BDO Race 4 Life 2012 – Results Discussion

831
bdo race 4 life 2012 fun run race results, discussions and photos

Congratulations to all BDO Race 4 Life 2012 finishers. Thank to all you supported the race! It’s time to share your race experiences and feedback about this event here!

BDO Race 4 Life 2012
March 25, 2012
SM MOA

Official Race Results will be posted here once it’s released by the organizers.

Race Results:
[download id=”663″]
[download id=”664″]
[download id=”665″]
[download id=”666″]

Visit our Online Shop -> Click Here

Advertisement

For Instant Updates – Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

128 COMMENTS

  1. medals for the first 100 finishers ng 10k and 15k category was such a good idea not only for this race event but other race event as well.

    Cause everybody seems inspired to run not only to beat their own PR but to receive a medal at the finish line getting a reward for a job well done :)

    Too bad for me with a time of less than a hour for the 10k event I wasn’t even close to finishing at the top 100 finishers

  2. negative comments
    1. late gun start : nagstart medyo mainit na and busy na ang kalsada kaya nahirapan din yung mga runners pagdating sa mga stoplights.
    2. poor hydration : nagkaubusan na ng water and pocari sweat banda sa may Roxas Blvd.
    3. di nakakapili ng size ng finishers’ shirt
    4. not so good route : sira yung kalsada ng roxas blvd. sana iniwas na lang yung route dito.

    positive comments
    1. great finishers’ shirt design.
    2. plenty of marshals and even walang timing chip there’s no way they can cheat.kung makakapan-cheat man…talamak yun!
    3. plenty of photogs
    4. It was organized naman, far from what chaos I was expecting judging from the race kit claiming days.

    Over-all it was ok,We enjoyed it and basta for Charity ang beneficiary ng races, ok sa amin yun.

  3. Since its my first time to join a fun run. i think the event was well organized.. nice finisher shirt and singlet.. im very sure that ill be joining this event next year. good job to the organizers of the BDO race 4 life… Kudos..!

  4. actually its a great run though mahirap yung route, maybe because umulan..medyo late na nagstart maybe because of the same reason, kaya hindi ko na nahintay yung raffle.. =) (if there is?)nice finisher shirt design,and plenty of photogs, though wala photobooth?anyway, will wait na lang sa mga uploads..thank’s

  5. Some concerns:
    1. Gun starts being moved. What’s up with that?
    2. Hydration station personnel packing up because of inadequate supplies. It was very frustrating knowing we had half the race left and we had to do it WITHOUT hydration.
    3. On the way home, there were a number of 10 and 15K runners who got lost due to the lack of markers and marshals. Sure they were late, pero paglipitan ba kahit tumatakbo pa?

    Inasmuch as I enjoyed racing at this event, there are still areas for improvement. Especially on the end of the organizers.

  6. Agree with you K! Originally, the gunstart for the 10k was at 530am. It was moved to 615. At 610, the 10k started! Ang labo! Nakakabadtrip rin ang pagkaubos ng hydration. Siguro for the price, I was hoping they would provide sufficient hydration. May nahimatay na nga ata near Moa. Sana rin nagkaroon ng kilometer markers! Oh well!

  7. hope everything went well and everyone was safe and injury-free. tandaan na lang po natin ung organizer ng run na ito so we can be more cautious on the next event they will stage

    still, congrats to all finishers! =)

    OT: i remembered seeing a bdo employee at riovana signing up for fic run. not sure whats up with that

  8. isa sa mga inaabangan ko ung raffle. pre drawn daw….. eh ano silbi ng mga raffle stub n nakalagay sa bib…… tsaka what if ung nanalo ala na dun….. san mapupunta yung prize…. usually kasi ung mga present ang pwede mag calim ng prize (sa other event kasi ,bubunutin nila ung mga raffle stub, kung wala n ung winner disqualified na. they need to draw another stub….. swerte ung mga nga aantay kung sila mananalo). eh dito s bdo run. pre drawn pano mo malalaman kung nandun p yung tao….. eh pano kung umalis na eh ndi nila makukuha yung prize/ san mapupunta yon? actually pwede nga mandaya para sa top 100 kasi ala naman nagmomonitor dun sa turn around. dapat may binibigay sila color coded na tali…. nag expect p naman ako dito sa run na eto. considering its BDO…… dapat well organized…..

