Run United 1 2012 – March 4, 2012

2534

Information about one of the most awaited races for Q1 or 2012 is starting to be slowly released. The Unilab Active Health Run United 1 is already set to take place on March 4, 2012 at BGC. Time to mark your calendar!

Run United 1 2012
March 4, 2012
Bonifacio Global City
500m/3K/5K/10K/21K
Organizer: RunRio

Registration Fees:
500m – P350
3K – P600
5K – P700
10K – P800
21K – P900

Gun Start:
500m – 7:30AM
3K – 5:50AM
5K – 5:30AM
10K – 5:30AM
21K – 4:30AM

Registration Venues:

Advertisement

Online Registration will start on January 30, 2012 until February 19, 2012.
Register Online -> Click Here

In-Store Registration: (January 30, 2012 to February 26, 2012)

RIOVANA
– Bonifacio Global City (Mon to Thurs, 11AM to 9PM, Fri to Sun, 10AM to 10PM)
9th Ave corner 28th Street, Bonifacio Global City

– KATIPUNAN (Mon to Sun, 10AM to 8PM)
3rd Floor Regis Center, Katipunan, QC (infront of Ateneo de Manila University)

TOBY’s
– SM Mall of Asia (Mon to Sun, 12AM to 8PM)

THE ATHLETE’S FOOT
– Robinsons Galleria (Mon to Sun, 12AM to 8PM)

Run United 1 2012 – Singlet Design:

run-united-1-2012-singlet

The Run United Series Medals UNITES together in the Run United Philippines Marathon 2012!

Run United 1 2012 – Medal Design:

run-united-2012-medals

Run United 1 2012 – Race Maps:
Run United 1 2012 – 500m Map
Run United 1 2012 – 3K Map
Run United 1 2012 – 5K Map
Run United 1 2012 – 10K Map
Run United 1 2012 – 21K Map

Run United 1 2012 – Finisher’s Shirt Design -> Click Here

For More Information:
Visit -> https://runrio.com/

Follow US!
https://www.facebook.com/pinoyfitness
https://www.twitter.com/pinoyfitness

734 COMMENTS

  1. Balita ko multi millionaire na si coach rio. Ang laki agad tinaas ng 21k. Im also wondering last year may medal, baka this year wala na din kasi walang nakalagay sa post about it. Tsk tsk… Fellow runner should care about a fellow runner and must not make enormous profit out of them.

  2. Balita ko multi millionaire na si coach rio. Ang laki agad tinaas ng 21k. Im also wondering last year may medal, baka this year wala na din kasi walang nakalagay sa post about it. Tsk tsk. Fellow runner should care about a fellow runner and must not make enormous profit out of them.

  3. SANA IBALIK ANG REGISTRATION BOOTH NG RUNRIO SA ATC, PABOR SA TAGA SOUTH, SABI NG MGA STAFF NAKA ASSIGN SA ATC AND FESTIVAL MALL (CONDURA) YUN ANG HULING REGISTRATION SA SOUTH, DAHIL SA MOA NA PO ANG REG, PLEASE COACH RIO MAS OKEY SA TAGA SOUTH ANG REGISTRATION SA ATC AND FESTIVAL MALL PLEASE IBALIK!!!!!!

  4. Trinoma lang ang nearest place we can register from North provinces…nawala pa…tumaas na registration fee – mapapamahal pa kami before and after the run because of transportation…sana po mag organize na lang RunRio dito mismo sa Northside Bulacan or Pampanga !!! North UNILAB 1,2,3…

  5. Mahal ng 21K ngayon compare last year RU3. Bukod sa nag tataasan ang bilihin eh magpapakasal na si Coach Rio (balita ko this year). Bubuo na sya ng pamilya kaya intindihin nyo na lang si coach.

    Malay nyo baka imbitahin tayong lahat sa kasal nya….=)

    Coach baba mo naman reg. fee.. presyong kaibigang walang iwanan.. Goodluck and best wishes na din… =)

  6. hays…. worried about the new route! and the increase of registration fees…. parang gasolina ambilis tumaas, hay naku! hope to run on this?

