagusap sa kaibigan sa kabilang lane na na pabalik, tapos joinn na. Smooth. :) Kulang sa marshalls? or hindi sila napwesto ng maayos?

    Hydration: Mas-okay-pa-hydration-sa-ultra/10

    Pag RunRio, hindi ka mamamatay. Narinig ko dati yon. Pero ang aga pa lang wala ng tubig. After ng heritage park, may batch ng mga runners, yung mga nasa likod ng pack, na nakaexperience ng 3 or 4 hydration stations na wala man lang kahit anong tubig. We had to wait for the “parating na truck” para lang makatikim ng tubig. 4 station x distance interval/hydration station.Mga ilang kilometers din yun na walang tubig. At all. Tapos ayan na, paglabas na ng BGC, wala na rin powerade. Tsk. Andami daming hydration. Wala man lang maayos na panghydrate.

    Post-race: 5-para-sa-icebath/10

    At dahil nasa huli kami, syempre wala na kami maabutan. Hindi na kami makarelate. May banda pala. May village?Bat may bilihan ng payong? May hotdog ba? L/XL lang ang alam naming size ng finisher’s shirt kahit XS yung kasama ko na php1300 rin naman ang binayad at tinakbo rin yung 42.195km+ na route. Ano pala yung photobooth?

    Nakatulong yung icebath though. Swabeeeeh..

    —-

    Ngayon, sasabihin ng marami na balewala ang bad experience na to kasi nga 90% ng runners eh all-hail-runrio-yeheey sila. Pero hindi ba lahat ng runners, they matter? We matter? Lalo na kung pareho pareho naman lahat ng binayad? Mga short distance runners at mga runners na nasa faster pack ang nagma-matter kaya nakukuha nila yung 100% ng binayad nila? Pano yung mga baguhan? Pano yung mga na-injure? Pano yung mga hindi nagtrain at sumali na lang para kumita kayo?

    PS.

    Wag nyo pala ilalaglag medal. Natuklap nung lamination nung sakin nung nahulog. Bumigay kasi yung pako sa bigat. :D

  17. @boom comment 214

    sablay talaga sizing. naglabas sila ng chart di naman nasunod. tapos sasabihin nila iba daw kasi supplier ngayon. iniba ng unilab, di daw kasalanan ni runriot.

    pinakamaganda fitting talaga is yung RU3 finisher shirt.

  18. @Buknoy

    Pakita ka sa orthopidic doctor. wag mong pabayaan yang knee mo, hindi mo alam me damage na pala yan tapos tinatakbo mo pa mas lalo grabe yung knee mo.

    Pag wala nakita ang doc sasabihan ka nya rest muna, meaning no run. mahirap na magka problema sa paa, masisira a running future mo.

    Ingat ka, sana wala lang yan. Run safe! =)

  19. @Mark – runner_ph

    dati nga Mark di ko naman kaylangan ng salt at minsan lang ako nag power drink. pero ngayun hirap talaga. Napansin ko grabe sya nung nagheat training ako, akala ko kasi baka dahil mataba lang ako mas mabils ako ma dehydrate (grabe rin kasi ako magpawis) talagang nahihilo ako pagkatapos.

    Hay, sana malaman ko na kung anu problema ko!

    Anyway, astig ka parin kasi naka pag Ultra ka na.

    Mahirap talaga transition from slow to speed, speed to slow. Para kang nagsisimula sa simula. Kaya hirap din ako mag training ng speed, kasi nasanay na body ko working at a lower heart rate.

    Mas preferred ko nga water and bananas lang oka na, ngayun hindi na. =(

  20. @Mark.
    Thanks sa sagot mo sa tanong ko. Ang bilis mo pala mag improve ng finishing time. Siguro marami ka oras para mag train at bata ka pa. Siguro 18 to 24yrs old ka lng? How many times ka rin pala mag train in a week?
    Ako kasi I started running late 20s na. Ska I work at call center so mahirap din yung skedule. Nung March 2011 lng ako nag start mag run so wala pa 2yrs. I hate running talaga nung bata pa ako. Yung nag encourage sakin mag run is yung friend ko tapos yung crush ko na frend. Napilitan ako mag 21k. Goal ko lng nun matapos talaga. I finished it 2hrs 34mins. Less than my goal of 3hrs. May mga 1hr run din ako before that to build my cardio once a week.
    Tapos dami ko na sinalihan na 21k. pero yung mga time ko di masyado nag improve.
    Tapos ngaun RUPM lng talaga nag improve ng sobra which is 2hrs 18mins sa relo ko. Bali training ko is usually 30mins run lng talaga sa threadmill. Good for 5k run lng. heheh! Pero di pa ako masyado hingal nyan ha. Mahirap din kasi pag outdoors mainit eh. Pero before running I stretch talaga sobra. Tapos after running weight lifting naman. Medyo binawasan ko yung mga squats at deadlift to protect my knees. Pero I think that also helps talaga. Maybe next time.
    What is your training routine po? Do you also lift weights? squats? lunges? or deadlift?