  9. Bitin ung hydration plus ung distance is bitin din. 13.7KM lang… Hindi ko gusto ung destribution ng medal which is tinawag lang sa stage lahat ng top 100 through bib number, ung ibang nasa top 100 nga ata naka uwi na kasi late na ni-award ung medal.

  10. 3 words for BDO: Di na maulit.

    Will remember the name whoever organized this race (Tri N Motion ba?)para di ko na masalihan.

  11. super disorganized… first of all, late na nagstart… gun time was supposed to be 5:30 or 5:45 but we started around 6:15… so inabutan na kme ng araw while running, buti nalang mejo makulimlim. Another thing was, kulang ang hydrating stations, as in kulang, parang every 2.5km lang may hydrating stn, then help urself! lalo na dun sa unang stn, parang nde expected ng andun s mga stations na kailangan uminom ng mga tumatakbo. ikaw pa maglalagay ng water mu sa cups. tapos nde pa malamig ung water… Thirdly, walang marker kung nakakailang kms kna, nalaman q lng na nakaka 5kms nq nung binigyan na kme nung yellow na ribbon. Next is, nung pabalik na, wala ng hydrating stn., nkakaloka, i told my katabi nga (kahit di ko xa kilala) na “ay, pagpabalik pla bawal ng uminom noh?” kalurkey talaga,,,,, and finally, when u reached the finish line, mano mano ang pagrecord ng time… pen and paper ang gamit ng mga lolo mo,,, ay may isa p pala, pagkukunin mu na ung pocari sweat mu na maliit, you have to fall in line p ng super haba, so kung uhaw na uhaw kna, lunukin mu muna ang laway mu,,,, ang nasabi ko nlng after the event,,, hindi nq tatakbo ng SM MOA BDO RUN 2012 / kahit anung bdo run qng un ulit ang organizers. buti nlang, funny ung mga kasama ko! anyway, isipin nlng naten na its for a cause. and pahabol, sabi nung kakilala ko na nakakuha ng medal, plastic daw ung medal, so we call it pamato nlng… tri n motion? nde na mauulit toh

  12. DEAR BDO Race 4 Life.
    Yung FIC (Fox International Channels) Run, Globe Run for Home and Tupperware Run for Water ay may Race Result na…kasabay lang din yan ng BDO Race 4 Life…kailan n’yo pa kaya ilalabas yung race result n’yo? baka pati sa pag labas ng result pumalpak pa!!!…
    tsk tsk tsk..:((

  13. wow sa reg pa lang medyo pahirapan na. I was contemplating on joining this event. Buti di na. Plastic medal, early packed-up marshalls, lost runners, manual finishing time recording, expensive reg fees… sana napunta talaga sa beneficiaries ang proceeds. BDO (and SM by extension) pa naman big sponsor dito you’d think they’d spend more given their multi-billionaire boss lol

  14. BDO RACE – NO THANK YOU
    never again
    it was a chaos starting from the registration, to the race.
    I hope and pray, that the girl who collapsed is ok. Its really irresponsible, not to deliver enough water for the runners. Obviously the profit is more important than the health of the runners. Even at the end of the race, there was only Pocari, which you only could get after standing in line for a long time. And what about people, who are not allowed to drink sweet drinks?
    Never again!!!