  7. nagmahal nga ang reg fees, grabe! sana bumawi na lang sila sa pamamagitan ng magagandang medals, finisher shirts, at maraming giveaways. not to mention efficient logistics kung matuloy nga ang point-to-point route ng 21k.

    based on my experience with runrio races, if they are providing good service naman(through well-organized events and so on) then go lang! quality does come at a premium at times.

  8. Sana pwede mag Reg na wala ng kasamang singlet, para discounted price. Finisher kit lang naman importante. madami din hindi ngsusuot ng singlet during the race. para makatipid lang. heheh

    Hindi na Coach si Rio, Businessman na sya.

    Register with NO SINGLET! Para makatipid! woo

  9. kelangan kapag dumadami ang running enthusiast tumataas din ang regi fee?. Di ba dapat nga mas mababa kasi bulk na ang pagpapagwa ng singlets and giveaways.

  10. ok nmn pala ung registration give away nila…

    pero, didnt say if may finisher medal ang 10k. ung 21k lang meron. :(

    sana lahat na lang may medal para mas sulit…

    @karl cruz, good idea! sana pede…

  11. Coach Rio, para namang di ka nanggaling sa hirap kung mag taas ng reg fee.. sana intindihin mo din ung mga maliliit ang income na gustong makasamali, hindi lahat ng runners e mayaman….
    Last Jan 15 tumakbo kami sa UPLB sa KARUNUNGAN 200 reg ng 21k may magandang medal na..

  12. yup nagtaas na nga, pero meron tong bib holder na kasama, I think 100+ din ang price nito sa market kaya parang ganun din compared to last year’s price, singlet is a combi of blue and orange…la pang other details as per the Riovana staff, check na lang siguro sa website for updates and further details…to be fair kay Coach Rio, di lang naman sya nagdedecide regarding sa reg fees, baka nga it’s more of Unilab’s decision pa

  13. guys,sa 21k runners,pumunta ako sa Tobys MOA kahapon to inquire,WALANG FINISHERS SHIRT..bib holder lang at medal lang..nagulat din ako sa MAHAL ng registration fees..kaya nag alinlangan ako kung tatakbo pa ko dito..tsskk

  14. ok na rin pala ung price ng registration may kasama na ngang bib holder..saka ung medal parang puzzle..kelangan i-complete ung 3 races para makabuo k ng large medal..

    ung pang-4 mas malupet, ung pandikit..

    happy running…

  15. ask ko sana kay sir rio, na nacomplete ko yung race ng Run United 2011, bakit wala yung sinasabi na may marereceived kami?

  16. I saw the unique medals for 21K. Finish the 3 legs(21k/21k/32k) and you’ll get all 3 medals that complete a puzzle and form a bigger circle. nice. kakaiba nga. mahal nga. pero pagipunan na lang natin guys. mukhang sulit naman. me libre pa bib belt.

  17. On INCREASING REG FEES– i doubt if this is even coach rio’s idea, knowing that unilab is the main benefactor of this event.i feel that unilab unabashedly banks on marketing spins that allow them to rake in millions.notice there’s no charitable institution involved in any of their runs?do correct me on that if im wrong..that’s how sales-marketing oriented unilab is (just my opinion, nobody’s forced to agree).while we pounce on rio for these highly commercialized runs, i feel that he too is a victim of sales-hungry, err greedy companies out to make profit out of runners.rio should stood by runners’ interests.as a runner himself, he should know that some/many people run NOT just for the heck of it, but for very personal reasons, and sadly money/finances is slowly dampening the passion. unilab,forget not that people have the ability to perceive true intentions kahit papano.if youd like to sustain the running community (which i doubt is the intention to begin w/), this may not be the right direction.ohwell, this is just me, i dont know about other runners.again, no one’s forced to agree w/ this humble opinion.