  21. @ Ely comment 228

    maraming ganyan, hindi ka nagiisa.

    kaso pag naglabas ka naman ng saloobin sa page ni runrio inc e ibaban ka ng admin ng page…

    yung blogger ba na masungit yung admin nun?

  22. For all those complaining about the Loyalty shirt, Finisher’s shirt and Singlet quality. Is that your purpose for running? What’s your reason for joining fun runs? Are you going to quit joining fun runs for that poor quality of shirt? For me to join fun run is for personal achievement and for the fun of running. For Those loyalty shirt, finisher’s shirt and medal are just consolation na lng from the organizer.
    For the amount of 900 for 21k. Having a singlet, finisher’s shirt, medal, secured running route and hydration and having finishing timing for each runners is enough for that amount.

  23. @ Francis,

    I agree with your comment completely.

    However it doesn’t stop me, et al, from voicing out my opinion on some other specifics. I can’t and won’t let organizers rest on their laurels. It’s competitive out there, and it’s a little hard not to compare one from the other when one organizer, for example, produces better quality shirts/singlets than the other for the same or even lower fee. People usually look for bang for the buck – value for money.

    What is probably annoying to most is when an organizer who usually churns out better runs and value for money succumbs to complacency. I’m sure you wouldn’t want that to happen, would you? =)

    Running is my new-found passion, and all that I’ve mentioned actually won’t stop me from running away (no pun) from a relatively safe and healthy activity which helped me shave off more than 60 pounds of excess weight in just 6 months. ;)

    Remember, it’s just MY opinion. =)

  24. Amazing, they have not delivered the results as promised. Wow, what a surprise…not really, is typical…have the money in the pockets, so why hurry…right! yep

  25. This is the 1st time I joined a 21K run and I was so disappointed. Not only did they run out of water at the Roxas Blvd. stations. They also ran out of Medium and Large sized finisher shirt. Considering they have all our sizes in the registration. How can this have happened?

  26. @tere comment 232

    sa experience ko lang, mas madaling mag build up ng endurance kaysa sa pace. Sa ngayon, endurance ang target ko dahil potentially pwede pa ko mag cut ng 15 minutes sa FM time ko. Pero yun nga lang tamad ako mag long runs…

    Masakit kasi kung nasa pace na ang kailangan i-improve, pero mas maikli naman yung runs.

    Kaya naman kami nag ultra dati eh nadala sa mga kasabihan na longer is better… Saka hindi ko pa alam kung saan ako mag focus eh… Nalaman ko na ang favorite ko talaga eh FM, kaya ngayon doon na lang talaga. Hindi basta running eh kahit saan pwede na, kailangan mag specialize talaga. Saka yung time ang nag-papachallenge sa akin hindi distance. Kanya kanya talaga tayo na preference eh.

    good luck sa training at ingat lagi… takbo ba kayo sa newbalance ? balak ko mag 35 doon kaya mag dagdag ako ng 5 bago at pagkatapos. si abaca takbo din doon.

    @francis 234

    early 30’s na ako nag start tumakbo. wehehehe, malaking tulong din siguro dahil nung bata ako, fit ako dahil hindi pa uso ang family computer noon.. wehehehe lagi ako sa labas, multisport nga eh, takbo at bisikleta.

    Nag weights ako dati pang cross train… doon lang sa gym ng condo… focus lang ako sa upper, at core… Pero ngayon hindi na rin gaano.

    Ok din yung treadmill, kaso hindi talaga sya substitute sa road runs… kailangan mag adjust ng katawan.

    Focus lang sa training, at yung attitude na kaya mo pang mag-improve…

    Kung sumuko na eh, talo na tayo agad.