  15. Overall okay ung Run,Sana marami tyong mtulungan after dis event. Wag puro nega, kasi fund raising event to, lets just put into our mind na may natulungan tyo at may mag benefits ng run na to.. :))

  16. Great to see familiar faces and friends who ran here yday – from We Love Running, TA1 and Team Titans.

    Nag-special rare appearance din the family of Kapuso CG esp his eldest kuya and mom. Nice run also to Claudette, Mikko and your friend.

    As always, great and very candid hosting of our dear Sir Bhoy Running Host. Thank you for greeting me, hehe.

    Some complaints from friends ay yung lack of marshalls on some crucial route points since maraming nag-shortcut (hindi na talaga ito maiiwasan pa) and the shortage of hydration supply on the way back.

    In fairness, the weather cooperated, bandang 7am mainit na, but mostly it was cloudy.

  17. bdo & tri n motion..so disorganized..kawawa runners sa inyo..pahirapan na pagkuha ng race kits, pahirapan pa sa hydration!!!

  18. very disappointing ang fun run na ito…we will never join this event again. BTW para saan iyong raffle stub? my friends belong to top 100 finisher pero ubos na daw ang medal. hirap din makipagpatentero sa kalsada haaaaaaaaaaay

  19. Akala ko, hihimatayin ako sa uhaw dun, anlayo ng mga distance between stations, may water station, wala nmang tubig, naging tambayan station lang ng mga marshall. Parang trail run narin xa xe maputik at mabato ang under-contruction na kalye sa Roxas. Walang marker, walang portalet within the race, late ang gunstart for 40 mins, anong meron? finisher shirt at finisher’s medal na pahirapan pang makuha. Ang pangit ng mga kuha ng photogapher, halatang hindi marunong, mas malawak pa ung kuha sa langit kesa sa runners, nakakatawa lang. isa pa ung photographer sa finishline,ung lalakeng mataba, andun pa mismo sa pasukan ng finishline tamad naman kumuha ng picture ng mga finisher, kung maka-pose pa gusto yata xa ang kukunan. Tri n Motion, sorry pero iiwasan ko na ang mga upcoming “dis-organized” races niyo, goodluck nalang.

  20. 1st hirap tumakbo kung sira-sira yon kalsada, 2nd marami pa rin tumakbo at may naka wheelchair pa sa gitna ng Roxas Blvd., walang Bib, 3rd dapat combine yon hydration water & pocari, naubos yon pocari edi ala na. Thumbs Down for BDO Organizers…..

  21. super sungit pa ng isang organizer ms anne ang name, athough hindi ako ang nusungitan my isang makulit na runner na my edad na sigaw sigawan ba naman!!!!di dapat ganun organizer ka expect muna yan na may mga ganyang runners! sa dami ng tinakbuhan ko i hate BDO FUN RUN TALAGA!!!!!

  22. neg comment: walang preparation for any emergencies ang organizer. may isang lady runner na after finishing the race ay d na makahinga. no one bothered from the organizers na tulungan sya. f not for my wife shouting and telling the organizers saka lang sila nag react pero ang siste pinagpasapasahan pa kung may tumawag na raw ng medical pers… haayyy.

    alam naman ng mga runners ang risk during races pero ung mga organizers dapat may concern din sa mga emergencies katulad nito. concern lang po ako sa kapawa ko mga runners.
    ty.

  23. 52mins for 10k…

    not my PR, but glad i’ve made it.

    i was late for 2mins..

    still able to catch up.

    top25-45… dont know my rank yet

    thank you BDO… ^_^

    won 1,500 Gift Cert from

    Slimmers World too…

  24. i felt so sorry to all my fellow runners. i’m blessed i chose to run @ “PBA run with the fans” such a great event.

    Thank you to all the sponsors ASTIG tlga,POWERADE tapos na ang mga runners in all category umaapaw parin sa hyadration,kami na ang sumusuko sila pa ang lalapit sa inyo with their crew habang nakapila ka sa mga booths doon,PoWER AIDE tlga!

    ADIDAS i won on “pick a prize”!