  18. I thought their mission is to encourage more people to run & embrace this kind of lifestyle, but seems runrio races are taking adavantage of the current running boom. P900 for a 21k run? Gastos napo yan for 1 week ng ordinary office employee. Guys just choose wisely on joining fun runs, parang nawiwili na ang mga running event organizers. Sa taas ng reg. fee, tinipid pa size ng finisher’s medal (1/3 n lng ng previous size) & the quality of singlet papanget ng papanget. But still…keep on running guys!

  19. wag na kayo magreklamo sa route ng run, yun na pinaka ok na kalsada eh.. dun kayo sa cubao, padaanin nyo yung ruta sa overpass na mapanghi para ma challenge kayo. panay reklamo

  20. for a 10k run magbabayad ka ng 800, ok lang kasi runrio naman ang nag organize and yung mga sponsors nila is related talaga to running like timex, asics, powerade, etc.kaya nga magaganda freebies eh.

    aminin natin mahal yung reg fees pero we dont want to miss a runrio organized run di ba? kasi alam natin masaya saka maayos talaga yung event.

  21. mas mabilis pa sa oil price hike at basic commodities. months pa lang nakakalipas tumaas na agad. omg!!! definitely run for a cost talaga.

  22. Maawa naman kayo pedicab driver na katulad ko na nahihilig sa pagtakbo ,sana naman po bumaba yung registration fee sa 21K . . .Isang linggong pasada ko po sa pedicab yung P900 sir Rio bago ko maipon yung pag register ko . . .Babaan nyo naman po pikaw lamok kamahal na ngayun last year lang po P750 lang eh :(

  23. ayos ang mga pakulo ng medal..balita ko bukod sa ang takbo eh BGC to MOA, pag dating mo finish line eh aakyat ka pa ng puno para makuha ang medal mo,,sa RU2 naman sisisid ka dagat para sa 2nd medal at sa RU3 lipad ka buwan para makumpleto..hehehe..peace..bottom line,ganyan na kamahal at kahirap tumakbo ngayon..

  24. maybe runrio should come up with a promo where you get 1 free race kit by yearend for participation of any 4-6 runrio races within the year… or how about 10+2 for the fanatics out there…? do come up with something to keep runners motivated… i can still take the price increases as long as i do 1 race a month… i’ve been hearing people saying that running will just be a fad and reach its saturation point until interest begins to wane… i

  25. eto ang maliwanag n HOLDUP!!!! salamat unilab… yung mga freebies nyo n gamot yun yung mga malapit n magexpire and yung mga hindi nabibili! pakonti p ng pakonti.. win-win situation ang unilab!!! s inyo n yang run nyo!

  26. we are 10 in our group! pag nagpa reg. kmi edi maliwanag n 9thou yun! we decided n mag beach n lang tapos roadrun, edi ok p new route n ok p ang scenery! BGC nanaman e halos every wk. jan n ang takbuhan.. haaay! isip-isip mga runners wag magpapaloko! up to now wala p din yung promised ng unilab n post kit! kagaya ng baller and post picture..

  27. pauna na sa mga kokontra, peace!

    dati, proud ako na meron akong singlet o kaya finisher’s shirt galing sa Runrio races. halos lahat yata ng patakbo niya dati nasalihan ko.

    ngayon, hindi na. ayoko na rin isuot mga galing sa patakbo niya. feeling ko naisahan ako ni Rio..nadalawahan pa…at nakarami pa..tsk tsk.

    sa totoo lang di lang naman mga patakbo ni Rio ang maayos.

    sa mga kokontra, kanya kanya lang tayo ng opinyon, ok? pero sabi nga “truth hurts”.

  28. Seriously, ang hirap na maghanap ng kasama sa mga ganitong event dahil sa sobrang mahal. How very sad.

    I know it’s bad but I secretly wish that it bites Unilab and Runrio in the a** and they do not meet their return on investment.

    I think we all kind of agree that they need us runners more than we need them.

