Run United 1 2012 – March 4, 2012

2534

Information about one of the most awaited races for Q1 or 2012 is starting to be slowly released. The Unilab Active Health Run United 1 is already set to take place on March 4, 2012 at BGC. Time to mark your calendar!

Run United 1 2012
March 4, 2012
Bonifacio Global City
500m/3K/5K/10K/21K
Organizer: RunRio

Registration Fees:
500m – P350
3K – P600
5K – P700
10K – P800
21K – P900

Gun Start:
500m – 7:30AM
3K – 5:50AM
5K – 5:30AM
10K – 5:30AM
21K – 4:30AM

Registration Venues:

Advertisement

Online Registration will start on January 30, 2012 until February 19, 2012.
Register Online -> Click Here

In-Store Registration: (January 30, 2012 to February 26, 2012)

RIOVANA
– Bonifacio Global City (Mon to Thurs, 11AM to 9PM, Fri to Sun, 10AM to 10PM)
9th Ave corner 28th Street, Bonifacio Global City

– KATIPUNAN (Mon to Sun, 10AM to 8PM)
3rd Floor Regis Center, Katipunan, QC (infront of Ateneo de Manila University)

TOBY’s
– SM Mall of Asia (Mon to Sun, 12AM to 8PM)

THE ATHLETE’S FOOT
– Robinsons Galleria (Mon to Sun, 12AM to 8PM)

Run United 1 2012 – Singlet Design:

run-united-1-2012-singlet

The Run United Series Medals UNITES together in the Run United Philippines Marathon 2012!

Run United 1 2012 – Medal Design:

run-united-2012-medals

Run United 1 2012 – Race Maps:
Run United 1 2012 – 500m Map
Run United 1 2012 – 3K Map
Run United 1 2012 – 5K Map
Run United 1 2012 – 10K Map
Run United 1 2012 – 21K Map

Run United 1 2012 – Finisher’s Shirt Design -> Click Here

For More Information:
Visit -> https://runrio.com/

Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

734 COMMENTS

  1. @JP tama yan, dami nilang free para sa kanila at para sa mga relatives and friends nila kaya kelangan mataas ibayad ng regular na runner. tapos ung ibang mga bulaloggers ay libre din kasama pa ang raffle promo nila. kawawang juan at juana.

  2. makatabo kaya cla ng nakataas ang noo sa kabila ng kanilang mga ginagawa o masabi sa pamilya nila n d cla nanlalamang, papano nila pangangaralan mga anak nila sa gayun cla pa ang na ngunguna dahil lang b sa libre para sa sarili, kalimutan n ang nakakarami. d kayo naiiba sa mga salot sa lipunan…..nakakahiya kayo……

  3. i am surprised how whiny runners can be… stop lambasting what you cant afford. this is really just a business anyway… and just like any business, they will adjust their rates down if they dont get enough sales.

  4. Guys, to clarify, hindi ang Unilab ang nag-set ng reg fees. Nakipag-meeting sa akin last week ang Unilab dahil dun sa blog post ko about rising reg fees. Sabi nila, 100% nung reg fee napupunta sa RunRio.

    Ang sabi naman ni Rio nung blogger’s night (kung saan hindi ako kumain sa buffet; binayaran ko pa ang sarili kong kape), yun daw yung presyong kailangan nyang i-charge para hindi sya lugi. Depende din yun sa kung magkano ang nabigay na support ng Unilab.

    Anyway, ang alam ko yung Unilab employees libre ang race kits kasi ang Unilab mismo ang nagbayad yung reg fees nila. (Para tumaas ang number of registered runners sa race, malamang.)

  5. Why do we run?

    Siguro yan muna dapat ang sagutin natin, isa din ako sa nagulat sa biglang pag taas ng reg fee, pero nagregister padin ako, honestly with all the races that I have joined, if not the best isa ang RU sa pinaka organized, there were some na mura pero after ng run you’ll regret joining. Parang bilihin lang yan Quality=price, higher price=better quality, ika nga ni Rio “Running, ito lang ang sport that you can run with the best, run the same route , experience the same race as the best in the sport.” Tama. pero wag sanang dumating yung time na dahil sa reg fee magkaiba iba na ng daan, ang pagtakbo ay para sa lahat, pero hindi lahat kayang tumakbo sa daan na malaking pera ang katapat.:)

  6. mabuhay ka KikayRunner!

    sa totoo lang, medyo hiya ako i-approach ka, kasi medyo sozy dating mo.

    pero kaisa ka pala ng mga simpleng mamamayan.