    PHILIPS i won headset cable manager on “name that tune”

    IFLICK photo booth “nice pix”.
    HAHA picture picture pa with the PBA celebrities

    SOYAMI SOYA CHIPS tnx for the “free chips”,with the combi of powerade,this two are great!

    GUYS PBA RUN IS TOTALLY THE OTHER WAY AROUND OF THIS EVENT!
    CHILDREN with CA definitely the beneficiaries. WOW TNX. GOD BLESSED!

  25. Note to self: Huwag sasali pag ang organizer ay “Tri N Motion”! Ang daming sablay!

    1. Inefficient distrbution of race kits. Yung schedule ko for claiming my kit was Sunday, March 18. From QC I had to travel to Makati just to claim my kit. Dito pa lang may kakulangan na. They could’ve assigned distribution centers around Metro Manila para sa mga taga-North, Central at Southern Metro Manila (sa dami ba naman ng branches ng BDO hindi nila magawang mag-assign ng kahit tig-1 branch per area). Sa ibang races napakadali lang kasi pagkaregister mo ibibigay na agad yung kit mo. Tapos dito pupunta ka pa ng branch para magbayad.
    Going back sa pagkuha ko ng kit (ang haba na pala ng digression ko…halatang inis?), pagpunta ko ng canteen ng BDO, kokonti lang ang nagmamando at nag-aasikaso sa bawat distance. To think 5 ang categories, pero 3 lang ang taong umaasiste sa mga nagkeclaim! Yung 1 pa nga, palipat-lipat from 5K to 15K (at hindi pa magkatabi ang tables nun!) just to accommodate the people. Yung mga janitors who served as tagalagay ng singlets & stuff sa envelopes, ang dami nila pero napakainefficient. Sa tantsa ko, it took a person around 5 mins just to get his/her race kit. Sa dami ng andung janitor, hindi man lang nila lagyan isa-isa yung envelopes ng singlets/other stuff. Nakatunganga lang sila most of the time, at naglalagay lang ng singlet pag may request yung facilitator.

    2. Late nagstart ang run. Yung 5:30 gunstart for 15K, 6 AM na. Yung 5:45 na gunstart namin sa 10K naging 6:10 (initially announced na 6:15). Pasikat na ang araw! Good thing medyo makulimlim kahapon.

    3. Lack of hydrating stations. Ang layo kada station. May nakita pa ako na nagkulang na ng cups na may lamang Pocari Sweat, so yung runners na mismo ang naglalagay sa cup from the bottle na nasa harapan. Nung pabalik na kami, may stations na nagliligpit na (ubos na daw). I’m fortunate enough na may dala akong sariling drink, pero halos ubos na rin dun sa stations na nagligpitan. So kung kumuha man ako, wala na rin akong makukuha.

    4. Unattentive marshals. May at least 2 akong nakitang hinimatay nung pabalik na (malamang due to Reason #3), wala man lang akong nakitang marshal na umalalay. Kapwa runners (malamang kasamahan) pa ang umasiste. Mag-isa akong tumakbo, so what if himatayin ako at walang pumansin sa akin dahil busy ang iba sa pagtakbo?

    4. Separate lines for finisher’s kit & Pocari Sweat freebie. In all the races I’ve joined, dito ko lang nakita na pipila ka pa uli just to get your free drink! Kulang na nga ng hydrating stations (so uhaw na uhaw ka na), tapos pagdating mo sa finish line at umaasang makakainom ng malamig, kailangan mo pang pumila uli para lang kunin! Hindi man lang sinabay sa finisher’s kit!

    Actually, sa haba ng pila, hindi ko na kinuha ang drink ko. Baka himatayin pa ako sa gitna ng pila…

    5. And due to Reason #2, pumila na nang maaga ang runners sa booths while killing time. Dahil dito, maaga naubos ang freebies. Kawawa naman ang mga huli ang category (3K, 5K) na umaasang may maaabutan pang Gardenia after running. Sa ibang race na napuntahan ko, kahit 9 AM na eh ang haba pa rin ng pila sa freebies, at may supplies pa. Dito, just before 8 AM ubos na.

