Unilab Run United 3 2012 – Results Discussion

2068
Unilab Run United 3 2012 race results and photos

Congratulations to everyone that participated and conquered the Unilab Run United 3 2012 at SM Mall of Asia! Time to share your feedback and experiences about this event here!

Unilab Run United 3 2012
September 16, 2012
SM Mall of Asia

Race Results:
[download id=”719″]
[download id=”720″]
[download id=”721″]
[download id=”722″]
[download id=”723″]
[download id=”724″]
[download id=”725″]
[download id=”726″]
[download id=”727″]
[download id=”729″]

For Complete Results and Top Finishers Visit -> https://www.unilabactivehealth.com/

Unilab Run United 3 2012 RunPix Analysis -> Click Here

Advertisement

Photo Links:
Pinoy Fitness Family @ RU3
Run United 3 Photos c/o Pinoy Fitness [Set 1 | Set 2]
Run United 3 Photos c/o Running Photographers
Unilab Run United 3 – Official Photos

Photo links will be updated here as they become available! Feel free to share your comments and feedback about the event below.

Visit -> https://shop.pinoyfitness.com

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

177 COMMENTS

  1. RU3 last 2011 problema na ang Finisher shirt.
    RU1 2012 ganun din.
    RU2 2012 no change.
    pati ba naman sa 2012 RU3 ! ! !

    sino kaya may problema ? ? ?

    UNILAB or RUNRIO?

  2. sa mga may issue sa shirt, please read RunRio message in their website or in FB. They’ll contact you daw :) sinabi din dun kelan ang RUPM ;)

  3. I’m not after the shirt the shirt anyway. I already ran this last year and longer in some runs. But since it was my brother’s first time to run 32k, and being early registrants, I was hoping that they’ll at least “reserve” shirts for us with the same size as the singlet.

    Kahit ako nalang naubusan ng shirt at siya nalang ang nagkaroon sana. Nanghihinayang talaga ako para sa kanya.

    Tiwala naman ako sa Runrio eh. Aayusin naman siguro yun. Thanks Runrio!

    Nag-enjoy naman kami at yung sense of fulfillment ni Kuya talaga ang pinaggastusan namin.

  4. @slowfinisher heheh indi po kaya same size mejo indi fit sa akin… sana yung last piece pumasok yung mga medals…. pag indi isang issue nanaman ito sa unilab and runrio :D

  5. Ok nman po ang RU3 kya lng e ngkapaltos ako khit na ng-apply ako ng petroleum jelly ska ok nman yung socks ko, its my first time po kse mg-21k:( Mga kuya at ate, advice nman po dyan kung paano maiiwasan ang paltos. Thanx!

  6. Best run so far….
    Running injured, a fractured right 5th matatarsal, but great weather condition for me.

    You can’t please everybody marami talaga ang reklamador. A better situation all along the route the course, maraming marshalls (medyo kulang lang sa orientation), hydration, banana, F shirts and freebies (nice bag).

    Next, Run United Marathon….

  7. @ Comment # 55

    Hi Mark! why would Rio Dela Cruz fly off the handle? See, in any business arrangement, it is just but normal to deliver what was promised. If you fail to give what was agreed (in this case, the preferred shirt) expect people, esp those who registered early to get disappointed, right? I myself was given a card tagged with a “medium” for a size but was given XLL but then I understand, no run is perfect and there will always be breaches one way or the other. So, I let it be.

    And I agree with you on the “free size” shirt. That to me is more practical since it dispels all forms of complaints. Either they take it or leave it.

    Thanks and all the best to you :)

  8. @billy comment 97
    ensure mo na kumpleto ang tulog mo simula wed o thu. Kahit puyat ka sa race morning, ok lang yon. Mahirap kung puyat ka ng thu at fri… tapos kulang pa tulog ng sat … talagang hihina ka sa race day.

    @brad comment 99
    ayos yan ganyang setup!

  9. I’ve been supporting Rio runs kahit pa noong mga runs nya sa UPD… Honestly, never pa ako nag ka-issue sa finisher shirt nor medal.

    During reg, na experience ko na maubusan ng size, pero sa finisher shirt (kung meron man) hindi pa.