  7. tungkol naman sa mga mahal na patakbo:
    dati halos linggo-linggo (literal) sumasali ako.
    pati halos lahat ng patakbo ni Rio nasalihan ko na.
    pero napansin ko, nung pinasimulan ang ganyang singilan sa Timex dati, ayun na…pati ang ibang patakbo nag-gayahan na.
    trend na ang mga Php500+ na patakbo kahit napaka-iksing distance.
    parang sinasabi sa mga hindi makasali o sa mga ayaw sumali sa mga mamahaling patakbo: SORRY DOON NA LANG KAYO SA JOLOGS NA PATAKBO.

  8. Aminin natin sa hindi may mga organizer din nagsasamantala keysa may finisher medal finisher shirt plus kung ano ano pa syempre nakaka inganyo din tama! Bagamat nawawala na ung ano ba talaga ang true essence ng takbuhan. Ok lang sana kung ang patakbo ay for a cause madami naman patakbo na iba dyan. Well ang runrio tlga ay isang commercialized na to business ika nga. Pilit namin inuunawa na bakit may mga add ons pa like race belt o need service syempre kasama sa bayad un. I think its time na ang unilab ay magkaroon na beneficiaries in that way pag sinabi for a cause etong run kahit gaano kalaki reg, fees. Ganun ang mga runners aba for a cause pa la eto susupurtahan namin kahit malaki. Eto lng naman ay my humble suggestion sa susunod na event sa ganun ay maging pantay pantay tau tungo sa magandang daan.

  9. I did some additional research. Unilab’s total # of employees hindi aabot ng 10,000 (estimated 4,000 lang nationwide), and not all of them are runners na gustong sumali. Additionally, hindi libre ang kits ng mga employees na gustong sumali. Subsidized ng Unilab ang P100 dun sa reg fee nila.

    So, hindi totoo na libre ang kits ng Unilab employees.

  10. Just to clarify:

    1st medal – 21k
    2nd medal – 21k
    3rd medal – 32k

    pag nabuo mo yung medal, pwede mong ilagay sa loob ng medal galing sa Philippine Marathon? – 42k?

    sana may specific dates na para sa mga yan, para mapag-handaan na

  11. JP, please stop spreading lies about Unilab and our employees. I work in Unilab and I can confirm that is not true. Unilab employees are not receiving free race kits for Run United 1. They are only given P100 off sa registration as employee benefit. Please don’t spread lies. And I confirm this. Binabayaran ng Unilab employees ang registration nila for Run United.

    Sabihin mo sa akin kung sino ang source mo at haharapin ko siya. Sasampalin ko siya for spreading lies about Unilab.

    Noelle, Unilab employees are not receiving free race kits. Please ask your mom, who works in Unilab, if she’s receiving any free race kit. Check her Lotus Notes and you will see all email blasts na employees are only entitled to P100 off at HINDI FREE RACE KITS.

  12. Hey, JP. Whoever your source is is obviously lying. I am a Unilab employee and I paid for my race kits. All my officemates paid for our race kits. We have an internal registration for employees and the only privilege we get is P100 off. Since Unilab started the Run United series in 2010, never nagkaroon ng free race kits ang mga empleyado. Hindi din required tumakbo ang mga employees sa run para pampadami. Mga 500 employees lang ata ang regular na sumasali sa Run United. More than 3000 ang population namin.

    Please stop spreading lies about Run United and especially Unilab employees. We try to make an honest living and we don’t cheat our customers. We pay for our own race kits.

  13. i know most of the people right now are complaining about the registration increase of Run United 1 this March 4…and i’m one of them..but i just can’t help but to join this one since this is must run race because of its quality and reputation! officially registered today at Riovana BGC right after my weekly long run and i can’t wait for this one ! 21K let’s go!