    6. Manual entry of running time. What’s up with people getting your bar-coded stub at the finish line? Dun pa lang irerecord time mo? Kumusta naman sa inefficiency ng pagrecord ng time nyan?

    7. Finisher’s shirt. Mukhang ok lang ang design, but the shirt itself is of inferior quality. Husgahan ko na lang ‘to lalo pag nalabhan na (baka magchip off din yung print, gaya nung finisher’s shirt sa HSBC Run last year).

    8. Race course. Alam kong umulan the day before, pero bakit naman dun pa sa part ng Roxas Blvd na medyo sira inassign ang race course? May mahahanap namang ibang area na mas maayos within the Macapagal/MoA area, gaya nung course sa Run United.

    Nagrun ako dito kasi dati akong taga-BDO. Now I’ve learned my lesson: hindi na ako tatakbo dito, at sa kahit anong run na io”organize” ng Tri N Motion.

  26. e2 ang difference ng kilala na organizer sa hindi organisadong organizer,

    so runners minsan mag-isip isip din tayo before we join events, ok cge sa halagang 400 pesos meron kang lootbag, singlet, finisher shirt at medal.

    Pero once na nag register ka singlet at bib pa lang ang makukuha mo, pero hindi mo alam during the race makukuha mo ba ng walang hassle ang kits mo at magiging satisfied ka ba sa takbo mo or hassle lang dahil wala ka iinumin sa daan at pede ka pa mabangga ng sasakyan dahil walang marshall.

    so race smart :) wait and observe, wag din natin gawin weekly ang pagsali.

    example 4 to 5 weeks from now meron ulit race na ang may hawak eh magaling na organizer pero may medyo kamahalan ang registration fee, try mo na mag ipon bago ang event na un at ung 4 to 5 weeks mo gawin mo ay mag training at cross workout, kundisyon ka na nag enjoy ka kahit may kamahalan.

    Ugaliin magbasa ng review tungkol sa mga events na hinahawakan ng mga organizers, tingnan natin yung years of experience at portfolios nila.

    guys race smart and maghintay ng event na maganda na may mahusay na organizer, mag observe at mag training wag lang ung takbo ng takbo.

    wag mo hayaan na madisgrasya ka sa isang activity na dapat ay magdagdag pa ng benefits sa health mo.

    at isa pa kung hindi maiwasan talaga na sumali sa mga organizer na pabaya, pag ipunan natin ang hydration belt at pagbili ng gels ;) un lang :) maging tanda na sa atin ito

  27. Cryptoverbalist….who ever u are…saludo ako sa iyo….detalyado…tumpak…kaya fellow runners we should learn our lesson from this race event organizer (“Tri N Motion”). Guys, hindi ako employee ng BDO, pero hindi dapat natin sisihin ang BDO, victim din sila ng event organizer na ito.

  28. hmm…

    negative..

    lack of route guide.. di alam ng mga runners kung san ung taman daan..madaming naligaw..

    lack of hydrating station… sobrang layo ng distance ng bawat isa.. 2 lang ang pocari sweat station.. tpos haba p ng pila ng claiming ng pocari sweat after you finish.. isa lng pla ibibigay..

    time recording di maayos ang rules.. di nga nacheck kung kumpleto ung ribbon necklace e..

    awarding… walang ng counter check kung yung iba na kumuha ng medal top 100 finisher b tlga or hindi..

  29. I run 15K. For the price of 750, it not worth it. Ito lang din nasabi ko eh, “hindi na ko uulit sa BDO RUN”. Wala man lang saging (hehe), at kulang sa hydration, so far this is the worst run I’ve ever joined. I’m sorry. Pakunswelo ko na lang sa sarili ko na this is run for a cause kaya hindi masyado gumastos sa mga pangangailangan ng runners.