  27. @buknoy
    wag mo pabayaan yung knee mo. Please see rehab doctor or ortho doctor. Based on my experience, kala ko Lang stiff yung muscle ko after running pinabayaan ko lng. ayun pala stress fracture na. the worse nun 2 months Ako bed rest as in. Pag tatayo Ako may saklay Ako. after 6 mos of rehab I was able to run again back ulet ako sa 3k as advise by my ortho doctor, gradual daw lang pagbalik sa running. just take care of your knees.

  28. Got my firs 10k run! Thanks RUPM! :) pwede na kayo akong mag 21k in december? :) sa nov will run 2 10k and 2day sunday na magtrain.

  29. suggestion lang to organizer sana kung magbibigay kyo ng payong sana hwag ng pahirapan yung runners sa kakapila, biro mo kailangan mo pabutasan ng 12 times yung card para lamang maka avail nung payong, eh hindi ganong kabilis ang pila .

  30. I am a disappointed RU loyalist! Since my name wasn’t in your emailed Loyalty List I obediently followed your instructions. I did email a letter of complaint with complete infos and proof of all 3 RU 2012 runs attached. However, I did not hear a reply from your Organization nor did I find my name on your list last Oct.28 … so i was asked to verify my participations. WHAT THE H—!!!!! After pounding my legs to cover my first FULL marathon do you expect me to queue up for at least another hour & a half??!!! It was pure inconsideration and insensitivity!!! Though very much irritated and mad about your system, I decided not to throw away the euphoria I gained finishing my first 42k. I hope you reward us deserving loyal runners of our hard earned Loyalty shirt. ;(
    I wear an XS tshirt but what was left when I claimed my finisher’s pack (5:30min after gunstart) was a Medium. I hate this!!! The shirt is very pretty and well made but I cannot be a proud user of one that is so oversized. :(

  31. What happened dun sa mga 21k runners na nabangga sa Buendia? Tsk Tsk Tsk mabuti nalang nakaiwas ako sa baliw na driver na yun. Update pls kung nahuli yung driver!

  32. @mark-runner_ph : Salamt sa running tips mo. Natapos ko 1st FM ko na nakapamasyal pa ng konti. nakaramdam na ako ng cramps on 37 km kaya lakad takbo na ginawa ko. di ko nasundan pacing ko sa training medyo na-excite kaya medyo mabilis na agad pacing ko. then on 27km lakad lang muna every water station then hataw nanaman. ayun nakakaramdam na ako paninigas ng calf at leg ko on 37 km pero maayos ko natapos. Need your advice sana on speed training at paano maavoid cramps.

  33. i am disappointed sa 10K results. Nandun ung bib number ko at pati time pero name ko ang wala! Last run United 3 ganon din nangyari. tuloy hindi ko maclaim ung loyalty shirt kahit nag-email na ako ng info at nagtweet na ako sa @ULActiveHealth @coach_rio316. wala pa rin. ang systema nga naman….

  34. @mark-runner-ph

    Mahal na kasi new balance eh, duon muna ako sa mura until my training is finished… Kayamot parang gusto ko mag marathon sa condura huhu retribution for last sunday pero nangako na ako magtrain ng speed and longest distance would be 21k for the next couple of months. 12 midnight panaman gun start sarap! Huhuhu

    Condura…. Condura….

  35. @mark-runner_ph thanks sa mga tips! galing sir! pag nag oorganize ka na ng mga runs huwag masyadong mahal ha. kahit fnishers brief ok na ako. basta dri fit. hehe.

  36. @Mark-runner_ph
    Trainer thanks for the tip, ill try 1 day recovery. Wow! 1 day lang iyon?

    @tere
    Totoo nga “BEAUTERE” ayos may pangalan ka na sa akin.

    42km PR 6:23 safe and no inquiry, no powerade just gu gel, water and banana plus god bless me.

    God bless us all runners! Remember run safe and avoid injury!

    P.S. LOVE YOU ALL RUNNERS!.

  37. @Mark
    Thanks. Na amazed talaga ako dun sa bilis ng improvement ng finishing time mo. One of my goals since I started running 21k back in Mar.2011 is to have sub 2hrs time. Pero ngaun mag 2yrs wala pa rin. Ska nung bata pala ako asthmatic ako at nung nag start ako mag running. Pero ngaun nawala na rin sya dahil na rin sa running. Siguro isa rin yan sa factor. Ska bihira din ako mag long run in a week. I am running and training alone kasi.
    Ask ko lng po how many times do you run in a week? Ska ano average mileage mo in a week? Do you have any other sport aside from running?