  14. Thank you for clarifying, Noelle. I wished though that you asked around first given that you have direct access to RU representatives. As you tweeted, you got an audience with them a few weeks back. I believe that your mom and sister also work in Unilab and they could have given you accurate info about the run.

  15. Very sorry po. I just re-verified from people working in Unilab that they only get discounts for their race kits (will post how many % when I find out) and they are encouraged, but not required, to run. Sorry po again.

  16. JP, I don’t know where you got your source but he/she is obviously lying. You said you confirmed that employees get free race kits as long as RU reaches 10,000 employees. Now you are retracting your earlier statement.

    I can tell you now that what employees get is P100 off which is paid for by the company and is not added to the reg fees. I hope inaccurate statements like these stop.

  17. There are only 4,000 Unilab employees nationwide and not all of them are runners. They get P100 discount(paid for by Unilab), designed to encourage them to get active. I think similar discounts were in place for previous RU races.

  18. It is not true that the employees of Unilab get free kits. They are not forced to run. While free expression is encouraged, let’s be fair naman and get the facts straight first before posting anything. Erroneous posts result in misleading people.

  19. Sorry din for perpetuating a misconception, I was only able to talk w/ Unilab employees after I sent my first comment (can you keep my family out of this?). What I meant was if the rumor were true, the free kits would have been paid for by the company, not subsidized by higher fees.

    E hindi totoo so I tried to correct myself. Na-moderate lang yung comment (like yours were).

  20. Thanks guys for the clarification on Unilab employees.I work in Unilab too and I was shocked to read some unfair comments about us getting free kits. I’m glad the truth came out: Unilab only subsidizes our fees, and I’m thankful to Unilab for it.

  21. aba teka. not paying 900. LSD na lang sa march 4… is it really necessary to join the prestige? think before you pay. wag rin padala na because you’re friends are running then you should run na rin. it’s not the essence of running, prestige or luxury, wala ung thrill sa masyadong commercialize na patakbo. it’s more of papogi at paganda at post sa facebook. I PASS.

  22. ok malinaw na ang lahat.
    hindi required sumali ang mga Unilab employees.
    …na meron silang discount at hindi sila libre.

    at malinaw pa rin na mahal ang patakbo basta hinawakan ng RunRio…

    may mga kakilala ako, na trauma sa mahal ng mga patakbo niya, na-discouraged sumali sa mga takbuhan.

  23. anuman ang maglabasan sa comment maganda man o hindi the point is can not afford talaga ang registration fee… to those who reg. n good luck, and happy run.. sa mga tulad namin n d tatakbo sa RU1 dami namang event p na pwede salihan..thanks and god bless you all….

  24. Sorry po ulet. I registered on the Unilab company gym (though I’m an outsider) last week and I had heard from some of the other employees that they were wishing that they be given bigger discounts and some were even hoping to get it for free. Whispers tend to change from person to person and by the time it reached the last person (me) the message had been altered from the original. Very sorry for the mix-up again.

  25. LSD na lang muna kami.napaka-mahal naman.marami namang mag-pa patakbo na mura.dapat talaga na di takbuhan ang unilab.nagi-ging negosyo na.

  26. JP, there’s no issue that you registered in our gym even if you’re an outsider. Fact is, our employees are encouraged to register their family and friends sa gym para mas convenient for them. What I took offense is that you said “confirmed” na libre ang race kits namin, making it look that you got your info from a very reliable source when all you heard was side comments.

    If others find the race expensive, that shouldn’t stop you from running. Sabi nga sa iba, running is free but races are not. If you’re looking for a race na organized, madaming security at marshals, maayos ang mga freebies, madaming hydrations, then join RU. Kung gusto nyong simpleng takbo lang, madami pang iba diyan.

    And I think Rio has explained na the reasons bakit mataas yung reg fee. Icheck nyo na lang yung mga blogs. Ang akin lang, sobrang naging spoiled na din ang mga runners. Madaming hinihingi at madaming demands sa mga races at lahat yan may cost.