  30. ang dami ng negative comments. sabi nga nila nasa huli lagi ang pagsisisi. organizer please make-up for the negative comments by releasing the results the soonest time possible. napag-iwanan na kayo ng kasabayan ng fun run nyo. :(

  31. top finisher nila mali mali… mukhang walang alam mga tauhan dami reklamo mga nakapasok sa top na hindi natawag… organizer walang pakialam… hindi na kami sasali sa inyo…..grrrrrrrrrrrr.

  32. yes, i got placed as 1st runner u in female category, but am not happy how it was organized, kulang ang hydration sobra, sa sobrang pagod muntik n akong mahimatay, nagpasabi ako sa isang staff that day, pro npakabagal ng reaction to attend me, eh di n ako halos mkalakad at mkapagsalita, buti n lng nkita ako ng isang ale, pinagalitan nya yong sang staff ayon staka pa aq pinuntahan, nilabanan ko n lng ung hilo ko hanggang sa unti-unti na syang mawala.am saying this not to discourage the organizers of this event, but instead am hoping that this incident will serve as constructive lesson, to improve things nevt time. am not really a marathoner, pachamba nga lng ‘yon, pro mas maganda tlga kung titingnan din ntin ung kapakanan ng mga runners, khit pa na itong run na to for a cause. dapat balance ang lahat ng bagay. thank you…

  33. one of my most dissappointing run. kulang na nga sa distance, pipila ka pa ng pagkahabahaba para lang makainom ng pocari sweat.ganun din sa tinapay ng gardenia. ORGANIZERS, LISTEN TO THE COMMENTS OF THE RUNNERS!!!

  34. EYE Run was like this too, manual ang pagkuha time, so di ko na din expect na me lalabas na race result ang BDO Run. I have a lot to say negatively sa EYE Run, pero I prefered not to kasi mabait ang mga organizers, and the reg was cheap =)at di nila ako inuhaw during the run.

    Unlike BDO, i AGREE sa lahat ng nega comments.

  35. Buti na lang Tupperware Run ang pinili ko…Sa registration pa lang marami na kong negative comments na nababasa, sa reg at pagclaim p lang ng race kit pahirapan, tagal pa magresponse ng organizers sa queries ng mga runners,,,kaya na isip ko na lalong magulo to sa actual race….Di nga ako nagkamali…..

    2nd race ko pa lang ang Tupperware at 1st time pa lang pala ng Tupperware na mag pa fun run pero tinalo na nila yung ibang company na nagpafun run na before sa sobrang organized nila….

  36. i dont think KAYRA knows the real meaning of what a RUNNR should be,we must THINK and TAKE CARE of OURSELVES too my DEAR. So we can SUPPORT further more to RUN EVENTS with ADVOCACY but also have CONCERN to US RUNNERS!

  37. “BDO RACE FOR DISAPPOINTMENT & FAINT 2012”

    The MASTER is the responsible to their subordinates. Some PEOPLE here try to save tHe MASTER who put the whole idea.

  38. kakatawa na kakainis… galing ng listahan nila ng top 50 ng 3k… akalain mo ba naman may tinawag na number na mali… ano yon may multo na kasama sa top 50?

  39. @lzyrnnr,

    My only negative comment about the Eye Run was the results. Tama ka sir, mabait ang organizers ng Eye Run kaya hirap sila ifault. Atleast sa kanila, overflowing ang pocari at nakinig sila sa mga runners (pinabaan nila ang reg fee from 700+ naging 500 na lang). Mas nagenjoy ako doon.

    I really hope that they learn from this experience. Yun lang, I don’t think I’m going to line up for BDO run 2013. Goodluck na lang po!