  38. So disappointing. My name and bib number is not on the list. Runrio, kindly check my bib number 4229 21K. I arrived 2:59 Gun time. My chip time could have been much better because i recall I was around 15 mins late at the starting line but I did cross the lines with electronic timing sensors from start to the 10K mark til the finish line. I am really looking forward for this result and yet was not in the list.

  39. @abaca

    Joke ka talaga! Heat stroke lang yan… pag nalamigan ka at nakita mo ako ulet makikita mo ang tunay ko muka! hehe

    Nice time! Selos ako!

  40. pasaway na loyalty shirt na yan,pahirap talaga lahat ginawa ko nag email ako tapos wala rin nangyari kesyo ala daw ang name ko sa list nila pero ang totoo kumpleto naman ang ru1,ru2,ru3 hanggang rupm. hay buhay! dibali ok lang un.

  41. @bsp

    try emailing [email protected]. pero ewan ko lang ha. twice na ako walang results (go natural back in jan and ru3), nagemail ako for both times with pictures pa yun ha, wala pa rin nangyari hanggang ngayon. wag ka na lang magexpect. may problema yata si runrio sa pagaddress sa mga after run concerns. nakakadala na rin. kaya i keep my own time na lang gamit yung simpleng stopwatch. =)

  42. @quick 252
    Congrats pare! Masaya ako at kahit papaano nakatulong ako sa fellow runners. Tama yung gunawa mo na run walk tapos yung walk sa water stops. Minimized yung oras na nawala sa lakad dahil talagang maglalakad ka sa aid station.

    Normal na mistake yung masyadong mabilis sa simula. Talagang babawian ka nyan sa end game. Kaya kailangan relax ka lang dahan dahan mag speed up para hindi mabigla. Sa experience ko lang, no-no ang mag pr sa 21k split ng full.

    Sa speed training ginagawa ko intervals pero based sa hininga ko. Balik takbo ng todo bilis, tapos tigil kung puputok na baga mo. Weehe recover 1 minute tapos ulitin. Masakit sa baga, masakit sa paa. Pero dapat may adequate na warmup 15 to 30 min slow relaxed run. Tapos cooldown run din. Sa simula ok lang na mga 2 beses mo lang magawa, pero pagtagal mapapansin mo na mas kakayanin mo na ang mas maraming reps at humahaba na ang distance sa isang rep.

    Cramps naman, wala talagang long run ang solusyon dyan. Sa takbo na mismo, inom ng powerade, dahan dahan at gu every 10k. Kung malapit na mag cramps, walk break at stretch. Iwas mag lockup kasi masakit na kung nag lock na sya.

    @tere 254
    Ok lang take time sa training. Ensayo lang at ibayong ingat at wag mainjure. Malay mo next year, pwede na sa milo. Kaya yan!

    @masakittuhod 255
    Wehehe hindi ako magorganize ng race. Mahirap yoon. Tapos kung meron kang makitang drifit na brief, sabihan mo ako. Matagal na akong naghahanap noon. Weheehe

    May matinding tanong kasi eh. To wear briefs or not?

    @abaca 256
    Kailangan mo kasing gumalaw ng mas maaga para mas mabilis mag heal. Kung hindi naman injured, ok na 1 day. Sa recovery run, mabagal at maikli lang. Kahit power walk ok na. Kahit mag gala ka lang sa megamall, mga 5 balikan. Hhehe gaan ang pakiramdam mo. At kung sa megamall ka naglakad, pati wallet. Heheheh

    @francis 257
    Matagal din nasa 2:10 to 2:20 yung 21k ko. Dati kasi goal ko lang matapos. Pero pgtagal naisip ko na gawing challenge ang sub2. Dinaan ko muna sa long runs, kasi consistent naman ako na sub1hour sa 10k. So naisip ko kung i scale ko lang yung pace pwede ako mag sub 2. Ayon mahirap at masakit pero tyagaan lang. Pagtawid mo ng first tine at 1:x ang nasa timer, bawi na ang lahat ng paghihirap. Pero 1 month bago ko nabasag ang 2 hours nag 20k runs ako – daily. Hindi na ako natutulog halos noon, panay takbo at lakad. Hanggang umabot ako sa point na pati lakad ayaw na. Tapos nasa may bayani road pa ako noon, mga 4am. Heheheh

    Every other day ako tumatakbo. Long run pag weekend tapos tempo sa weekday unless na recovery week sya parang ngayon. Mababa lang ang mileage ko ngayon. Dati mas marami pa. Pero ngayon parang maintenance muna ako. Tinatamad eh. Minsan nga 5k lang yung weekday tapos 15 to 20 sa weekend. Pero binabawi ko sa intensity. Takbo hanggan hingalin talaga kaya siguro nakakahabol lahit mababa mileage. Meron ako nabasa sa runnersworld US na pwedeng mas maikli ang mileage, pero dapat mas intense yung training.