  10. gusto ko po pala pasalamatan ung group ng runners na nag cheer sa akin habang nagpipiga ako ng medyas sa kahabaan ng gil puyat… hehehehe salamat po talaga

  11. RU 1 RU2 RU3 They were the most memorable and successful runs na nasalihan ko. Its my first 32Km run and i will never forget those wonderful running experiences from RU1 – RU3…maganda pagka-organize ng bawat run…overflowing at strategically situated ang bawat hydration area…very supportive ang mga marshalls…at kumpleto na ang 3 medals ko plus the gorgeous looking finisher shirts that inspire me to run and train hard to finish earlier and get my own size…Salamat Coach Rio…..
    We expect more great runs to come…

  12. Excited for the result… It was a great run for me, masarap tumakbo sa ulan hindi masyadong makakapagod..

    I think gusto kung tumakbo ng RUPM, kaso 21K lang ako nung RU3.. Guys, Hindi pa kaya late kapag nag train ako for 42K?

  13. DEAR RUNRIO….
    ung friend ko po, may hininging favor…
    isa po sya sa mga nawalan ng finisher shirt, 32k pa man din…
    we all know na di biro ang distance na un…
    and isa po sya sa mga pinaka unang nag register sa inyo…

    eto po details nya…

    – Name: BENEDICT S. GARCIA
    – Contact Number: 0916-edited-
    – Email address: [email protected]
    – Race Category: 32km
    – Bib Number: 019
    – Preferred Shirt Size: SMALL
    – Thank You and more Powers

  14. As always, it is really fun running in the rain. Hehehe. Just saw photo releases or news on the newspaper saying that there were 12,000 participants last sunday sa run despite the rains. Galing talaga ng PR ni Unilab. Bloated yun number. Mga 3000-4000 runners lang ata tayo nun. Still it was a nice run.

  15. hi James congrats sa strong finish mo sa 21K. kung nag ensayo ka naman for the Sept 16 run ,and if you can do a practice run of 42K next week (that’s 4 weeks before the RUPM) , yung mabagal lang just complete the 42. then taper down to 15K to 10K as you get closer to oct 28 . pwde pa naman siguro. unless sir na sa practice run mo (42K) you feel mahihirapan ka. try mo sir. good luck po

  16. same here i finished the 32km distance despite the pouring rain.
    i did not get my size “M” 32km finisher shirt.i hope to get my finisher t-shirt soon.
    details as follows:
    Name:Raul C. Punzal
    Address:184 Pinaglabanan Ext., San Juan City
    Email Address:[email protected]
    Contact Number:0917-edited-
    Race Category: 32km
    Bib No. :67

  17. at @jamon hi sir ? mam .. anong size ng 32k finisher shirt na nakuha mo ? 32k ang category ko pero ang laman ng bag ko eh 21k finisher shirt medium size.. baka pwede maki pag swap sayo pls…pls txt me 09065719099 . kahit ako na pumunta sa place mo ty

  18. saw the results already. medyo malayo ang official result sa registered time sa gps watch ko. more than 3 minutes ang difference. longer din ang distance sa gps watch ko na nagregister ang 32.346 km distance. meron bang nakaexperience din ng ganito?

    nonetheless, thankful pa rin ako sa overall result ng event na ito. masaya, maulan, maganda ang route, maganda ang finisher’s shirt (sorry sa mga di nakakuha), marami akong friends na nakasama sa pagtakbo.

  19. enjoyed my very first 10K run in the rain kahit mahirap tumakbo kc mabigat ang rubber shoes kc basa ng tubing ulan.:) love running in the rain!

  20. My first 21K run and also my first time running in the rain…I really appreciate the rain dahil nde ako masyado napagod…congrats to all runners and thanks sa organizers! Btw, whoever can answer my question: I did not claim the sunvisor freebie when I registered in Toby’s MOA…I assumed that it could be claimed during the event pero wala naman…can I still get my sunvisor kahit tapos na ang run? I’m still hoping kc souvenir din un…Thanks!

  21. isa rin po ako sa naubusan ng finisher shirt. wala pa ring email when and where kukunin.. Sabi sa Riovana, regardless what time dumating, basta early registrant di daw mauubusan….ayun, nagpalista ako sa customer service dahil wala na akong inabutan
    . AUGUST 16, 2012 ako nagparegister… kelan kaya natin makukuha.. pinaghirapan natin ng bonggang bongga yun.

  22. Happy with the run naman kahit malakas ang ulan.

    Not happy with some of the runners ang yayabang at nagpaparinig pa ng kung anu-anong masasakit na salita when they run past you. Pag mas lalong bumibilis ang iba, ganun din kabilis lumaki ang yabang. Sino naman matutuwa pag may marinig ka sa kapwa runner na di mo naman kilala at biglang magsabi ng “ang bagal naman, pakamatay ka na lang”?