    So far, sa lahat ng RU races na sinalihan ko, masaya ako lagi sa naging experience ko. And I’m not saying it as an employee but as a runner.

  27. last year b naluge RU1,2,3 i think maganda naman yung mga comment last year at maganda yung pag organize ng event. Sana naisip nila kung kakayanin b ng ibang runner kung itataas yung reg fee.. baka naman next year mataas p sa Php900.00 reg fee its because they need more income compared this year…
    ganun d b sa negosyo….sorry Accounting lang…

  28. I hope we all get to learn something on responsible information dissemination…

    mahirap yung puro hearsay, hearsay…siguraduhing solid muna yung facts before posting…maraming naapektuhan (emotions, decision-making) because of wrong information propagated.

    think before you click =)

  29. I have nothing against bloggers who advertised running events and also nothing against bloggers who attend parties sponsored by event organizers. Of course part ng marketing strategy yun. Iyong bayaran na sinasabi ko are those bloggers who attend the event launching w/ free food or sometimes w/ free race kits, tapos magsasabi sa blog nila na yung mga umaangal sa pagtaas ng reg fee e makikitid ang utak, utak talangka, di kayo pinipilit sumali etc etc. Come on…nabusog lang sila e kung ano ano na sinasabi just to defend the organizers. Ok lng magcomment kayo ng ganun basta ba wala kayo natanggap na libre. And besides, forum po ito kaya di nman pupuede na puro magaganda lng mababasa mo dito. I’ve been running for 5 years & just concerned w/ the rising fee lately not just for myself but to those who still want to embrace the lifestyle.

    @barefootdaves comment #395 I don’t know you personally thats why I said “I GUESS & HOPE you’re not one of those bayaran.” No need to react if you’re not one of them. And no need to name names…alam na nila kung sino sino sila.

  30. Yung ibang nagccomment dito, halatang di nagbabasa. May nagsabi na nga na Gawad Kalinga at Heroes Foundation ang beneficiaries, eh.

    I think open si Coach sa mga nagtatanong kung bakit nag-increase ang fees. Puwede nyo siya i-PM sa Facebook nya para maliwanagan kayo.

  31. naghihingalo na sana ‘tong thread na ‘to kasi Yakult na pinag-uusapan kaso nabuhay na naman…at yun pa rin ang issue: ang mahal na patakbo.
    siguro habang binabasa ni rio mga nakasulat dito, nakangiti lang siya, wala na sa kanya ito, di niya feel.(opinion lang po)

  32. Hi all, last day of registration for “RU1 is on Feb 26.:) We have a total of 3,042 21km runners and still counting, this is so far one the biggest.:) We may close the registration earlier than the announced date but we may extend the registration until March 2 for other slots but we can not guarantee it.:) Thank you and register now!!! See you! :)”

    —–so npuno pla ng UNILab employees ung 21K kc about 4000 cla…..

    “As Coach Rio de la Cruz posted in our Wall, the 21km category is getting filled up fast. Register now or risk losing a slot. The rest of the categories is still open so make sure you register ASAP.”

    —–d rest of d categories still open…ciempre wla p halos ngregister s sobrang mahal….bkit di binanggit kung ilang runners s ibang categories?….

  33. mahal yung registration fee,maraming di maka-kasali sa event na to.syempre hahanap yung mga runners na mura,pareho naman na fun run.sana mag-ka-isa mga community runners na pag-mahal.hwag takbuhan,meron naman na mura na mag-pa patakbo.mahirap kumita ng pera.

  34. eto p….

    “Somehow he (referring to Coach Rio) has elevated the running scene, improved the quality of races, and encouraged so many people to get into the active lifestyle of which running is a start.”—sv ng tumatakbongHOSE…mlakas ksing SUMIPSIP kya HOSE t di STRAW….

    runners agree b kau?…how would u encourage SO MANY pipol if SOBRANG (as in)taas ng fees mo…ung pipol b n tinutukoy mo e MAYAYAMAN? so dpat i-rephrase nten…SO MANY RICH pipol…and we r not 1of them….RU?