    Other sports? Nagbubuhat ako… Ng bote wehehehe wala talaga ako ngayon pang cross train. Next year baka mag yoga o pilates dahil may problema ako sa flexibility at posture, liko likod ko.

  43. @Gep hirap talaga maghanap ng pictures kaya mas maganda pa magsuot ng ibang kulay ng singlet para mejo may clue ka na ikaw un at a glance. nga pala ganda mo po :) sang category ka sigurado madali kita makikita ^_^

  44. mga sir magkano po ba paconsult sa doctor? ganun din po ung nangyayari sa right knee ko. after one week nwawala siya pero kpag long run sumasakit sya. nung RUPM nrmdman ko ung pain after 10k kpag humihinto ako ng takbo dun ko nrrmdman ung pain. as of now humupa nung sakit nya.

  45. Hindi ba pwedeng mag-PM na lang ‘yung mga nag-uusap dito? Natatabunan kasi ‘yung mga comments tungkol sa mismong event. Salamat!

  46. Oh sorry, nauna na pala si mp12.

    Pansin ko lang, pareho yung result ng Runpix at dun sa PDF list nila sa RUPM.

    Kasi dun sa RU3, magkaiba ang results. At least yung sa akin ganun. Sa inyo?

  47. @Mark.
    Thanks for the response. It really helps especially we have the same passion and we both love running. When it comes to training we are different lalo na sa running venue. Mas preferred ko mag run sa threadmill kasi nakikita ko yung speed ko at distance ko, safe din sya, nachecheck ko rin yung running form ko through the mirror at wala masyado pollution. When it comes to outdoor run sa Ayala triangle lng early morning lng during my day off. Ska palagi pag long run ako 1hr lng yun for 10k distance. Even if I am preparing for 21k run. Dapat bagohin ko na yun.
    I learn from your post that I really have to make my long runs longer like 2hrs. Ska yung mileage ko lagi 10k max pag long run. I think I should upgrade na rin to 1hr and 30mins then 2hrs. heheh! Para ma achieve ko yung goal ko na sub 2hrs. :)
    Pero yung running style mo na forefoot strike totoo ba yun? Kasi it will make your calf muscle tire. Lalo na sa 21k or 42k run? Unless you have a very strong and well condition calf muscles and big quads. For me dpat midfoot strike for less effort. Pero when i run lagi bumabalik sa heel strike kasi nakasanayan ko na. heheh! Anyway try and try pa rin until ma perfect. heheh! :)

  48. hay kakalungkot lng kasi wla ung name q sa results… bib#999 @ 42k category… nagemail na q sa runrio to know bakit wla pero until now wla pa din feebback…

  49. @francis 273
    Yung transition sa forefoot ang pinakamasakit na part ng training ko dati. Heel strike ako kaso laging injured at hirap ako mag sub 1hour sa 10k. Tapos nabasa ko chi running, kinuha ko ibang concepts doon. Nagsuffer 21k time ko dati, pero nung nag okay na calves ko, laking improvement sa time tapos sustainable pa sya. I’m not saying mine (forefoot) is better, choose whatever works for you.

    Napansin ko lang kung fore/mid strike, importante na zero o low drop ang sapatos mo. Ang standard na shoes makapal ang heel dahil majority nga ng runners heel strike.

    Sa legazpi village ako tumatakbo early morning, usually daily na. Meron akong loop na medyo malaki at kung nadaling araw naman madaling tumawid dahil wala pang gaanong traffic. Meron din pang tempo sa likod ng aim. Kaso ngayon mababa ang mileage ko dahil hindi ko pinipilit kung ayaw ng katawan.

    Dati sa triangle ako tumatakbo nung hapon / gabi pa ako tumatakbo. Kaso hirap mag tempo at matraffic kung tuesday. Pero malimit maluwag pag friday. Mausok mga lang yung ayala / paseo.