    Yung ibang construction workers sa BGC din parang sport na sa kanila asarin ang mga runners meron kunyari dudura sa harap ko when I run past them at meron pang tinotoo sa ibang run ko doon. I know the organizers have no power over it kaya konting notice na lang sa ibang runners to be aware of these things.

  23. congratlations po sa ating lahat… :-)
    *wala nga lang dressing room, sabi sa portalet na lang daw..medyo mahirap magpalit duon…
    *kulang lang ng KM marker
    *konti yata giveaways ngayon panay mga sample giveaways lang na product ng unilab…
    *overall nice event, nice to see some running friends at the starting line @randy/pyxel thanks…

    @mark_running_ph – bro’s nakita ko nga pala kayo ni mrs mo bago mag start medyo nahiyang lumapit..sorry at sa mapua bldg along buendia hydration station “sabi mo pa nga sana naman hiwa-hiwalay ang water sa powerade parang ganun ang sinabi mo… magkasunod lang tayo nun hanggang sa dinaanan mo si reylynne magkasabay kasi kami nuon halos sabay nyo kaming nilagpasan ni mrs mo…hehehe lakas ah naka visor at may glass ka… fit na fit batak na batak ang katawan sa training… :-)

    congrats bro till next run! :-)

  24. @CannonBoy – sobrang laki ng difference ng time. Sayang effort kung mali rin ung lalabas sa result. Buti na lang din inorasan ko sarili ko.

    Any other runners who have discrepancies?

  25. Congrats po sa lahat ng Finisher….kahit maulan masaya….

    Dismayado lang kasi wala ako sa official lists ng 21k nung nag- check ako….
    nag email na ako pero wala pa rin sumasagot sa rio……hayyyy

  26. wala din ako dun sa list ng 21km. either mali or kulang yung list or sira yung B-Tag na binigay sakin (either nasira kasi nabasa ng ulan or sira talaga umpisa pa lang). paano na lang yung mga walang GPS watch or phone na may GPS? Sent Runrio an email. Naghihintay pa ng response.

    Feedback ko sa run, ok naman. enough hydration, wala nga lang mga markers so aasa ka talaga sa GPS mo. ok naman din mga marshalls kasi inaassist nila pag may daan na tatawid ka. nice din sila kasi nakasmile and chinicheer up ka nila. aside dun sa issue ko na wala ako dun sa results, thumbs up na din!

  27. @james comment 115

    6 weeks na lang RUPM na. Kung sanay ka lang sa 21k, IMO, sa QCIM o Subic 2013 na lang mag 42.

    Bakit ?

    1. sa 21k ka sanay. Ibang iba ang 21k at 42k.
    2. Kung 32k sa RUPM, mas ok sana, kaso walang 32k ata yon
    3. 6 weeks na lang, kahit na mabagal lang ang takbo sa 42k, sobrang maapektuhan ang time mo
    4. Ang training mo pang 21k, kung biglain naman ngayon, hindi aabot dahil 6 weeks na lang. Kailangan meron kang runs longer sa 32k, kaso kung ngayon mo pa ginawa walang time magrecover by Oct 28
    5. Kailangan may isang long run na 38k man lang sa bilis na kung anong gusto mo sa marathon. IMO, kung anong pace ang gusto mo sa full, kailangan kaya mo yon kahit hanggang 38k man lang. Kaso baka kulangin ka na sa oras dahil dapat last week mo pa sya nagawa.
    6. Weekend long runs pa lang ang nasasabi ko, hindi pa kasama yung midweek na at least 15km runs. Usually meron akong 2 or 3 runs (MWF or TTH) na at least 15km… Dapat kaya ng katawan mo yung increased na mileage. Hindi pwedeng madaliin ito.

    Please note na hindi ako kontra, o killjoy. Realistic lang at hindi biro ang jump mula 21k papuntang 42k. Hindi practical umabot ng 6 hours para sa full marathon. Paghandaan ng maayos para makatapos ng kahit sub 5 man lang.

    Pero pare tip ko lang ito, nasa sa iyo pa rin ang desisyon. Ang gusto ko lang eh maging enjoyable at injury free ang takbo mo sa 42k. Magiging masaya lang yon kung pinag-handaan. Huwag mag hangad ng finisher. Finisher dapat nang mabilis at injury free!

  28. @CannonBoy – sobrang laki ng difference ng time. Sayang effort kung mali rin ung lalabas sa result. Buti na lang din inorasan ko sarili ko.

    @ carlito Any other runners who have discrepancies?