  40. Best, keep it up! kahit dika nakasama sa top 50, lam natin ang totoo, dami sablay ang BDO, di organized ang race. i know na kasama ka dun sa top 50 bigla nalang di tinawag bib number mo…magic! ok lang un…dami pang race na well organize…

  41. Kumusta, runningAnalyst? Salamat sa pagbasa ng aking mga komento at hinaing.

    Alam kong naging biktima din malamang ang BDO sa pagkuha ng “organizer” (stress sa ” “) na ‘to. Pero base rin sa aking mga naunang komento, may mga kapabayaan at kamalian rin sa parte ng bangko. Alam nating hindi talaga pangunahing gawain ng BDO ang pagsasagawa ng fun runs, pero sa ilang taon na nilang ginagawa ito siguro naman natuto na sila sa mga kamalian nila noong mga nakaraang taon. Marahil din ay di nila naestima ang dami ng mga nagnanais sumali rito. Overwhelmed (nosebleed!), kumbaga…

    Tama ang ilan nating mga kasamahan sa kanilang mga opinyon at komento rito, na “race smart”, “maghanda nang maigi”, “piliin ang mabuting race organizer” atbp. Magsilbi sana itong “pambukas ng mata” (i.e. eye-opener…corny ba?) sa ating lahat. Nawa’y ‘di tayo panghinaan ng loob dahil lamang sa 1 “maling” desisyon.

    Takbo lang nang takbo!

  42. rio nlng dpat nagoorganize ng lahat ng fun run sa pilipinas. hahaha. kaso sana mas mura mga patakbo nya at sana laging may student rate. kwawa nmn kming mga studyanteng wla pang trabaho, iniipon ang allowance para maipang register

  43. ang hirap kasi sa karamihan sali ng sali sa race kahit di kilala ang organizer basta maganda singlet.

    ayun at sa huli biktima sila ng mga oportunista!

  44. Wala pa po bang results? Well, mejo disorganized yung race. Siguro nasanay lang talaga ang karamihan sa rio na every 1.5km ang hydration. Ang nakita ko lang talagang mga mali is yung walang emergency stations at roving marshalls. Delikado yung ganun e. For the organizer moving the gun start, naintindihan ko kung bakit nung tumatakbo na. There were some uneven portions sa roxas blvd na pede ka matapilok pag di mo nakita. Mahirap din magorganize ng race a. Just my two cents. Happy running!:)

  45. pag inisip mo ung beneficiary ng run, maalis mo na ang hinaing mo. BUT para sa mga running enthusiast, u cant help but tell the difference ng mga amateur sa pro sa pag organize
    unang una…. very poor hydration. tama ung comment nung isang runner, dapat kasama na lang sha sa kit at di para pagkapilapilahan mo. di tulad dun sa last run ko, ipapaligo mo na ang powerade. ok na naman ung rough roads, at least challenging. buti di na pinaabot ang mga 3k at 5k runners dun kasi madadala sila. at ung raffle stub, di naging klaro kung may drop box ba for that… ayun nakakabit pa sha sa bib ko, pero oks lang souvenir. I won’t blame BDO but sana open sila sa suggestion to get another organizer next time ung mas organized sana.

    dme nagsisisi for joining the run kasi looking forward ako sa run na eto pero d ako sure kung uulit pa.

    salamat

  46. WIND CHASER— I RAN BECAUSE I LIKE TO COLLECT SHIRTS…LOVE TO SUPPORT PROJECTS WITH A CAUSE…LIKED THE DESIGN OF THE FINISHER SHIRT BUT THEY’RE GIVING DAW FREE SIZES SO ANG LIIT SOBRA PARA SA AKIN…PERO YUNG SINGLET AY DOUBLE EXTRA LARGE…SANA FINISHER SHIRTS DIN…I’M A LIFTER AND I LIKE TO RUN…FOR THE SHIRT AND FOR THE SUPPORT OF THE CAUSE…SANA LAHAT MAY MEDAL FOR ALL RUNNERS MAN LANG…FOR THE WATER…I BRING MY OWN…

  47. disappointed, didn’t get my race kit onsite, I lost my confirmation letter and deposit slip for 15k run, I thought they would have the list who did not get the race kit on the schedule date.