    • Hi Guys! Kindly read through the thread first before commenting. There has been a lot of questions answered already and some concerns addressed. And please, no name calling, kindly re-read the comment policy. Thanks

  35. konti na lang gusto ko na magregister for ru1,kaso ang mahal talaga..oh well,i still have 5days to contemplate.wag lang maubusan ng slot :)

  36. @barefootdaves

    3 inches daw ung radius nung pie-shape na medals. mas malaki nga kesa sa condura. mukhang hahabol sa plato ang size pag nabuo including ung sa ru marathon. un lang, 4 na beses kang tatakbo hahaha :))

  37. @QP so 6 inches ang diameter ng 3 medals combined + the medal from RU 42k Marathon so that’s 7 or 8 inches diameter possibly one of the biggest medals given in any running event in the Philippines!

    You can almost serve food on the complete medal set hahaha

  38. Me and several fellow runners made a pact to boycott runrio events. Negosyo na ginagawa eh! Hes getting richer at the expense of fellow runners. He wanted to make quick bucks and sadly for us he is a multi millionare now while we runners cant even afford to register at races anymore

  39. @QP

    “3 inches daw ung radius nung pie-shape na medals. mas malaki nga kesa sa condura. mukhang hahabol sa plato ang size pag nabuo including ung sa ru marathon”

    lalabas lampas 6′ ung buong medal? mukhang plato nga ito =)

  40. i won’t join to this event.. business kasi.. nakakatamad.. ok lang gumastos kung for a cause pero ganito, never mind.. buhay na buhay na yun mga organizer dito…

  41. @426 ruelrangel: TAMAAA!!!!

    @427 thenightstrider: ok Sir ayuzz yan sali tayo jan!

    @435 Popoy: oo nga sir bakit ganun?! bakit sa milo di naman ganun kamahal. tpos may beneficiary pa! ang problema baka pagdating sa Milo run series baka magmahal na rin sila wag naman sana kasi matagal na rin sila nagpapatakbo ala pang runrio may Milo marathon na.

    @441 johnny: Sir super like your comment! he he he! chill!

    @449 bulastog: ha ha ha! galing mo sir! i’m not one of them kaya po hindi ako makaka join dito.

    @465 Runner: Sir count me in! think first before joining expensive fun run. Mas marami namang mura jan na pede salihan!

  42. badtrip di ako naka PR dito sa RU1. . it took almost 3hrs back reading before posting this comments hahaha

    Good Luck runners!

    Disclaimer:(lunch break included) LOL

  43. Sulit lang ang run united events sa mga long distance runners… sila lang kasi meron saging, medal, fin shirt, awards night, carbo loading party, at kung ano ano pa… pero konti lang naman difference with the 10k registration.

    Maganda siguro i-isolate ung gastos per race category.

  44. I am a Run United fan since 2010. But I am now having second thoughts of joining Run United for this year. Sobrang mahal ng registration fees. Di na practical. We should go back to running in U.P. Academic Oval na lang and choose the races that will join wisely.

  45. @Special Ed

    “Kung 3000+ runners sa 21k at marami ditong di na sasali dahil sa presyo, san galing ang mga runners na yon?”

    i have no idea as well. na-alala ko ayaw ko din mag-register for condura 2011 (last year) because of high registration fee. pero nag-sign up pa din (nagbago ihip ng hangin) at nag-train para sa half mary, hehehe

  46. konti na lang sa sali sa eventna to.pag-sinimulan nila ng ganyan kamahal ang registrsation fee.marami ng ta tamarin na runners na sumali.kaya nga LSD ang tamang sagot sa mga mahal na registration,pareho lang na tatakbo yun.pwede naman na mag-kasama sama ang mga runners community para sa health maintenance.

  47. Wow parang nag-afroman distance na ako sa haba ng thread na ito. Yung iba parang pop-corn, busa lang ng busa. Hindi man lang magbasa.

  48. ok lang kahit mahal…atleast dito makasisiguro akong maganda ang quality ng race since Runrio is well known for its well organized events! can’t wait for my first Half Marathon here!