    Yup meron nga ata, based kc doon sa finnish time 4:19:15 yung time ko
    kaso sa result + 34 mins ang na dagdag. laki ng difference

  29. @puyat comment 108
    May nabasa ako somewhere na sinabi ni Rio na ang finisher shirt eh ginagawa na months before mag start ang registration. Bali hindi pa nila alam yung actual number kung ilan ang M, o XL o S etc. So ang pagkakaintindi ko, nagbibigay sila ng estimate based sa previous runs nila. So sabihin natin sa RU2 30% ng runners eh medium, tapos ang etimate nila sa RU3 eh 3000 runners, gagawa sila ng 900 shirts plus some extra. Kaso kung nagkataon na 1000 ang nag signup ng medium, talagang kukulangin. Hindi pa kasama dito yung nagiba ng size sa actual race day (yung mga nagkamali o transferred bibs).

    Ang isa pang malaking issue dyan, mahirap mag over-estimate. Mahal din ang shirts at hindi nila kayang gumawa ng masyadong maraming sobra.

    Nakakaiyak isipin kung gaanong karaming shirts ang kailangan, XS, S, M, L, XL, XXL tapos 21k at 32k pa… hindi pa kasama yung 10, 5 etc na categories…

    Kung free size yung shirts, wala nang issue sa sizes, gawa lang sila ng tamang dami plus kung gaano man pang extra. Kaso ang maririnig naman na reklamo eh sa mga runners eh bakit dati merong sizes etc…

    Nag speculate lang ako ah, pero baka nagkamali sila ng pag distribute ng shirts sa finisher tents nung actual na raceday na. while tama yung sizes, baka napadala sa 21k yung 32k at nagkagulo-gulo na.

    Sa opinyon ko lang, ultra special service na yung to follow na lang sa mga naubusan.

    Pero kung naubusan ng medals, well… talagang *toink* na yon. Alam naman nila kung ilan ang slots na bubuksan nila eh. hehehe.

    BTW, hindi ako particular sa finisher shirts. Kung medium ka pare sa 32k, swap tayo sa XXL na nabigay sa iyo. Unused yung sa akin, alam ko nasa bag pa yon. Binuksan lang nung nasa counter para i-double check na 32k dahil daming napahalo na 21k shirts. Usually, dino-donate ko sa Caritas yung mga singlets/finisher shirts ko eh. Let me know if you’re interested. Sa Ayala triangle pwedeng akong makipag meetup.

  30. @Ron comment 141

    Napansin ko lang pare parang mali ng 30 minutes yung nasa chute. I hour ang difference ng gun time ng 32k at 21k. So kung 3hours sa 32, dapat 2 hours yung nasa chute.

    Pero nung pumasok ako, 3 sa 32k, 1:30 something yung sa 21k.

    Nangyari na ito nung RU2, hindi synchronized yung timer sa moa.

  31. @limited comment 133

    opo… kasabay namin sa part na yon si reylyn… nauna ako saglit kaso naabutan ulit nya ako sa may macapagal… talagang wala ako sa kondisyon… wehehehe Paro at least alam ko na hindi nasira yung stride ko kahit na halos 3 linggong walang takbo. Hanggang 25k namaintain ko yung 5:30 na pace, simula noon lumabas na yung epekto ng katamaran ko. Bahagyang nag sub 6 yung average ko sa buong 32k, dami nang lakad sa dulo at stretching.

    maliit ang mundo ah… lagi namin nakakasama si reylyn minsan nakikita sa sunday market, pagkatapos ng takbo at sa mangilan ngilan na ultra na sinalihan ko.

    sa rexona andoon ako… ganoon pa rin ang uniform wehehehe. Nag intervals ako kahapon at mukhang naibalik ko na yung paa ko dati. Try kong tumakbo at sana maka PR.

    Kaso nagpapakilala ang ITB ko ngayon. Kaliwa at kanan. Haaay… hindi na natapos ang sakit sakit.

  32. bakit ganun ang result, type ko pangalan ko wala result tapos type ko bib number ko (2736) may result pero iba pangalan, pangalan ng babae (barbie ang) at iba pa age bracket. hindi naman mahalaga yun manalo ako ang mahalaga ay makita ko yun oras ko at pangalan ko na tama, yun lang maligaya na ako,,, hindi lang ako maging yun iba din runners. sana naman mai correct nyo yun result ko. pang anim na leg ko na ito sa run united ngayon lang nangyari ito, pls make some corrective actions,thank you.

  33. Nakita ko na results ko.

    Mukhang na-correct na nila yung time ko. It was 3:04 when I crossed the finish line; 2:36 in their recalculation. Almost 30 mins difference. This is for the 21K event.