    I respect their policy on this, but should have some improvement next time on the registration.

    I hope that 100% of the reg fee will go really to charity.

    Instead of going home, I ran with my brother back and forth MOA to Aseana City, (hehe BDO and Tupperware run)

  48. di sapat ang beneficiary para patawarin ang mga ungas na organizer!

    kaya nga tayo nagbabayad eh para sa tamang serbisyo di para sa sobrang perwisyo!

  49. hello guys. while we are at a liberty to express what we feel re the event, good or bad as it was, pls. be reminded also of our PF Comments Policy.

    thank you for your compliance. and let’s all look forward to the next takbuhan ^_^

  50. hello guys. pls be reminded also of our PF Comments Policy.

    thank you and let’s all look forward to the next takbuhan ^_^

  51. After Ace Hardware and QCIM 3, I vowed never to run a race with SM involved in it. Good thing I decided not to join this race, registration palang pahirapan na. Kawawa naman ang mga hinimatay na runners.

  52. di ba naka-timing chip so automatic ang race results?

    eh bakit wala pa rin hanggang ngayon? hay naku malolosyang ang beauty ko kakaintay.

  53. Palpak ang fun run na to, halos lahat panget, pati ba naman pag claim ng finisher shirt, isang size lang daw, ang bobo naman nila kung lahat kakasya sa mga runner ang shirt nila na freesize,,, anu ba yan. walang silbi mga organizer nito, palpak talaga…….

  54. Accurate naman ang results in fairness. Exacto sa relo ko. Pati mga oficemates ko. Kahit barcode system at ang daming tumakbo. Galing naman mas accurate sa ibang timing chip na ginagamit. Yun nga lang wala pangalan ko. Ano ba yan?

  55. Yung mga blank malamang are those who registered ON-SITE. 3 pcs kame tumakbo ng 15K lahat kame walang pangalan, lahat kame On-site Regs.

    Baka yung mga Nagregister lang On-lines ang may mga pangalan.

    Olats tong event na to. di na kame uulit dito. We will Take note of the Organizer as well as the Host.

  56. dami bad comments…buti na lang i relied to my instincts..kasi at first registration pa lang, u need to go to BDO Main Branch pa to claim the race kit…so i concluded this will gonna be a worst run…kasi umpisa pa lang..hassle na….well, ganyan tlaga…

  57. Isa na naman ba itong kapalpakan ng BDO and tri N motion??? wala pangalan ko? nasa top50 ako. may medal ka nga wala ka namang name sa race result? sana di niyo na lang agad nilabas kung di rin lang kumpleto ang detalye niyo….. puro na nga kayo palpak tapos kulang kulang ang race result… walang kwenta… 1st and last BDO…. tandaan niyo yan….

  58. thanks a lot for posting the results. however, ang dami ng walang names na bib nos. and isa din ako na walang name sa 10k result. 1st run ko pa naman for 10k pero not so good experience for me. well, i should have listened to my friends who joined the FIC run in BGC. i am so disappointed with the overall result of this BDO run. sana this won’t happen in my Yakult run this coming sunday. however, i still would like to thank the organizer for this learning experience. no more BDO run and no more Tri N Motion organized run also.

  59. gaano ba kahirap mag-organize ng race? kailan ba CPA o MBA ka? hindi naman ah. o baka sadyang gung-gong lang talaga ang karamihan ng organizer!

  60. wow trending ang pre and post event discussion nito ah. .

    @PR/ate mars

    . . sorry OT. . pero yung kasabay nitong event na takbuto ng run4change baka may update po kayo sa result and photos :) . . .wala po ata kayo representative doon. they recognize PF kasi doon during the awarding. .

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here