  29. TAMA kayo..!! ksi businessman ni coach rio at magkakaanak pa kaya eto at tayong mga runners ang apektado nagtaas pati registration fee..sana bumawi n lng sila sa mga medal at finisher shirt and Give aways..para sa UNILAB pls lng Dagdagan nyo naman ng VITAMINS..

  30. BOOM! Registered earlier sa SM MOA medyo may kamahalan nga lng 21k.. Bait ng runrio staff dun very accommodating. Tsaka laging naka-smile. See you March 4! APIR!

  31. from https://runrio.com/2012/01/run-united-1-2012-3/

    SHUTTLE SERVICE:

    We will be providing a SHUTTLE SERVICE for 21km participants. The service will have the SM Mall of Asia as its pick-up point and will bring the 21km runners to the 21km starting line at the BGC.

    Why SM Mall of Asia as pick-up point? Consideration was given to 21km runners who may have other members of the family who will be running a shorter distance so SM Mall of Asia is a more feasible originating point. Besides, there are more available parking areas there than in BGC.

    More details and mechanics for the Shuttle Service will be posted once available.

    BAGGAGE AREA/SERVICE:

    Baggage Services will be available at the BGC race area in the form of ROVING BAGGAGE SERVICE VANS which will be on standby prior to race start and will move to the SM Mall of Asia to bring these checked-in baggages to the designated Baggage Claim Areas.

    *crossing fingers this works for everybody :))

  32. @QP: wow!! auz yan.. sana mag work nga yan :))

    ehh kung magmumula din nman ung ibang 21k runners sa MOA pra sunduin ng shuttle.. pwede keang iwan nlng din nila ung baggage nila sa MOA? hnd ung iiwan din nila sa service vans? tama ba ung pagkakaintindi ko? :)

  33. paki post na lang kung what time magpick up ung van ng 21k sa mao going to starting line sa bgc… at san un makikita… tanks…

  34. I won’t run on this event, masyadong mahal, ano nangyari sa Runrio? bakit masyado commercialize na ang run na ito tapos hindi naman ganun kaganda ang quality ng singlet, it should be health beneficial and not for financial.

  35. kung ganyan ang trend ng reg fee ng runrio races mukhang di na ako makaka-join sa mga races nila. masyadong mahal na! i wont quit running though. private running na lang sa amin.
    Sana magkaroon pa ng maraming run tulad ng sa St. Peter… mura na (P200 only), very much enjoy pa.

  36. mukhang madadagdagan na naman ng branches ang riovana pagkatapos ng unilab runs 2012. at yung tira-tira dito sa unilab gagamitin na namn sa timex 2013

  37. comments lang specifically sa 21k race:

    1. dating 750 ngayon 900 – considering na sponsored to ng Unilab, which is a huge company eh bakit nag taas pa? para saan pa ang sponsorship?

    2. same old singlet design, only uglier color scheme.

    3. dati isang buo yung medal, ngayon 1/3 na lang. nag increase ng rates pero nag bawas sa metal?

    4. route not comfortable sa mga may dalang kotse na ipapark sa BGC

  38. siguro mga 15 to 20 or lagpas pa na BUS ang kailangan para maihatid ang mga 21k na RUNNERS papuntang BGC kung ang tatakbo sa 21k ay nasa 1,500 na runners,,,

  39. mahal kumuha ng mga bouncer…

    mahal ang honorarium ng mga emcee…

    mahal ang security at safety sa BGC…

    mahal ang magmaintain ng maraming negosyo…

    kaya mahal ang reg fees…

    o kaya alisin na lang ang sponsorship ng unilab kung ganyan din kamahal ang reg fees.