  49. P900 x P3,042 = Php2,737,800 ( di pa po ito ang total ng bilang) ilang porsiyento ba ang mapupunta sa gawad kalinga? sa organizer? at sa unilab???
    (21k runners only)

    sa mga ating kababayan,
    marami pa kasi ang di nakaka-alam ng ganito, pero ung iba
    basta makatakbo lang,
    basta makatulong lang,ok na,

    pero dapat alamin din natin?, kung saan-saan napupunta ang mga pera ng mga runners d2? para naman po ung ibang tao nagkakaroon ng idea, kung paano napapakinabangan ang ganitong kalaking perang ating naitutulong sa mga nanganga-ilangan?

    di naman po siguro masama kung sasabihin natin ang totoo, dahil maraming tao ang nasa likod nitong patakbong ito, na pwedeng magsalita tungkol sa pagtulong at paglilingkod sa ating kapwa lalo na sa mahihirap, di po ba?

    wala po akong ibig sabihin ng masama dito sa aking opinyon, mas maganda kung magbigay na lang kayo ng advise, wag lang po magsalita ng di maganda sa kapwa, dahil kanya-kanya po tayong opinyon,,,

  50. magandang panapat sa mahal na registration ay LSD,pareho naman na ta takbo yan.para sa maintenance run at sa health,may mag-schedule naman na mababa ang registration fee.intay intay lang

  51. kung ok lang na ganito kamahal, sige nga paki-yaya ang mga nagsisimula pa lang at first time sasali sa race kung ok sa kanila na ganito ang presyuhan ng patakbo. ok kaya sa kanila na sila sasali sa mga mamahaling patakbo samantalang kumusta naman ang kaya nilang gastusin para sa pamilya nila?

    may mga nagsasabi na can’t afford daw ang mga ayaw sumali. gaano kayo kasigurado na di namin kaya bayaran yan?

    kaya ayaw namin kasi namimihasa na, at ang delikado niyan may mga gumagaya na rin sa pataasan ng presyo…at yun na ang nangyayari ngayon.

  52. mga tol, simple lang naman yan.. kung mahal edi wag salihan. hindi naman kailangan magsalita pa ng kung ano ano dahil hindi naman mandatory ang pag sali sa event na ito.. kung pinilit ka at pinagbabayad ka ng ganyan ka mahal, tsaka ka na mag reklamo.

    kung walang sasali, its their loss. kung madami sasali, edi winner ang benefactor.

    alam ko madami sa inyo ang iniisip ay kapakanan ng mga runners at kung gano ka-unfair na ang mamahaling races. pero kayo na din mismo ang nag sabi na madami pa din naman mura. edi dun nalang tumakbo.. sabi ko nga hindi mandatory ang race na ito.

    ang sa akin lang, try organizing an event as big as this then tsaka kayo mag salita.

    and please, back read naman mga tol. i know this is a long thread already pero nakakainis na yun iba paulit ulit e. pati tuloy ako parang nauulit nalang.. hayz!

  53. sa pag-takbo kailangan ma-enjoy mo,tsaka pang-long life ang fun run.pag-matagal ka ng tuma-takbo,maiisip mo na malaki na pala ang naga-gastos mo sa registration fee,di na-iisip ng ibang organizer pag-pamahal na ng pamahal,marami pa kayang ta takbo?

  54. Tama kala ko sa gobyerno lang may kurakot baka sa mga running event may corruption din. Dapat every events after nun ilabas nila ung income nila at totoo bang napupunta sa tama ang pera dahil its runners money ryt? D lang tayo sali ng sali dapat maging vigilant din tayo. Baka next year or after 2 years ang 3k ay aabot na ng 1k he he .

  55. Mahirap ng magsayang ng pera sa ganyan kamahal na takbuhan, basta ako, hindi magpapauto. Tsaka good luck sa mga 21km runners, trapped na kayo sa pre-requisite medals to complete! Pero sana lang sa lahat ng mga tatakbo dito, makita nyo rin sana si Coach Rio sa finishline na nagchi-cheer na matapos nyo ng safe ang run, tutal deep inside malaki ang ngiti nya xe dagdag na naman kayo sa limpak limpak na salaping iuuwi nya. Happy running guys…

  56. SMARTrunners kb?, napaisip aq ng malalim,

    MGA Rason kung baket gusto q tumakbo s RU1:

    1. di p q nka-experience tumakbo s RU race
    …..pro RIO race 1 p lng, kinompare q ung race q s RIO t s Rizal, halos preho lng nmn ang fun n nranasan q, pro mas mura ung s Rizal….