    I was 1 minute off with my normal pace (damn those 2 unexpected injuries!). I never blamed the rain – ang sarap nga eh! Instant hydration! =)

    Re Comment #132 by JP: Grabe naman ang mga taong yun kung sinuman sila. Ganoon ba talaga sinabi sa’yo? Di bale, may karma naman eh. =)

    Overall, the event was very good and well-organized. Hindi maiiwasan ang mga slip-ups here and there. Wala naman ako nakita na perfect event. I feel sorry for those na naapektuhan ng mga inconvenience.

  34. @mark – nice one bro… makakabalik ka na? hehe ako nag-uumpisa pa lang… excited na ako sa bagong chapter… nakaka 3wks na akong nakakatakbo officially ng sunday… ayos sulit kasi sunday lang talaga schedule… sarap :-)

    goodluck sa iyong rexona run… abang-abang lang muna kung makakatakbo pa ng isang event bago matapos ang taon… hehe

  35. @ lexi yes, nakita ko mga photos sa:

    Pinoy Fitness Family @ RU3
    Run United 3 Photos c/o Pinoy Fitness [Set 1 | Set 2]
    Run United 3 Photos c/o Running Photographers

    im not sure kung meron pa slang bang photos to share.:)

  36. @reina daza
    @Robertson Castillo,

    checked pero wala pa din talagang 5k. :( wait ko na lang siguro ung official pic gallery ng unilab, mas madali pati maghanap dun, pdeng itype lang ang bib number. hopefully may iab pang magpost.

  37. worst 32k run (time) . . yun lang kaya ng katawan kong may sakit :) at ganun din siguro kapag di nakapangalan sayo :)

    Pero mission accomplished. . kahit 3:45 ang naging time, nakuha pa rin ang desired shirt size (XS) at medal. . .

    kayo nakuha nyo po ba ang tamang size na gusto nyo??

    congrats to all. .

    next year maganda ang format. . 21k-32k-42k. . hoping makasali at makumpleto ulit :)

  38. @limitEDrunner comment 157

    akala ko takbo ka sa rexona ?

    dami dami pa naman ang takbo ngayong taon.. Pero sa Milo December, andoon ako, takbo ng full … sa RUPM, malamang full din kung kaya ang reg fee.

    power run ng NB, ok din yan. Ilang taon na naming tinatakbuhan yan.

  39. @Adventist Runner – congrats bro..ayus lang yan… ako nakuha ko naman yung preferred singlet size ko LARGE para sa loveones naipangako na kasi eh at yung singlet eh naipangako na rin sa kaibigan yung medal na lang natira… hehe :-)

    congrats di bale ganda naman ng mga pixs mo kaya panalo na rin.. :-)

  40. it was my first 32k and it was fun. i can say that now that the aches and pains are gone. i congratulate the organizers for a job well done. thank you. thanks too to the runners who didn’t know me but wished me luck when they found out it was my first time to run the distance. catch you sometime. runners are really a friendly lot.

  41. After a disappointing experience during the registration (not getting the correct singlet size, unaccomodating staffs at riovana) at least I was able to have the correct size of 32K finisher shirt (but still with minor concerns – like hole in the shirt, poor quality of stitch).

    The over-all run was well managed (enough marshalls / hydrations, safe – except for some holes in the road).

    I think the availability of the correct sizes of singlet & finisher shirt has to be improved. This was the major complaint. I hope the riovana staff can also be customer-oriented.

    See you all next month!

  42. Salamat po pala sa nagbigay ng nilagang itlog sakin. malaki ang natulong sakin. mas lumakas ako at nakuha ko ng 3:15 ang 32K. Salamat ulit……

  43. !st time to run and it’s raining so hard. It was COOL I will have no more doubt or second thought whether I should run or not the next time..

  44. di ko na makita yung RU1 medal ko..kulang ako ng RU1 medal eh, di q na mabuboo yung medal ko..baka meron jan hindi nakumpleto ang RU run nila at gustong ibenta nalang ang medal ng RU1 nila..salamat po

    pansin ko lang parang nag-iba ang tela ng finisher shirt sa RUN3

  45. ngayon ko lang napansin, nireverse na ng bazu yung overcharging na 200 pesos… Ok na ok !

    Check nyo sa bill ng CC na ginamit pangregister.

  46. my very first 10K run kaya lang ni isa wala akong photo. mabuti pa nung 5K lang run ko. hay:( karamihan ng photos 21K and 32K lang.

  47. thus no record or results on all runs for RU always happen?
    bakit kaya?

    runrio should have a mat to check every timing chips before the start of every race. sayang naman ang takbo kung walang result, di ba kasama sa bayad yun…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here