  40. Tatakbo na ako dito. For sure, may increase na naman next year. So first and last time ko nang kukumpletuhin ang Runrio Trilogy. At least maganda yung souvenir na medal. Proof that you completed the whole race…

  41. Sya nga pala last RU3 me higit ata sa limang car owners ang nabiktima ng bukas kotse sa MOA parking lot. Sana mas secure na parking space naman para sa nagmamahal na pa takbuhan… ma coordinate nyo sana ang issue na to sa MOA management din.. at sana mag mura ang mga patakbo nyo.. peace tayo mga repapips…=)

  42. To organizers and fellow runners,

    nakakalungkot, pamahal ng pamahal ang mga registration fees… true na maganda ang event pag mahal yung fees, daming freebies, energy drinks, foods, etc. pero mahalaga nga ba ang mga ito para sa mga runners? para sa akin ang mahalaga ay ang medals at finisher shirts, then during the race yung hydrations, marshalls, ambiance ng route, and safety ng runners. usually din, ang mga freebies may kanya kanyang booth pero hindi naman ito lahat napupuntahan ng participants dahil sa haba ng pila, okay sana kung lahat ng freebies pinagsasama-sama na lang at isang bigayan na lang sa runners after the race.

    ang nakakalungkot pa, sa pagmahal ng registration fees baka magkaroon ito ng domino effect sa iba pang darating na race event and eventually mas maging affected ang mga low budgeted runners.

    nung nag start akong mag run last year, sabi ko maganda tong sports na to, walang boundaries, may mayaman, may mahirap, may bata may matanda, kahit ano pwede, ang aim lang tumakbo, maging healthy, mag enjoy sa race and route, and be credited for their accomplishment.

    may mga events naman na reasonable price and yet satisfying, like, PSE Bull Run, EmpoweRun organized by UP Student for a good cause pa yun, then yung Sendong Run, ang saya ng race na yun, ang mura ng fees, pero dami rin hydrations at nakatulong pa sa sendong victims.

    some here may say or think na puro ako reklamo, or may say na kung ayaw mo edi wag kang sumali…

    pero hindi yun ang point, worry ko lang baka mawala na yung camaraderie among runners, baka dahil sa pag taas ng registration fees, boundaries among rich and low budgeted runners might widen the gap. Yes it is business, pero wag naman sanang maging greedy dahil affected dito ay ang running community. Unless ang sports na eto ay pang mayaman na lang :(

  43. mali po ata ang pagkaintindi natin sa size ng medal ng RU trilogy…

    yeah, nahahati s’ya sa tatlo..but pag pinag buo po kaya gaanong kalaki?

    hindi naman siguro yan 1/3 ng 2inches medal diba? haha! kaliit naman non

  44. oh my gulay…
    super mahal na po ng reg fee..
    alam naman po namin na well organized po talaga pag RUNRIO ang organizer pero wag naman po masyadong mahal..
    since yung “bib holder” daw po pala ang naka-mahal sa reg fee, sana may option ang mga tao kung kukuha ng bib holder or not..
    kung hindi kukuha, P700 nalang sana ang reg fee at kung kukuha eh di P900..
    may mga bib holder na po kasi kami..
    it seems na hindi na po ito FUN RUN kundi FUND RUN na..
    gosshhh..
    be considerate enough to all the runners who want to join this event..
    wag po masyadong mahalan ang reg fee..
    THANK YOU and GOD BLESS US ALL!
    GUYS, ENJOY THE RUN.. ^_^

  45. Di na ba gagamitin ang reusable timing chip from last year? Nag-register ako kanina, di naman sila nagtanung kung me reusable chip na ako. Dati-rati, kinukuha nila yung number ng chip at i-e-enter sa database.

  46. @maxi, ikakasal na kasi si coach rio kaya hayaan na natin, nakatulong pa tayo di ba?

    peace!!!

    gustong gusto ko din tumakbo dito 2 kami ng husband ko kaso sa sobrang mahal hirap bawasin sa budget…

  47. Haha puro kayo negative pwede naman kayo di tumakbo o mamili kayo ng run na mas mua.marami naman dyan..Subok na ang runrio kaya naniniwala ako na prepared na sila sa gagawin nila.tsaka sa mga 21k may sasakyan galing moa to bgc.sa moa pa din assembly.

  48. nakuw!!! kakareg ko lang condura at late pa dahil naghanap pa ng datung …tapos tong gusto kung salihan na 21km…hehehe…sakit sa ulo…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here