    2. gus2 q magtry s RU1 khit 1 tym lng, mkpagsuot lng ng singlet
    …..pro may ngsv n noon daw proud cia suot RU singlets pro now di na kc di ka lng naisahan ni Rio ndalawahan kp

    3. mgpapapiktur aq ke Rio
    …..pro mhirap mkakuha ng chance kc gwardiado cia, ung mga may kakilala lng mkakapagakuha

    ANG Rason kung bket ayaw q tumakbo:

    ayokong maging succesful ang event n ‘to kc nxt year cgurado TATAAS ulit registration FEE at panigurado maraming events ang GAGAYA, ang finish line este bottom line wala nmn pupuntahan to kundi ang PAGTAAS….e kung FLOPtsina e di PABABA ang punta neto….darating ang araw n ang pagtakbo e pra n lng s MAYAYAMAN, paano n c JUAN? wala n, wala n…di mo n cia maririnig s starting line….two, three, four…go! n lng maririnig mo, wala n c juan…

    be a SMART runner,

    THINK B4 u LINK!!!

  57. kunti lang daw sasali dito? out of 494+ posts ilan na ang paulit ulit na nag post? :)

    mga whiners kayo . .

    di naman kayo pinipilit magpa-reg at sumali. .

    kung namamahalan kayo. . ignore the event, as simple as that. . di yung puro post ng reklamo. . puntahan nyo si Mike Enriquez para sama sama kayong. . di nyo sya tatantanan LOL. .

    gusto nyong malaman san napupunta yung pera? dalhin nyo sa supreme court or sa senate para maiba naman usapan at di puro kay corona ang issue. .

    the reality kaya panay reklamo is gusto nyo rin yung medal, makumpleto ang trilogy at maka attend ng awards night (ooopsss GUILTY, lokohin nyo sarili nyo kung magpopost kayo na nagkakamali ako). .

    cheers!

  58. guys… tama na ang reklamo natin… d naman tayo pinipilit ng RU1 n magregister o sumali sa run nila… kung d natin kaya d wag tayo sumali… simple as that guys… expect na dapat natin yung mga ganito… kung gusto natin tumakbo sa mga run event,ngayon palang magipon na tayo… thnx…

  59. @Mike

    “Pero sana lang sa lahat ng mga tatakbo dito, makita nyo rin sana si Coach Rio sa finishline na nagchi-cheer na matapos nyo ng safe ang run”

    if you’ve participated on one of his races, you’ll see him do that. but not all the time since he runs around and check his team and the runners if everyone is doing fine

    on some occasion, he runs along with the participants just to be sure the hydration is adequate, traffic is managed well, and safety is prioritized

    in fairness to runrio-organized races, it is where the organizer (and can be approached and talked to) is visible. as for the other races, i don’t even know who is the face behind the organizing team or perhaps i just don’t know them

  60. if I remember it correctly, sa mga past Run United races binibigay yung donation for the two foundations (Gawad Kalinga and Heroes Foundation) after the awarding ceremonies. So, if you want to know how much…attend na lang po kayo ng program.

  61. so, ibig nyong sabihin wag n natin paki alaman yung pagtataas nila ng registration fee? pang sarili n lang b natin ang pakialaman natin ganun b yun? so next year kung more than 1k n registration. OK LANG B SA INYO,

    kung pagtaas nga ng gasolina at pamasahe at nga bilihin umaatungal n kayo. bakit d2 tiklop kayo? o dahil wala kayong pakialam sa paligid nyo…para kayong walang silbi sa lipunan….hehehehehehe….

  62. sa pagtaas ng bilihin, pamasahe at gasolina may batas p para pigilan,alalahanin nyo wala pang batas n pwede pigilan gaya ng event n 2, malaya cla kung anu ang gusto nilang ipatong n presyo at sasusunod pang mga taon… yun lang mapagmasid…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here