    Goodluck pare kita kita na lang sa daan.

  50. Mas gusto ko yung finisher shirt ng rupm kaysa sa ru3. One of the few finisher shirts I wear because of the thin tech fabric. Magaan at ok i byahe dahil compact sa bag.

  51. Anyone here na nalalakihan sa Loyalty shirt nila? Willing to trade my small to your large or medium! Just leave your message here Thanks!

  52. sana po merong nabibiling mga natirang singlet ng RU123, and RUPM, parang souvenier mo na lang pag binili mo sya,

    meron kaya? thanks.

  53. Sir and Ma’am,..anyone willing to Trade your SMALL size Finisher Shirt,..i have a MEDIUM size finisher shirt to swap.Just leave message nlang po..thanks.

  54. We also have a responsibility as runners…yung paper cup kinakalat uli kahit ang daling itapon sa malaking basurahan…simple but meaningful if it was done. till next run…

  55. @romero – #281
    Sir is it a loyalty shirt or as in finisher tee talaga?

    @ritrit18 – #284
    Sige I really need a trade para masuot ko naman, however during weekdays medyo limited lang ako around bgc due to work. By anychance san ba place mo? then we’ll settle later. Or perhaps leave your number here then ill txt you. Thanks!

  56. @tere
    “beautere” kailan ka uli tatakbo?Takbo ka ba ng New Balance Power Run, Nike We Run Manila or 4th Quezon City International Marathon and Milo Final Run?

    @Mark-runner_ph
    Trainer thanks sa tip mo for recovery, gawin ko yan!

    God bless us all runners! Run safe and avoid injury!
    See u at New Balance Power Run 2012 BGC

    P.S. LOVE YOU ALL RUNNERS!

  57. Good morning!!! RUPM was my 1st 21k. Napasabak lang kung baga.. naingit kasi ako sa ga-platito / plato na medal… though 30 min off the target, still finished. thanks to all the blogs, i did get some tips (hydration, salt, pacing, cold turkey).

    points of view… nakakapikon lang ung ibang motorista kasi busina ng busina even though there are police man and traffic enforcer around (though wala silang ginagawa kundi panoorin ang mga runners). Kawawa naman yung nasagasaan, hope ok cya.
    the hydration, ok naman cya for me, though sa past RU, medyo marami nga compare sa RUPM, pero i was able to hydrate myself naman. sa saging, sa unang part, laging nauubos ung saging pero sa end ng table, walang kumuha ng saging.
    Nakakabigay inspiration ung si ‘you’ll never run alone’. It did push me to continue running maski pagod na ako that time…
    Nakakatuwa naman si Coach Rio, 1st time ko cya makita….wala naman kasi sya sa 10k route dati…hehehe
    Salamat din dun sa American Family who were sharing their crackers and candies along Roxas. The father was also cheering us up.
    1st time for me to have a finisher’s shirt. medyo malaki nga ung sizes.
    the after event, medyo effort nga magikot ikot for some booth na papagastusin ka pa. (di ba effective ang commercial ng CONZACE para ipilit sa mga tao na bumili muna for a stamp).
    SEE you sa QCIM and Milo!!!

  58. @tere(231), @didi(243,245): Salamat. baka nga stress fracture, or ewan. nawawala naman siya. pero minsan nararamdaman ko lalo na pag umaakyat ako ng hagdan. nawawala pag nakapag pahinga. ang problema lang pag sobrang layo tinatakbo ko, dun lumalabas. kaya pag tumakbo ako diretso lang ang right leg (hindi ko mashado bini-bend) para hindi ko ma feel ang sakit. sige, papatingin ko ito sa orthopedic… salamat sa inyo… run safe!

  59. @ abaca

    Joke ka talaga ( sabi nga ng isangtao nakakita sa pic ko kung girl or boy daw ako? Hehe)

    Condura lang for sure ko 21k kasi speed training. Me asthma kasi ako ngayun dulot yata ng fatigue at yung pollution na dinaanan natin sa marathon. :(

  60. @tere
    Sa picture lang un, pagnakita ka nun sa personal manglaki mata niya.
    Beautere sa condura 21km sabayan kita ha?

    God bless us all runners! remember run safe and avoid injury!
    See you at New Balance Power Run 2012 at BGC

    P.S. LOVE YOU ALL RUNNERS!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here